Chapter 26

92 14 0
                                    

Its been one year since Ella passed away and the shocking revelation na until now hindi ko pa rin mapaniwalaan.

Actually, wala na rin akong contact kay Sean. Wala na rin akong balita dito. Well, I made a hard decision, iyon ay tuluyan ng kalimutan si Sean. Mahirap, masakit pero siguro nga hindi kami itinadhana sa isa't-isa.

Si Sean, ay isang chapter ng buhay ko na natapos na.

Nandito na ako ngayon sa next chapter ng life ko. Nasa moving on stage ika nga.

How to move on nga ba?
Sabi nila there are 3 steps na dapat kong gawin.

First, leave everything behind. Yung tipong lahat ng memories na meron ako sa kanya need ko ng kalimutan.

Second, Walked Away. Kaya nga lumayo na ako sa kanya. Malayong-malayo!

Third, Never ever looked back. Yung tipong kailangan mong makipag away sa puso mo na kahit gustong gusto mo syang makita, super pigil ka sa sarili mo.

I know mahirap gawin pero in time.... Makaka move on din ako.

I also open up my heart to others. I entertain suitors and I also date na hindi ko naman dating ginagawa. Hoping that one day, I can totally forget Sean.

"Hello Mom! Napatawag po kayo--"

"Are you free this weekend?"

"Yes po. Wala naman po akong schedule--"

"Oh! Thats good!"

"Why po? Are you coming home?"

"No--"

Nagtaka tuloy ako.

"Ano pong meron?"

"Uuwi kasi for vacation yung anak ng friend ko dyan next week--"

"You want me to be a tour guide?"

"Well, actually I set you a date with him--"

"What!!???" halos mabingi ako sa sinabi nito. "Mommy naman!" parang gusto ko tuloy mag lumpasay sa inis.

"Whats wrong?"

"I don't even know him!"

"Don't worry. Kinilatis ko na sya for you. He is a good looking guy, very respectful and responsible too. He is a businessman here. I think bagay kayong dalawa!"

"Mommy!!!"

"So make sure na free ka this weekend.
I already set everything. You just need to meet him. I will send you the details and huwag mo akong ipapahiya ha! Okay? Bye!"

"But Mommy!-'" pero pinatayan na ako nito ng phone. "Ahhhh!! Kainis!"

Ay kaloka itong nanay ko! I set up ba ako sa isang blind date! Mukhang na frame up ako ah!

Napakamot na lang tuloy ako sa ulo! Dahil I know I can't say No.

A day before, tinawagan pa ako ni Mommy just to remind me about my date.

"Don't forget ha!"

"Yes Mom--" walang gana kong sagot dito.

"Be a good girl ha!"

Natawa tuloy ako. "Don't worry Mom, I won't bite him"

"Puro ka kalokohan!" narinig kong sabi nito. "Mag seryoso ka na nga para makahanap ka na ng makakasama mo sa buhay!"

"Mom---" sabi ko. Parang alam ko na ang susunod na sasabihin nito.

"Matanda na kami ng Daddy mo. Syempre bago namin lisanin ang mundong ito, gusto naming makitang masaya ka with your own family. Makita man lang sana namin ang aming apo before its to late--"

Hay! Same old drama!

"Don't worry po. Hindi ko po sya I-indianin.
I will meet him and be there on time."

"Thats good. Balitaan mo ako ha!" pahabol pa nitong sabi bago mag paalam.

Nakakatawa di ba? Yung mas excited pa yung parents mo kaysa sayo!

Nag ready na ako. I just put a little make up.
At isang floral black dress ang sinuot ko. Hinayaan ko lang na nakalugay ang long hair ko. I just want to be simple.

Shangri-la Plaza Hotel, doon yung meeting place at 7 pm yung meeting time. Before 7 dumating na ako. Ayokong mag paka late. Baka isipin na pa importante ako.

"Hi Ma'am" bungad na bati sa akin ng receptionist.

"Hi! I have a reservation here. Kanna Cervantes--"

"I'll check Ma'am--" at ilang saglit pa. "This way Ma'am-" saka itinuro sa akin ang isang table sa bandang corner side.

"Thank you--" ngiti ko dito.

Habang papalapit, may nakita na akong lalaking naka upo doon. Nakatalikod iyon kaya hindi ko makita ang mukha nito.

"Sya na ba yon?" tanong ko habang papalapit dito.

Pero saglit akong napahinto sa paglakad, bigla kasi akong kinabahan. I don't know why...maybe because I don't know him and first time ko lang syang makikita.

Ah! Ganito pala ang feeling kapag may ka blind date.

Actually, excited na nakaka tense! Yung feeling na first time mo palang makiki pag date.

Nakakatawa! Teen-ager lang ang feels!

Well, hindi ko nga rin alam kung bakit bigla akong kinabahan.

Nag inhale then exhale ako para mawala yung kabang nararamdaman ko.

Pero naramdaman siguro nito ang presensya ko. Kaagad iyong kumilos, tumayo sa kinauupuan saka nilingon ako.

"Hi!" sabi nito. "Kanna---" saka nagpakawala ng isang ngiti.

Ako naman, bigla akong natulala!

And I suddenly hold my breath!

Ang nasabi ko na lang.....

O-M-G!!!!!!!

Dear Diary, I'm sorry but right now..I am out of words! I am Speechless!😱🙀🙊









Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon