Chapter 19: Elite Leaders

1.1K 49 0
                                    

"JJ? You can also use the Wind Element? "

Rinig kong sabi ni Ms. Alesya. Ano? Nagagamit ko ang Wind Element? Kaya pala parang pamilyar ang enerhiyang dumadaloy sa aking mga ugat. Pero? Posible ba na ang isang wizard ay magkaroon ng isa pang Element?

"Yes, it is possible."

Nakarinig ako ng boses sa aking likuran na parang narinig ko na. Boses ng isang babae, malumanay magsalita. Wait. Nabasa niya ba ang nasaisip ko? Pero pano? Sino kaya to?

"My Lady." biglang sabi ni Ms. Alesya, sabay bow sa babaeng ito. Ganun rin ang ginawa ni Rider.

Dahan dahan akong umikot para makaharap ang babaeng to. Nabigla ako nang makakita ng isang elf. Isang babaeng elf, na nakaputi at mayroong korona. Nabigla ako dahil ang bata pa niya, mga nasa mid 20's I guess. Bigla rin akong nakaramdam ng isang kakaibang presensya, presensyang napakalakas.

"JJ magbigay ka na galang." biglang sabi ni Ms. Alesya at hindi ko alam kung bakit. Mataas ba ang rangko ng babaeng to? Sino kaya to?

Nagbow nalang ako para magbigay galang, gaya nga ng sabi ni Ms. Alesya.

"Ako nga pala si Galadiel, the Queen of Light." sabi niya sa akin nang makatayo na ako ng tuwid. Ang boses niyang kay sarap pakinggan, malumanay pero ano raw? Queen of Light?

"Alam kong marami kang katanungan, ngunit sasagutin ko muna ang unang mong tanong. Oo, posibleng magkaroon ng isa pang element ang isang wizard. Gaya ni Alazar, siya ay mayroong hawak na pitong elemento, Element of Light, Fire, Air, Earth, Water, Ice, and Nature. Ngunit ng mamatay si Alazar wala ng wizard ang mayroong ganyang kakayahan."

Ano? Pitong Elemento ang hawak niya? Nakakamangha naman talaga tong si Alazar. Kaya naman pala siya ang tinaguriang Great White Wizard of Shire.

"Ikalawang sagot, oo tama ka nababasa ko nga ang isipan mo, isipan ninyo. Kaming mga elite leaders ay may ganyang kakayahan."

Elite leaders? Ano naman ngayon yan? Ibig sabihin marami silang malalakas na di ko pa kilala.

"Ikatlong sagot, gaya nga ng sabi ko kanina ako si Galadiel. Ako ang nagpunta sa paaralan niyo nung first day of school at ang nagsabi sayo na ikaw ay isa sa Call of Nine."

Nagulat ako sa mga sinabi niya ngayon. Siya yun? Pero di ko nahalata ah. Tama nga ko na isang malakas na nilalang ang nagsabi na ako ay isa sa call of nine. Pero ano ang Call of Nine?

"Gaya rin ng sabi ko kanina ako ang Queen of Light at isa sa mga Elite Leaders. Hindi lang yan. Kasapi rin ako ng Call of Nine. Ito ay isang samahan o kilusan na nangangalaga at nagpoprotekta sa buong Shire. Tagabalanse ng Shire at ang siyam na kasapi ng Call of Nine are all Elite Leaders. Isa na rito ang lolo mo and I am their leader."

Nagulat ako sa sinabi niya. Si lolo ay isang Elite Leader? At kasapi ng Call of Nine. Pero siyam ang Elite Leaders? Sino sino sila?

"My Lady? May isa pa po akong tanong, nasan na po ang ibang Elite Leaders?" tanong ko sa kanya para maging aware naman ako.

"Uhm? Right! 20 years ago lumusob ang mga nilalang na kung tawagin ay Orcs. Sa pamumuno ni Ogre Rahab, isang Necromancer, alagad ni Belthazor, nilusob ang Shire at kaming siyam ang mga nagprotekta sa Shire. Isang Elite Leaders ang nasawi, si Arwana, Queen of Lightning. At ang mga natira ay sina Frostania, Queen of Ice, si Mauro, Master of Earth, si Leavanny, Queen of Nature, si Insidio, Master of Fire, si Marina, Queen of Water, si Saruman, Master of Poison, si Mithrandir, Master of Air at ako. Nang matapos ang laban at natalo ang mga Orcs may ibang nakatakas lalo na si Ogre Rahab, nagpasya ang ibang Elite Leaders na magkaroon ng sariling mundo. Hindi ko na nakita ang ibang Elite Leaders simula nun kaya di ko alam kung buhay pa sila, si Saruman at Mithrandir lang nakikita ko. Ang nakakalungkot lang ang isa ay napunta sa maling daan, Saruman. Baka di mo pa alam na ang lolo mo ang head master ng Wizards Academy?"

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon