Totoo yata ang kasabihan na ang katapat ng Happiness is sadness...
"Sissy! I have something to tell you--" sabi ni Ella sa kabilang linya.
"What is it?" excited kong tanong.
"Kami na ni Sean!"
Natigilan ako. Yung excitement ko napalitan ng pag ka shocked! Well, expected ko naman na darating sa point na ganon, sino ba naman ang hindi mag kaka gusto kay Ella. Maganda ito at mabait. No wonder at na fall si Sean dito.
"Sissy, are you still there?"
"Huh? O-oo"
"Hindi ka yata happy for me--"
"O-of course not! Syempre happy ako for you!" sabi ko. Mabuti na lang hindi ko kaharap si Ella, at least hindi nito nakita na na hurt ako. Feeling ko may kung anong bagay ang tumusok sa puso ko. "Ahm, Sissy...I will call you back. Tumatawag kasi si Mommy."
"Okay. Call ka ha! I have so much to tell you"
"Yes. Bye." saka pinatay ko na yung phone, kasunod non ang dire-diretsong pag patak ng luha ko. Napa iyak na ako ng tuluyan.
Ang sakit!, ang sakit-sakit!
That night. I went out. Para akong lost soul...roaming aroud, no exact destination!
Basta gusto ko lang mawala yung pain na nararamdaman ko.Naglakad ako, bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko.
Nakarating ako sa park. Parang may event na gaganapin doon. May nakalagay na stage, may mga food stalls at mga table and chairs.
Doon ko naisipang tumambay. Baka sakaling malibang ako sa live band na nagpe perform.
Bumili ako ng beer. Gusto kong mag pakalasing. Yung tipong mamanhid yung puso ko until di ko na ma feel yung pain.
Hindi ko alam kung gaano na ako katagal doon. Naka anim na bote na rin ako ng beer. Nakakaramdam na ako ng pag ka hilo kaya naisipan kong umuwi na.
Naglakad na lang ako pauwi, hindi naman iyon kalayuan sa bahay namin.
"Lasing na ba ako?" sabi ko. Huminto ako sa paglakad at tinignan ko yung daan. Para kasing pa zigzag iyon. Muli akong nag lakad medyo pagewang gewang pero pilit kong binabalanse ang paglakad ko.
"Kanna?" isang sasakyan ang huminto sa harapan ko. "Is that you?" saka lumabas iyon ng kotse.
"Sean!" masaya kong bati dito.
"What are you doing here?"
"Ow! Namasyal lang--" ngiti ko dito.
"At this hour?"
"Oh wait! Galing ka ba kina Ella? She told me something--" sabi ko sabay tawa.
"Are you drunk?"
"a little--" at napahalakhak ako. "But I'm okay!" sabi ko saka nag thumbs up pa ako.
"Lets go! I'll drive you home--"
"Wait!" sabi ko. "I'm happy for you and Ella." sabi ko sabay naglakad ako palapit dito.
Matangkad si Sean kaya tumingkayad ako para mahawakan ko ang mukha nito.And the next thing I knew?
You wont believe it! Dahil kahit ako hindi ko inisip na magagawa ko iyon.I kissed Sean! Yes, I kiss him sa lips!
Halos manlaki ang mata ni Sean. Kitang-kita ko sa mata nito ang pagkagulat! Actually, na shocked din ako sa ginawa ko. Para ngang nawala ang pagkalasing ko pero syempre di ako nag pahalata.
"Congratulations!" sabi ko sabay layo dito. Hindi kumibo si Sean parang shocked pa rin iyon. Ako naman, pinanindigan ko na ang lasing-lasingang acting. "I'll go ahead na--" paalam ko dito. Humakbang ako pero hindi ko napasin na may lubak sa harapan ko. Napatapak ako doon, na out of balance ako. "Ohhhh!!" tili ko.
Mabuti na lang at mabilis akong nahawakan ni Sean at napasubsob ako sa dibdib nito!
"Pasaway ka talaga kanna!" inis kong sabi sa sarili ko.
"Okay ka lang?" narinig kong sabi ni Sean.
Pero hindi na ako kumibo, nag kunwari na lang akong tulog. "Hey Kanna!" saka tinapik nito ang mukha ko.Ayokong dumilat! Nahihiya ako!
Naramdaman ko binuhat ako ni Sean at isinakay sa kotse nito.
Mabuti na lang nasa business trip sina Mommy at Daddy, si Yaya Loleng lang ang nandoon kundi may palo ako nito!
"Anong nangyari?" gulat na tanong ni Yaya.
"Nalasing po sya!" sabi ni Sean. "Saan po room nya?"
Sinamahan ni Yaya si Sean sa room ko at maingat ako nitong inihiga.
"Kayo na pong bahala sa kanya."
"Oo sige. Salamat Iho--"
At nang matiyak ko na ako na lang ang tao doon. Bigla akong dumilat!
"Oh my god Kanna! What have you done?"
Saka isinubsob ko ang mukha sa unan sa sobrang hiya!Dear Diary, something terrible happened to me, and I did something terrible too! What should I do now? Si Sean ang first kiss ko!
Or should I say...I kiss him first? Hay naku!
Nawiwindang na ako!😱
BINABASA MO ANG
Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETED
RomanceUp to what extent mo kayang mag paubaya para sa Best Friend mo? Yung tipong kahit sarili mong kaligayahan kaya mong ibigay para dito. Pati ba ang taong pinaka mamahal mo kaya mong iparaya para sa Best Friend mo kahit na ma Broken Hearted ka pa? M...