Sinalakay ng matinding kaba ang dibdib ko nang huminto sa harap ng simbahan ang sinasakyan kong kotse. Sumilip ako at tinignan ang kapaligiran. Halos nandoon na ang lahat. Inaayos na rin ng coordinator ang entourage. Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga para mawala ang kaba ko. Saka dahan dahan kong binuksan ang pinto ng kotse at lumabas doon.
Halos lahat ng mga mata ay napatingin sa akin.
"Ang ganda mo!"
"You looked gorgeous!"
"What a beauty!"
"Your gown suits you well!"
Mga papuri nila sa akin.
And it boost my confidence!Naalala ko tuloy yung linya ng bidang babae sa napanood kong k-drama.
"Akin na ang mundo!" sabi ko sa sarili ko.
Straight body, chin up, stomach in!
At naglakad ako with confidence!Tanaw ko mula sa kinaroroonan ko ang loob ng simbahan. Napaka ganda ng ayos non, napapalamutian ng magagandang bulaklak! Nag mukha iyong napakagandang garden. Muling bumalik ang kaba ko ng tumapak ang mga paa ko sa pintuan ng simbahan.
"Are you ready?" lapit sa akin ng coordinator.
"Yes-" sagot ko bagamat may kaba.
Ngumiti iyon saka bahagyang inayos ang gown ko at saka iniabot sa akin ang bouquet ng bulaklak.
Nanginginig ang mga kamay kong tinanggap iyon saka diniretso ko ang tingin sa unahan ng altar. Natanawan ko sya doon.
Napaka gwapo nya sa suot nyang tuxedo. Bakas sa mukha nito ang excitement, tensyon pero mababanaag pa rin ang happiness."This is it! Wala ng atrasan ito!" sabi ko saka nagsimula na akong maglakad.
Every girls dream ay yung mag lakad sa aisle habang sa dulong bahagi non, nakaabang ang taong pinaka mamahal mo!
Kinabahan na naman ako dahil ilang hakbang na lang ay malapit na ako dito.
Nagtama ang aming tingin saka ngumiti ito sa akin. Naramdaman ko na naman ang malakas na kabog ng dibdib ko. Ah, this guy..he never fails me to make shiver and chill!
Yes, ganon ang effect nya sa akin.
Pilit kong kinalma ang sarili.Habang papalapit ako parang lalo itong gumagwapo sa paningin ko.
Nagpakawala na naman iyon ng isang ngiti.
Isang napakatamis na ngiti saka ibinaling ang tingin sa bandang likuran ko. Nag patuloy ako sa paglakad patungo sa pwesto ko.Lalong tumamis ang ngiti nito ng makita ang kanyang bride.
Yeah! Hindi ako ang Bride!
I'm a brides Maid of Honor!
Ang Bride? Shes my Best Friend.
Ang Groom? My Secret Love.Masakit? Oo, masakit kasi kahit kailan hindi na sya magiging akin. Pero sa kabilang punto...masaya din dahil alam kong he is in a good hands.
Ilang saglit pa, nag umpisa na ang seremonya ng kasal.
Nag palitan na sila ng I Do at nung ipinahayag na ng pari yung...Husband and wife na sila...hindi ko na naiwasang maluha!
Tinitigan ko silang dalawa. They looked so happy!
Dear Diary, ang pinakamasayang araw nilang dalawa...ang pinaka malunglot na araw ng buhay ko. I feel so broken! And it hurt me so much😞
BINABASA MO ANG
Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETED
RomanceUp to what extent mo kayang mag paubaya para sa Best Friend mo? Yung tipong kahit sarili mong kaligayahan kaya mong ibigay para dito. Pati ba ang taong pinaka mamahal mo kaya mong iparaya para sa Best Friend mo kahit na ma Broken Hearted ka pa? M...