"Kanna!" at para akong natauhan ng muli akong tawagin nito. Nasa harapan ko na ito ngayon.
"S-Sean--"
"Mabuti naman at nakarating ka!" saka ngumiti ulit iyon.
"Huh?" Ano bang nangyayari sa akin, para na naman akong nawala sa katinuan. Yung lines na sasabihin ko dito..nakalimutan ko na!
"Ready ka na ba? Lets go!" saka tumalikod na iyon.
"Ahmmm--"
Nilingon ako nito.
"Ano yon?"
"Lets go--"bigla kong nasabi saka pilit akong napangiti.
"Okay!" saka naglakad na iyon patungo sa kinaroroonan ng iba pa naming makakasama.
Hay Kanna! Loka loka ka talaga! Inis kong sabi sa sarili habang nakasunod kay Sean.
Ipinakilala ako nito sa mga kasamahan nya. Masaya naman akong winelcome ng mga iyon.
Excited! Kinakabahan! Iyon yung nararamdaman ko lalo't katabi ko lang si Sean sa sasakyan. Medyo siksikan kami dahil sa mga gamit na bitbit namin.
"By the way Kanna--"sabi nito."Familiar
ka ba sa Luwalhati? Yung Home for the Aged?""Oo--"
"Good. Doon yung Outreach Program natin ngayon."
"Ahhh!!--" tango ko.
"May konting program, games and entertainment para sa mga Lolo at Lola natin. Sana mag enjoy ka."
"Oo naman."
"Actually, nung sinabi ni Ella na di sya makakapunta at ikaw daw ang darating. Sabi ko okay lang baka kasi busy ka." tila nahiya iyon. "Baka naka istorbo ako sayo--"
"Ay naku, hindi!" sabi ko. Baka iniisip nito na napipilitan lang ako. "Actually, timing nga eh! Dahil free ako ngayong araw na ito. Saka gusto ko ring gawin ito."
Ngumiti iyon. "Thats good to hear!"
"Sayong-sayo ako ngayong araw na ito!" sabi ko sa sarili habang nakatingin kay Sean.
Ilang oras lang narating na namin ang Luwalhati. Nakahanda na ang lahat. Naka abang na rin ang mga lolo't lola. Mababanaag sa mga mukha ng mga iyon ang saya.
"Lets do this for our lolos and lolas--"bulong sa akin ni Sean.
"Yes--"ngiti ko kay Sean.
Sinimulan na ng MC ang programs.
Nakakatuwa! Enjoy na enjoy ang mga matatanda.At Ako, enjoy na enjoy din habang tinitignan si Sean na masaya nakikipag biruan sa mga lolo at lola doon.
"Games naman tayo!" sabi ng MC. "Ang games natin ay ang walang kamatayang paper dance!"
Nagtawanan at nag palakpakan ang lahat.
"Paper Dance! Seriously!" natatawa kong sabi.
"Naku, kulang pa tyo ng isang couple." sabi ng MC. "Sean and Kanna, can you join us here please!"
Tatanggi sana ako pero nakita ko si Sean papalapit na sa kinaroroonan ko. Na shocked ako ng hawakan nito ang kamay ko!
"Pag bigyan natin sila!" sabi nito saka hinila ako sa harapan.
Nag simula na ang games. Nag patugtog na ng music, wish ko lang...hindi sana marinig ni Sean ang malakas na pintig ng puso ko sa tuwing nag kakalapit ang mga katawan namin! And worried din ako na maramdaman nito ang pangangatog ng katawan ko sa tuwing hahawakan ako nito!Paliit na rin ng paliit ang tatapakan naming papel.
"We need strategy to win this--" saka bumulong iyon kung ano ang gagawin namin.
"Okay!" sabi ko.
At nang huminto ang music. Kaagad na itinapak ni Sean ang isang paa sa kapirasong papel habang nakataas ang isa. Itinapak ko rin ang isang paa ko sa paa nito habang nakataas din ang isang paa.
At nagulat ako ng yakapin ako nito!"Hug me too!" sabi nito. Kinakabahan man, yumakap din ako dito para maka balance kami!
"Lets count 1 to 10!" sabi ng MC.
"Just hold tight!" narinig kong sabi ni Sean kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang yakap dito!
Nung mga sandaling iyon, naiusal ko, "Oh god! Can I just hold him forever?Parang ayoko ko na syang i let go!"
Dear Diary,Gusto kong angkinin ang moment na iyon! Gusto kong pag bigyan ang puso ko. Gusto kong sabihing....Mahal ko sya!💕
BINABASA MO ANG
Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETED
RomanceUp to what extent mo kayang mag paubaya para sa Best Friend mo? Yung tipong kahit sarili mong kaligayahan kaya mong ibigay para dito. Pati ba ang taong pinaka mamahal mo kaya mong iparaya para sa Best Friend mo kahit na ma Broken Hearted ka pa? M...