Chapter 7

136 19 0
                                    

Starting my role as Cupida!

Nag join kami ni Ella sa isang Volunteer project kung saan kasama si Sean.

Ayoko sana, sabi ko kay Ella sya na lang pero ayaw pumayag samahan ko daw sya.

"Sige na Sissy, join ka na rin" pag pipilit nito.

"Ano ka ba! Mas okay nga na ikaw lang ang nandoon para kuhang kuha mo yung atensyon ni Sean!"

"Oo nga. Kaso mas confident ako kapag nandoon ka."

"Hay kaloka ka talaga!"

"Sama ka na ha!" saka niyakap ako.

"Okay ---"

Kaya heto, nandito ako ngayon.

"Ella, sure ka ba na kaya mo itong gawin?"
Bulong ko dito. Alam ko kasing hindi ito sanay sa mga ganoong gawain. Anak mayaman at Unica Iha, actually parehas naman kami pero iba yung way ng pagpapalaki ng mga parents namin.

How do I explain this?

Si Ella, pinalaki as a real princess talaga. Pinanganak na may golden spoon sa bibig.

Ako, pinalaki ng parents ko just like those ordinary children. Sabi kasi nila sa akin lahat ng bagay daw dapat pinag hihirapan.
Kaya kahit na may kaya kami sa buhay sanay ako sa trabahong bahay.

Tumango iyon.

"Sure ka dyan ha!" medyo worried ako.

"Nandyan na si Sean!" bulong nito saka tila nataranta.

Well, nataranta na rin ako pero syempre di ko pinahalata.

"Kanna?" narinig kong tawag sa pangalan ko. Nilingon ko iyon.

Si Sean!

Gustong tumili ng puso ko. Pero kailangan kong umakting na normal lang.

"Uy Sean!" ngiti ko.

"Nag vo-volunteer work ka din?"

"Yeah, bago lang." sabi ko. "Actually, its my
Best Friend idea" sabi ko saka tinignan ko si Ella.

"Oh really?"

"Yes. By the way, this is Ella. Ella this is Sean." pag papakilala ko sa kanila.

"Hi Sean! Nice to meet you"

"Hi!" saka iniabot ni Sean ang kamay kay Ella.

Nag shake hands sila.

At kitang kita ko yung happiness sa mukha ni Ella. Yung eyes nito parang nag sparked!
Naisip ko, in love talaga si Ella kay Sean.

At sa sandaling oras na iyon, napansin kong tila naging at ease na sila sa isa't-isa. Mabilis nakapag palagayan ng loob at enjoy na enjoy na nila ang company ng isa't-isa.

Dumistansya na ako sa kanilang dalawa. Gusto kong ibigay sa kanila ang moment na iyon.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag pupulot ng mga basura. Halos mapuno ko na nga ang hawak na garbage bag.

"Daming namang basura!" sabi ko habang pinupunasan ko ang pawis. "Yung feelings ko...dapat ko na rin sigurong ibasura--" sabi ko saka muli kong nilingon sina Sean at Ella.
"Infairness, bagay sila" at tila nakadama ako ng lungkot. Masakit palang makita ang taong Mahal mo sa piling ng iba!

Dear Diary, Today pinaglapit ko sina Sean at Ella. Tama ba ang ginawa ko? Pinaglapit ko ang mga puso nila habang ang puso ko naman pilit kong inilayo sa kanila.😥

Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon