Chapter 37: Questions

717 25 0
                                    

Galadiel's POV

Dali dali kong hinanap ang itinakda. Kailangan ko siyang makita ngayon. Mahalaga ang aking sasabihin.

"You! Pumunta ka sa Erandel at sabihin kay Chief Ellie na humanda na!" utos ko sa isang elf.

Mabilis naman itong umalis at sinunod ang aking utos. Muntik ko nang makalimutan. May nakita ako na isang elf at napahinto kaming dalawa.

"Ikaw! Pumunta ka sa Rivendell at sabihin kay Lord Elrond na humanda na sa pakikipaglaban." utos ko.

"Tawagin niyo si Hermis!" sigaw ko sa kanila.

Hindi di ko alam pero natataranta ako. Marami nang nagugulat sa aking pagsigaw at mabilisang pag-uutos. Wala naman akong magagawa dahil kailangan na naming maghanda bago kami malupig ni Belthazor.

Nasaan na ba si JJ? Hindi ko siya makita. Kanina pa ako umikot sa kaharian ngunit di ko siya makita.

May natanaw ako sa bandang harap. Nakita ko sina Rider na waring may hinahanap rin. Kung saan saan sila napapatingin hanggang sa makita nila ako.

"Nakita niyo ba si JJ?" tanong ko sa kanila.

"Uhmm, pareho lang po tayo nang hinahanap My Lady." tugon ni Rider.

"Kanina pa namin siya hinahanap pero di namin siya makita." sabi naman ni Jessa na nag-aalala na.

"Kung ganun? Saan niyo siya huling nakita?" tanong ko uli si kanila.

"Nakita ko siya kagabi sa labas na tinataw ang kalangitan." sagot naman ni Darwin.

"Hindi kaya umalis siya?" pag-aalinlangan ni Darcy.

"Kung ganoon, saan naman siya pupunta?" napatanong naman si Jessa sa kanya.

Naguguluhan na ako. Saan ba nagpunta ang batang yun? Simula ng umalis si Kiara ay nag-iiba na ang pakikitungo niya sa lahat. Masyado ba siyang nasaktan? Yan nga ang pagkakamali niya, dapat napagtuunan niya muna ng pansin ang pagsasanay.

"Ano po ang kailangan niyo My Lady? Bakit niyo po ako pinatawag?" napatingin ako sa aking likuran para kausapin si Hermis.

Si Hermis ang namumuno sa sandatahang lakas ng mga elf. Siya rin ang isa sa mga magagaling na tagapangalaga ng Shire. Magaling sa pakikipaglaban, maliksi at di nauubusan ng lakas.

"Pinatawag kita upang sabihin na ihanda ang ating mga hukbo. Papalapit na siya." paliwanag ko sa kanya. Marahil ay alam na niya kung ano ang ibig kong sabihin dahil sa napapatango nalang ito.

"Ano po ang ibig niyong sabihin My Lady?" napabaling naman ang aking mga tingin kay Rider matapos magtanong.

Kailangan ko nang sabihin sa kanila dahil wala na akong magagawa, lalo na't hindi namin alam kung saan si JJ. Dapat ay nandito siya ngayon para sa paghahanda. Marami pa akong dapat ituro sa kanya. Kung wala siya dito, itong mga bata nalang muna ang tuturuan ko.

"Kagabi, ganap na nabuhay si Belthazor. Inihanda na niya ang kanyang mga hukbo habang tayo'y walang kaalam-alam na papalapit na sila. Papalapit na ang katapusan." pananakot ko sa kanila.

"Kung ganun, ay dapat nang mahanap si JJ!" tarantang sabi ni Darwin.

"Hindi na kailangan, ang dapat niyong gawin ay magsanay, dali!" pagpipigil ko sa kanila.

Umalis na sila habang ako ay nagmumuni-muni. Saan kaya siya maaring pumunta? Kailangan namin siya ngayon. Siya ang itinakda. Siya lang ang makakatalo sa kasamaan ni Belthazor at sa itim na mahika.

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon