Chapter 38: The Blue and The Green

747 26 0
                                    

JJ's POV

Nakapagpahinga na si Kiara. Matapos ang pag-uusap namin ay nakatulog siya sa balikat ko kaya  hinayaan ko muna siyang magpahinga.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag nawala siya. Hindi ko rin alam kung bakit ako nagkakaganito sa kanya, parang tanga. Siguro dahil first time kong magmahal ng tunay sa isang babae. Buti na lang nga at naabutan ko siya kanina.

Flashback

Kailangan ko munang lumayo sa mga kaibigan ko. Kailangan ko munang mapag-isa, upang makapag-isip ng mabuti. Hindi pa malinaw ang lahat sa akin. Lahat ng nangyayari.

Nakarinig ako ng kaluskos sa di kalayuan. Pero parang mga hayop lang naman, kaya isinawalang bahala ko nalang ang lahat.

"Rwaaaaarrrrrr!!!"

Lumaki na ang aking hinala nang makarinig ako ng pagsigaw ng isang orc. Di pa man ako nakakarinig ng kanilang mga sigaw, pero nakakasiguro ako na sigaw nila yun.

Dali-dali akong tumakbo sa direksyon kung saan nagmumula ang ingay. Gamit ang short teleportation ay mabilis akong nakarating. Napapaligiran ng limang orcs ang isang babae.

"Aaarrgghh!" narinig ko ang pagsigaw ng isang orc dahil sa sakit hanggang sa mamatay ito. Sino ang babaeng ito? Wait. Water Element? Kiara?

"Aahhh!" napasigaw si Kiara ng matamaan ng arrow.

Ba't di ko nakita yun? Bakit ba ako nakatitig sa kanya? Siguro nga namimiss ko na siya. Haha. Hindi nakakalimot ang puso.

Mabilis niyang tinira ng water blade ang may gawa nun sa kanya. Nagulat ako bigla nang matumba siya. Saka ko nalaman na may lason pala ang arrow. Kinabahan ako sa kung anong pwedeng mangyari sa kanya.

Ginamit ko kaagad ang aking kapangyarihan upang patamaan ang tatlong natitirang orc. Gamit ang lightning spear at mga ice spikes ay agad kung napatumba ang tatlong orcs.

Nagmadali akong pumunta kay Kiara. Pagkarating ko wala na siyang malay. Dinala ko muna siya sa malayong lugar at mabilis kaming nakaalis dun sa tulong ng short teleportation.

Sinimulan ko na ang panggagamot sa kanya at gamit ang elemento ng apoy ay nakagawa ako ng apoy. Kumuha rin ako ng mga halamang gamot. Pinakuluan ko ito upang magkaroon ng katas. Nilagay ko ito sa kanyang sugat para linisin at ma-detoxify ang lason sa kanyang katawan.

Pinainom ko rin sa kanya ang mga natira upang mabilis na manumbalik ang kanyang lakas at enerhiya sa katawan. Isa pa, upang mas mabilis ang paghilom ng sugat na kanyang natamo.

Ginamitan ko rin siya ng healing spell para mas ma-refine ang mga katas ng halamang gamot sa kanya at gamit ang healing spell na ito mabilis siyang makaka-recover.

Pagkatapos sa panggagaling ay pinatay ko na ang apoy, baka kasi ay masundan kami ng mga orcs. Umakyat na ako sa isang puno pagkatapos nun at nagpahinga sa malaking sanga nito.

Napapaisip ako sa pwedeng maging sasabihin niya at sa pwede niyang gawin kapag nagising na siya. Mabilis kaya niya kaya akong tatalikuran? Yayakapin niya kaya ako ng mahigpit dahil namimiss niya rin ako? Iiyak kaya siya at magsisi? Sasabihan niya kaya ako ng mga masasakit na salita? Itataboy niya kaya ako? Sasabihin niya kayang hindi na niya ako mahal? O hindi nalang siya iimik?

Bakit ba ako nag-iisip ng kung ano ano? Masyado na akong nag-oover thinking. Bahala na ang tadhana sa gagawin niya sa'min. Pero sana yung makakabuti sa lahat. Yung walang sasaya habang ang isa ay nalulungkot at wala ring sabay nalulungkot. Yung tipong masaya kaming dalawa.

Mga ilang minuto na akong nagpapahinga nang bigla akong makaramdam ng mga galaw. Alam kong gising na siya, kaya hindi ako gumalaw para di niya ako mapansin, natatakot ako sa pwede niyang sabihin pero gusto ko siyang makausap.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon