Bago ko guluhin ang mundo ninyo, let me introduce myself first.
Ako nga pala si Maria Angelyn Vasquez de Guzman. Twenty years old at Engineering Student sa isang kilalang university ng mayayaman na kung hindi dahil sa scholarship ay hindi ko mapapasukan.
Ako ay isang simpleng dalaga na may simpleng pangarap.
Ang makapunta sa Enchanted Kindom at makasakay ng Roller Coaster.
Oh di ba ang taray ng pangarap ko.
To the highest level to!
Pero mahirap abutin sa tulad kong anak mahirap na kapitbahay na nga lang ang mall hindi pa mapasyalan.
Enchanted pa kaya!
Para kasing ang sarap ng pakiramdam ng makasakay ka doon at biglang aandar ang roller coaster ng mabilis na tila ba kayang tangayin ang problema mo sa buhay.
Lumaki akong only child ng mama ko. Wala akong kinagisnang ama dahil ang sabi ni mama iniwan daw kami ng walang kuwentang lalaking yun!
Kahit na single mom hindi nagkulang si mama ng pagpaparamdam ng pagmamahal sa akin. Hindi niya ako pinabayaan at kahit mahirap lang kami pilit pa rin niyang ibinibigay sa akin ang mga bagay na alam niyang makakapagpasaya sa akin kahit hindi ko hinihingi.
At ang pinakamahalaga sa lahat, binubusog niya ako ng pagmamahal.
Graduating ako ngayong taon at ang aking diploma ang magiging regalo ko sa kanya.Ito ang aking maisusukli sa pagtataguyod niya sa aking pag-aaral.
Pero seriously speaking, the best talaga si mama.
Hindi kami mayaman pero naitataguyod niya ang pag-aaral ko kahit maliit lang ang kita niya sa pagde-deliver ng pagkain sa mga opisina.
Hindi pa tumitilaok ang mga manok ay gising na siya upang magluto ng pagkaing ide- deliver niya.
Maraming parukyano si mama dahil masarap siyang magluto kaya marami rin siyang inihahanda. Syempre kabilang na doon ang lunch ko na madalas ismiran ng mga schoolmates kong mga sosyal. As if naman masarap ang tinda sa cafeteria kung saan sila kumakain.
Pero kahit marami siyang suki, lagi pa rin kaming kinakapos dahil sa dami ng binabayaran at pati na rin ang mga gastos sa aking pag-aaral.
Hello...ang gastos kaya ng Engineering. Books pa lang pamatay na. Paano pa ang mga projects, requirement, assignments, thesis, etc..etc...
Madalas ay late ako sa mga school projects dahil hindi biro ang mga requirements na ibinibigay ng mga professors namin at hindi ako mayaman tulad ng mga snob kong classmates para makabili agad o makagawa ng mga requirements. Ganunpaman, pinipilit kong I-maintain ang grades ko para hindi mawala ang scholarship ko.
Ngunit sa totoo lang, mahirap mag-aral sa school ng mayaman kung hindi ka naman mayaman.
Pero sa isang iglap, nagbago buhay ko. Mayaman na ako!
So curious na ba kayo kung ano ang kaganapang bumago sa aking tahimik (tahimik talaga ha) na buhay?
Ganito kasi yun...
October 6, 2011; 6:00 p.m.
Malungkot akong pauwi galing sa university na aking pinapasukan dahil muli na naman kaming binigyan ng project ng aming professor. Malinaw na gastos na naman para kay mama.
Group project talaga yun pero wala ni isa sa mga classmates ko ang kumuha sa akin bilang groupmate.
Natatakot yata na baka hndi ako magbayad sa contributions. Kaya heto at naiwan ako sa ere mag-isa. Group contributions nga hirap akong magbayad yung individual projects pa kaya.
BINABASA MO ANG
Mahal kita...Angal ka pa?!
HumorWhat will you do if you wake up one day and found out that you are a PRINCESS!?! Yes, from rag to riches? Siguro yung iba magtatalon sa tuwa. Syempre super swerte mo na kaya non. Daig mo pa ang nanalo sa lotto. Shopping dito shopping doon. Out of to...