Chapter 5: Rules

2.5K 114 1
                                    

R-rules. Rules ayaw ko ng rules, I hate rules, why? Bakit my rules? Hindi ko kayang sumunod sa mga rules.

I know rules were made to ensure peace and order but still it limits me. I can't follow unreasonable and nonsense rules. Rules that will limit my growth, our growth.

"Bakit JJ?" natauhan ako at nabaling ang atensyon kay Ms. Alesya.

"W-wala po." ang tanging kong nasabi.

Dahil sa wala naman akong magagawa kung ano mang rules ang meron sila, pakikinggan ko muna siya.

Hoping that the rules here are reasonable naman at di mahirap sundin. Ayaw ko lang makulong at magapos ng rules. One reason kung bakit di mas napapalabas yung potential ng iba. Tf? What am I even thinking?

"Okay lets start. Rule#1: Bawal mong gamitin ang kapangyarihan mo sa loob ng paaralan, maliban sa training field. Rule#2: Bawal kang lalabas sa school na ito hangga't walang permiso ng nakakataas. Rule#3: Kung wala kang kapangyarihan ay kailangan mong matuklasan ito sa pagsapit ng 'Rise of the White Moon' kung hindi ay ipapaalis ka sa school na ito. Rule#4: Kailangan niyong igalang ang inyong mga mid-masters sa loob ng classrooms o sa labas man at pati na rin ang mga nakakataas. Rule#5: Iwasan ang pag-aaway sa kapwa Wizards, kung hindi ay mapaparusahan. Rule#6...Nagtetake notes ka ba?"

"Ho?? Ah..."

"Kailangan mong magtake down notes para kung makalimutan mo, may guide ka." she said.

"Hindi po kasiii... ako nakapagtake note, hehe." ngisi kong sagot.

What the? Need ba yun?

"Sige ulitin natin, mula sa simula."

Few minutes later

"At ang huling rule, Rule#6: kailangan niyong sundin ang lahat ng rules na ito or face the consequences, understand?"

"Opo".

Akala ko ano yung huling rule, it's so common.

Tatayo na sana ako nang...

"Ah, teka bago ko makalimutan , ang classroom mo ay nasa third floor, hanapin mo lang ang junior wizard A at ang dorm mo ay sa second floor sa dorm rin ng mga junior wizard A."

"Pano ko po malala-" hindi na niya ako pinatapos at bulaga.

"Heto, ito ang magiging guide mo, isang mapa sa buong campus." she said and handed me the so called map.

"Pwede ka ng pumunta sa dorm mo."

"Ah, opo sige po, paalam po Ms. Alesya." Saka ako nagbow, bilang respeto sa kanya, rule eh.

"Paalam JJ, see you later." ngiti niyang sabi.

Tumalikod na ako sa kanya at pumunta sa pintuan. Binuksan ko ito at muling tiningnan si Ms. Alesya na nakangiti. Kaya ngumiti din ako. Isinara ko na ang pinto at umalis.

Binuksan ko ang mapa at tiningnan ko kong nasaan ako ngayon. I was amazed nang malaman kong ang mapa ay 3D. Nung in-unroll ko ang mapa ay biglang lumabas ang projection ng buong paaralan. Nasa 4th floor pala ako ngayon, kaya bababa ako. Suddenly, I realized something. Parang naglakad lang naman kami kanina tas isang akyat lang ata sa stair, so why nasa 4th floor ako?

Dahil nakafocus ang mga mata ko sa mapa hindi ko namalayan na may tao pala akong kasalubong kaya nagbanggaan kaming dalawa.

Nahulog ang mga dala niyang libro at napansin kong halos spell books ang mga ito.

"Ay miss sorry di ko sinasadya." sambit ko.

"Anong di sinasadya, kung saan ka kasi tumitingin!" galit na sabi nito.

"Eh kasi naka-" hindi na niya ako pinatapos at nagsimula na mag- machine gun ang kanyang bunganga.

"Eh kasi ano?! Papalusot kapa!!"

"Umalis ka na! Naiirita ako sa pagmumukha mo!"

"Tulungan na kita. Sorry talaga miss, di ko sinasadya." sabi ko nung pinupulot niya yung mga nahulog na libro.

"Lumayo ka nga sa akin, ehhh."

Wow, tinutulungan na nga eh, siya pa yung galit.

"Okay, sige." tipid kong sagot

"Umalis kana, ehhh, bwesit panira ng araw!"

Dali-dali akong lumakad paalis baka malapa pa ako ng galit na galit na leon. Pati ako ay naiinis sa kanya, para naman akong nakagawa ng malaking kasalanan. Eh kung nakatingin din siya sa dinadaan , eh di sana nakaiwas siya. Babae nga naman:)

Diresto lang ako sa paglakad habang sinusundan ang mapa patungo sa dorm ko.

Vote
Comment
Share

 WIZARDS ACADEMY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon