Chapter 3: Am I in a fairytale?

3.2K 136 2
                                    


"Apo gising na! Maaga pa tayong aalis papuntang Wizards Academy." nagulat ako sa boses ni lolo, kaya naman ay agad kong minulat ang aking mga mata. Nag-unat ng katawan at saka tumayo.

"Bilisan mo riyan at kumain kana. Pagkatapos mong kumain ay maligo ka."  Kumuha ako ng plato, saka kumain. Mhm.... Delicious, ang sarap ng luto ni lolo. Ngayon lang uli ako nakatikim ng adobong sitaw, mhhmmm.

Naligo na ako sa banyo. Shit! Ang lamig ng tubig, para akong nasa Antarctica. Knowing na di pa ko nakapunta dun pero napakalamig talaga ng tubig. Kahit na malamig, pinilit ko nalang kasi nakakahiya namang pumunta ka sa mahiwagang paaralan na ang baho-baho mo. Habang naliligo ay di ko maiwasang manginig, maging ang baba ko at kamay. Parang nilagyan ng mga yelo ang tubig sa sobrang lamig.

"Dalian mo apo, ipaeenroll pa kita, ganyan kaba sa inyo laging mabagal gumalaw." Napatigil ako sa sinabi ni lolo. Naalala ko tuloy ng huli kong makita sina mommy at daddy.  Hindi ko namamalayan na may namumuong luha sa aking mga mata. Pero pinigilan ko ito.

"Andyan na... Magbibihis lang ako, mabilis lang to." sagot ko kay lolo.

Nakatapos na nga akong magbihis at hinihintay ako ni lolo sa may pintuan. Nakasuot pala ako ng black pants and blue T-shirt na may print na 'Face your fears'.

"Teka lo. Gaano ba kalayo yung Wizards Academy?" nagtataka lang kasi ako, baka ang layo.

"Ahh. Mga 10 kilometers."

"Ho! 10 kilometers? San tayo sasakay? Maglalakad tayo?" tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba apo. Hindi tayo maglalakad, lilipad tayo."

What?!

"Ngunit paano?" tanong ko kay lolo sa pagkasabik.

"Ano pa ang silbi ng pagiging Great Wizard ko kung di ko gagamitin ang kapangyarihan ko?" ay nakalimutan ko nga noh. Wizard nga si lolo. Kung wizard si mommy eh di wizard din ang tatay niya.

"Ay teka lang apo, hindi mo nga pa pala alam na lahat ng wizards ay may kanya-kanyang kapangyarihan. Kung anong element ang nakalaan sayo." usal nito.

Woah shit nakakamangha. Para lang akong nasa isang anime o fantasy movies. Kahit di ko naman gusto panuorin yung mga ganun at tsaka sci-fi lang gusto ko, pero di ko maiwasang manabik at mamangha. Even science couldn't explain this.

"Pero lo anong element meron kayo?"

"My power is the ability to control wind, kaya kong kontrolin ang elemento ng hangin, gamitin sa pakikilaban at gamit ang kapangyarihan ko kaya kong kontrolin ang isang bagay." paliwanag niya sabay hawi ng kanyang mga kamay sa kahawaan at biglang bumulusok ang hangin sa paligid namin.

Pinaikutan kami ng hangin. Natakot ako nung una at hanggang sa mas lalo akong namangha sa ginawa ni lolo. Mas lalo akong nasabik na makita pa ang iba't ibang elemento.

Hinawi ulit ni lolo ang kanyang kamay pababa at dahan-dahang kumalma ang hangin tsaka tuluyang nawala.

Napatigil ako nang mapagtanto ko na wala akong kapangyarihan. Or should I say, di ko pa alam kung anong element meron ako.

"Bakit apo. Is there something  wrong about what I said?" nahalata siguro ni lolo na napatigil at nakatulala ako sa sinabi nya.

"Parang ayaw ko nang pumunta sa Wizards Academy lo."

"Bakit naman?"

"Eh wala naman akong kapangyarihan o kakayahang kontrolin ang isang bagay." I explained.

"Kaya nga papaaralin kita doon upang mahasa o lumabas na ang tunay mong kapangyarihan. Anong malay natin, baka mas malakas ka pa sa akin." he motivated.

Tama si lolo, anong malay natin.

"Ano apo? Tara na?" tumango nalang ako dahil wala na akong masabi, alangan namang kontrahin ko pa si lolo. Alam ko namang di ako ilalagay ng aking sariling lolo sa piligro.

Nakita kung nakapikit si lolo at parang nagcoconcentrate. Nabigla ako ng hindi na ako nakakaapak sa lupa. LUMULUTANG AKO!!!  SHIT...
Pataas ng pataas kami ni lolo at hanggang ngayon eh nakapikit parin sya, habang ako'y amazed na amazed. Nakikita ko lahat sa ibaba ang liit. Hindi ko mapigilan ang saya, I know what if feels flying dahil ilang beses na'ko nakasakay sa airplane but this is different.

Minulat na ni lolo ang kanyang mga mata at bigla kaming gumalaw ng mabilis, sa tingin ko papunta sa north. Napawoah na lang ako sa ganda at pagkamangha.

"Oh ano apo, masarap bang lumipad?"

"Oo lolo, ang ganda, ang sarap. Para akong isang superhero. Nakakalipad na ako hoooooo!!! Sarap.. "

"HAHAHAHA!" ngayon ko lang nakitang ganyan tumawa si lolo.

Ikinasaya ko iyon dahil masaya siya at siya nalang ang natitira kong pamilya. Matagal ko din siyang di nakasama.


Ilang minuto lang ang nakaraan ay may natanaw ako na parang kastilyo sa likod ng bundok,  sa pusod ng kagubatan. Kastilyo na ang laki at napakaganda. Parang sa cartoons at palabas lang ako makakakita nito. But look, am I in a fairytale?

"Yun ba ang iyong tinititigan apo. Alam kong manghang-mangha ka. Simula pa lamang ito apo. Andito na tayo, sa paaralan ng hiwaga at mahika, sa Wizards Academy."

"Woah, sa wakas."

Vote
Comment
Share

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon