Chapter 45: Elemental State

710 28 1
                                    

"Hahahahaha." nakarinig ako ng tawa habang nakapikit.

"Whahahaha! Ano ba ang akala mo? Matatalo ako gamit ang eternal light? Hahahahhaha." nabulabog ang buong paligid sa malakas na tawa ni Belthazor.

Akala ko'y may nangyari sa kanya dahil sa sigaw niya kanina, pero bakit? Bakit walang nangyari? Hindi siya natablan ng sumpa ni Ms. Galadiel, paano nangyari yun?

Minulat ko ang aking mga mata at saka ko nakita na nalusaw ang liwanag na nagmumula kay Ms. Galadiel. Parang pumasok lahat ng liwanag na pinakawalan niya sa kanyang mga palad.

Nagulat ang lahat sa nangyari maliban kay Belthazor. Nakangiti lang siya ng napakaweird na ngiti na nakita ko. Sino naman kasi ang hindi magre-react sa kanyang ngiti, may nakangiti bang galit. Hindi ko nga alam kung pano niya nagagawa yun eh.

Nagsilabasan ang mga itim na enerhiya kay Belthazor at nanghina si Ms. Galadiel dahil sa nangyari. Gulat parin ang ekspresyon ni Ms. Galadiel matapos na hindi tinablan si Belthazor ng makapangyarihang sumpa.

Umikot sa paligid ang mga itim na enerhiya at bigla akong kinabahan. Hindi ko alam pero parang may mangyayaring di kaaya-aya.

Pumaligid ang mga itim na enerhiya sa aming lahat. Umikot ito sa bawat isa sa kanila, maliban lang sa akin. Hanggang sa ginapos silang lahat ng mga itim na enerhiya. Hindi na sila makagalaw pa dahil sa higpit ng pagkakapulupot nito. Ano na naman ang binabalak niya?

Pinilit nilang pumalag sa pagkakagapos sa kanila pero hindi nila kaya. Nananamlay sila at nanghihina. Para bang napupunta ang kanilang mga enerhiya sa itim na enerhiya na nakapulupot sa kanila.

"Pakawalan mo sila Belthazor!" utos ko sa kanya.

Binalewala lang niya ang sinabi ko at ngumiti na lamang sa akin. Hindi ko alam pero nanghihina ako sa mga titig niya. Mga titig niyang nakakatakot.

"Kung hindi mo ibibigay ang iyong kapangyarihan, bawat minuto may isang mamamatay sa kanila, randomly. Hahahaha!" paliwanag niya sa akin.

Halos umimik ang iba sa kanila. Nag-aalala sila sa kanilang kaligtasan.

Anong gagawin ko? Kailangan ko ng gumawa ng paraan para makaalis rito sa lalong madaling panahon. Ibibigay ko ba sa kanya ang kapangyarihan ko? Hindi ako makapag-isip.

"Dalian mo. Hehe." lalo akong kinabahan sa sinabi ni Belthazor.

Ibibigay ko ba?

"Wag JJ, hayaan mo na kami!" sabi ni Ms. Galadiel.

Kitang kita ko sa mga mata nila ang takot. Takot sa kung ano ang mangyari sa kanila.

"Time's up." nagulat ako sa sinabi niya. Tapos na ang oras?

Halos nanginig ang iba sa kanila dahil hindi nila alam kung sino ang unang mamamatay. Hindi nila alam kung sila na ba. Meron namang umiiyak na, gaya ni Darcy.

I hope wala sa mga kaibigan ko o ang mga malapit sa akin. Sana hindi si lolo o si Ms. Galadiel. I mean, hindi ko naman gusto na ang iba yung mauna. Ang ibig ko lang namang sabihin eh sana hindi gawin ni Belthazor.

Tumingin lang ako sa kanila at nagmamatyag kung sino ang nasa peligro ang buhay. Nilibot ko ang mga tingin ko para tingnan kung may kakaiba ba rito.

*Swoooooossshhh*

"Aahhhh!!!!" napasigaw ng malakas ang tinamaan.

"Waaagg." sabi ng ilan habang ang iba ay nakatunganga.

Sino ang tinamaan? Hindi, ko nakita kung sino ang tinamaan dahil sa sobrang bilis ng itim na enerhiya.

"My Lady..." paghihinagpis ni lolo.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon