Chapter 40: The Final Battle

709 27 3
                                    

JJ's POV

"Bilis Kiara!" sigaw ko sa kanya.

Tumatakbo kami ng mabilis ngayon dahil sa narinig namin ang tunog ng bell of awareness, hudyat na paparating na si Belthazor.

Pupunta na kami ngayon sa border ng Mordor at Shire Temple. Sana ay makarating kami doon ng mabilisan, sana di pa sila naglalaban.

"Bumalik muna tayo sa Shire Temple!" sigaw ni Kiara habang tumatakbo ng mabilis para ako ay maabutan.

"Wala na tayong oras. Alam kong doon din sila pupunta at doon mangyayari ang laban." sabi ko sa kanya.

Malapit na kami sa border, konting tiis nalang. Ngayon, may anim na elemento na akong hawak, sana ay sasapat ito para matalo si Belthazor.

Hindi ko man siya nakaharap at di ko man alam kung gaano siya kalakas, gagawin ko parin ang lahat para matalo siya.

Nakarating na kami sa border at mga orcs ang una kong nasilayan sa sobrang dami. Nasa taas kami ng bangin ngayon at sa ibaba makikita ang mga orcs, elves, wizards and dwarves.

Mula rito kitang kita ko sina Rider. Napangiti ako dahil lumakas sila kaysa sa dati nilang lakas. Hindi nila kami nakikita dahil kay Belthazor sila nakatingin.

Nasa harap sina lolo, Ms. Galadiel, Radagast, Palandon at ang mga Guardians of Seasons. Sila ang namumuno sa labang ito.

Ang hukbo namin ay konti lang pero ramdam ko ang kanilang katapangan upang harapin ang hukbo ni Belthazor. Matatapang sila dahil handa silang ibuwis ang kanilang buhay para wakasan ang dilim at patayin si Belthazor.

Kung pagnilayan naman natin ang hukbo ni Belthazor, napakalawak nila dahil sa sobrang dami. Nasa harap rin siya at si Ogre Rahab. Nakaka-pressure ang kapangyarihan niya, napakalakas nga niya. Nakakagana na siya ay labanan dahil nakakasiguro ako na mas challenging and labang ito. Laban sa pagitan naming dalawa.

"Hanggang dyan nalamang kayo Belthazor!" rinig kong sigaw ni Ms. Galadiel.

Ramdam ko ang katapangan ni Ms. Galadiel. Hindi siya natatakot na harapin si Belthazor kahit na may konting lamang si Belthazor. Pursigido siyang ituloy ang laban at wakasan ang paghahari ng kadiliman.

Napapangiti nalang ako sa tuwing makikita ko ang mga mukha ng aking mga kapanalig. Talagang handa silang lumaban, seryoso ang kanilang mga pagmumukha at walang mababakas na anumang takot.

"Akala niyo ba ay mapipigilan niyo kami! Hahahahaha! Nagkakamali kayo!" mainit na tugon ni Belthazor.

Nagkaroon ng malakas na dagundong sa kalangitan. Maging ang mga matatalas na kidlat ay muling nasilayan. Unti-unting natatakpan ng kadiliman ang buong sanlibutan. Maging ang araw ay di na maaninag dahil sa kadiliman.

Halos nagdilim ang buong paligid. Ang kalangitan ay nabalot ng itim na ulap at di na maaninag ang haring araw. Nababalot na ng dilim ang sanlibutan.

Nagulat ako ng lahat ng mga halaman ay nagkalaya. Pati ang mga puno, lahat ng dahon nito ay nalagas. Maging ang mga ibon ay nagsiliparan at halos lahat ng hayop sa kagubatan ay nagulantang sa nangyari.

Ang aming hukbo ay nabahala sa nangyari. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang pagkagulat at nanlumo ako nang maramdaman ang kanilang takot. Natatakot sila sa dilim, dilim na halos nilalamon na ang buong mundo.

Napatingin ako kay Belthazor at halos matumba ako sa lakas ng kanyang kapangyarihan. Siya ang may gawa nito? Ehhh... Bakit pa ako magtatanong kung siya lang naman ang may kakayahang gawin ito.

Halos binubuhos niya ang kanyang lakas. Anong klaseng nilalang siya? Pano niya nagagawa ang ganitong bagay? Paano na magkakaroon ng liwanag? Habang buhay nalang bang ganito?

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon