Chapter 28: Meeting

857 33 0
                                    

Galadiel's POV

Kinakailangan namin ngayong maghanda para sa susunod na mga hakbangin. Nasabi na rin sa akin ni Mithrandir ang tungkol sa Codex Maru. Kung ito ang kinakailangan para muling mabuo si Belthazor, kailangan itong itago at protektahan. Hindi din naman madaling hanapin ang librong iyon dahil tinago iyon ng mga elders ng ancient elves. Only the worthy person ang makakahanap nun. Pagkatapos ng pagsasanay ng bagong miyembro ng call of nine, sila ang aking aatasan ng bagong mission.

"My Lady, nagsidatingan na ang mga pinuno ng iba't ibang kaharian." napatingin ako sa aking likuran at nakita ko ang isang alagad na elf.

"Okay." tipid kong sagot sa kanya.

So andito na silang lahat. Kailangan ko nang pumunta doon para simulan ang pagpupulong. Ipinatawag ko ang mga pinuno ng Shire para sa pagpupulong. Upang paghandaan ang mga mangyayari kinabukasan. Kailangan naming maging handa dahil hindi namin alam ang mga galaw ng aming kalaban. Natatakot ako sa mga mangyayari, hindi para sa sarili ko kundi sa mga nilalang na madadamay. Sa mga inosenteng nilalang na walang kinalaman sa labang ito.

Andito na ako sa silid kung saan gaganapin ang papupulong. Napatingin ako sa lahat ng mga naririto. Mukhang nagtataka sila kung bakit ko sila pinatawag.

"My Lady." sabay nilang bati sa akin.

Tumango nalang ako at pinaupo sila. Kailangan na naming simulan ang pagpupulong, bago pa mahuli ang lahat.

"Report!" sigaw ko sa kanila. Ibig kung sabihin, isisigaw nila ang kanilang pangalan at ang kanilang pinamumunuan para masiguro ko na sila ay andito nga sa pagpupulong.

"Lord Elrond, Lord of Rivendell." sigaw ni Elrond para ipaalam sa akin na andito talaga siya. Ang pinuno ng mga sorsera at wizards. Tinagurian rin siyang master of sorcery. Impressive! Lumakas siya ngayon.

"Chieftain Ellie, Chief of Erandel." oh? Di parin nagbabago ang kanyang mga galaw, kahit may edad na si Chief Ellie ay masigasig pa rin. Ang boses niyang buo ay kay sarap pakinggan.

"Mithrandir, Headmaster of Wizard Academy." napatingin nalang ako sa kanya at napangiti. Ngumiti naman siya.

"Radagast, Guardian of Greenwood Forest." malakas na siya? Napangiti nalang ako sa kanya dahil sa lakas ng pagkasabi niya.

"Palandon, Guardian of Mystic Sea." ngayon lang kami muling nagkita ni Palandon. Kung ihahambing ko siya noon parang wala rin namang pinagbago. Kagaya parin siya ni Mithrandir at Radagast, may mahabang balbas at bigote, mababakas na rin ang katandaan pero may iba't iba silang katangian.Ang kasuotan niya ay maasul asul ang kulay. Taga bantay ng Mystic Sea at ang kadalasang tawag sa kanya ay, 'Palandon the blue.'

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

A/N:

GREENWOOD- isang kagubatan na matatagpuan sa hilagang silangan na bahagi ng Shire. Nasa pagitan ng Rivendell at Erandel. Gubat na sinasabing mahiwaga.

MYSTIC SEA- baybayin na pinaniniwalaang pinaninirahan ng mga nilalang ng karagatan. Matatagpuan sa Timog-Kanlurang bagahi ng Shire, sa pagitan ng Witchland at Mordor.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Natahimik ang silid ng biglang wala nang nagsalita. Kulang! Sino ang wala rito?Mapaparusahan ang wala rito.

"Sino ang wala rito? Ako mismo ang nagpatawag sa inyong lahat pero may kulang parin!" galit na sabi ko.

Kay tagal kung namuno rito pero ngayon lang nangyari ito. Hindi na ba nila ako nirerespeto?

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon