Chapter 33: Saruman

717 27 0
                                    

Darwin's POV

Nagulat ako nang makarinig ng malakas na pagsabok. Mula rito sa kinatatayuan ko, umabot pa rin ang impact ng pagsabog. Napakalakas dahil para akong titilapon kung saan. Habang inalalayan ko si Darcy baka siya ay matumba. Ginagamot niya ngayon si Radagast, nakapikit siya at halos naka-concentrate sa panggagamot. Napatingin naman ako kay Palandon at halata sa kanyang ekspresyon sa mukha na nagulat siya sa nangyari.

Mas lalong lumakas ang pressure rito at hindi ko mawari kung saan nanggagaling ang kakaibang enerhiya. Enerhiyang hindi matukoy-tukoy dahil mas lalong lumalakas ito segu-segundo. Sino ba ang nagmamay-ari ng ganitong kapangyarihan? Napakalakas, lalo pang lumalakas, dahil dito nanghihina ako. Siguro hindi lang ako ang nakakaramdam nito.

Tanging usok lang ang naaaninag ko at si Frostania na mababakas sa kanyang mukha ang pagkagulat. Unti-unti akong nakakakita ng liwanag na kulay pula at kahel sa usok. Naghahalo ang kulay na para bang apoy. Wag mong sabihin na nanggagaling ito kay Rider. Si Rider lang naman ang may kakayahan na gumamit ng fire element sa kanila. Ganito na ba siya kalakas? Kung siya nga yun, pano nangyari yun?

Mas lalo pang lumakas ang enerhiya at ang dating malamig na temperatura ay sobrang init na. Natalo na ang kapangyarihan ni Frostania, senyales na ba ito na matatalo nga siya? Unti-unting naglaho ang usok at nakita ko na natunaw na ang yelo sa katawan ng apat at nasa lupa na sila at nakahiga sina Jessa, Rider, at Kiara na walang malay. Teka? Si Rider? So, hindi sakanya nanggagaling ang kapangyarihang ito? Teka, saan si JJ?

"Ahhhhhh!!!" nakarinig ako nang napakalakas na sigaw mula sa kalangitan.

Napatingin ako at nakita ko ang isang tao na nababalot ng malakas na apoy. Sa tingin ko'y sa kanya nanggagaling ang kapangyarihang di matukoy. Nagulat ako nang maaninag ko ang kanyang mukha. Si JJ, pero? Nagagamit niya ang elemento ng apoy, nagkaroon na naman siya ng bagong kapangyarihan. Astig! Pero bakit ganyan siya, parang wala siya sa kanyang sarili. Nag-aapoy ang kanyang mga mata at maging ang kanyang katawan ay nababalot na ng apoy. Mula rito sa kinatatayuan ko, ramdam na ramdam ko ang init, napakainit.

Napamangha ako kay JJ, hindi siya isang ordinaryong wizard. Napakalakas niya, ngayon tatlong elemento na ang hawak niya. Napatingin ako ulit sa kanya at parang nagcacast siya ng spell. Ano kaya ang gagawin niya?

Nagpakawala si JJ ng kakaibang fireball, kulay asul ang kulay ng apoy. Ang fireball ay tumama kay Frostania at naramdaman ko muli ang impact nito at halos ma-out of balance na ako. Unti-unti nang nawawala ang napakalakas na enerhiya at nakita kong nahulog si JJ mula sa kalangitan. Sinalo ko siya gamit ang earth element palm at inayos ko ang pagkakahiga niya sa lupa. Wala rin siyang malay ngayon. Napatingin naman ako kay Frostania at hindi ako makapaniwala na wala na rin siyang malay.

Nakahiga si Frostania sa lupa at halos puno na ng galos. Nakita ko rin na nawala bigla ang force field na nakapaligid sa codex maru. Anong gagawin ko? Hihintayin ko nalang silang magkaroon ng malay.

After 25 mins.

Palandon's POV

Nakuha na nila ang codex maru. Kanina, matapos ang pagsabog nakakita ako ng isang tao, nasa himpapawid at nagbabaga ang buong katawan. Hindi ko naaninag ang kanyang mukha dahil sa nanghihina na ako at unti-unti nang nawalan ng malay. Pagkagising ko kanina halos sugatan at puno na ng galos si Frostania at wala na rin ang force field. Magaling na si Radagast at nakakangiti na pero di pa halos makatayo. Gising na rin ang mga itinakda pero nang napatingin ako kay JJ ay parang nakakaramdam siya ng pananakit ng ulo at katawan.

"Anong nangyari? Sino ang may gawa nito kay Frostania?" tanong ko sa mga itinakda.

Ilang minuto akong naghintay sa sagot at kung sino ang sasagot.. Sinabi ni Darwin ang lahat lahat ng kanyang nasaksihan. Hindi ko aakalaing maging si JJ ay may taglay na kakayahan tulad ni Alazar. Nagkaroon siya ng ikatlong elemento. Siya na ba talaga ang nasa propesiya?

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon