Chapter 18

103 18 0
                                    

"Wow!" iyon ang nasabi ko ng makita ko ang house nila Sean at Ella. Napaka ganda nito! Pati yung garden nila...para iyong paraiso. Ang ganda ng mga bulaklak at halamang nakatanim doon, pati yung pag kaka land scaping ang ganda rin.

"Welcome to our little castle!" nakangiting sabi ni Ella.

"Sissy...ganda ng house nyo ha!"

"Si Sean ang nag design. Lahat ng nakikita mo, idea ni Sean.Wedding Gift nya ito sa akin. Our Paradise!" masayang sabi nito. "Tinupad nya yung promise nya na I will be his princess...dinala nya ako sa castle nya!"ngiti nito. "I'm the luckiest princess on earth!"

Tumingin ako dito saka ngumiti. "I know!"

"Dont worry Sissy. You will be happy too"

"Sana nga--"

"Oo naman. I'm sure on that!"sabi nito saka hinawakan ang kamay ko. "Lets go. I'll show you your room!"

"Okay--"

"Marami kang iku-kwento sa akin ha!"
Sabi nito saka umupo sa kama.

"About what?"

"About you?"

"Ano pa bang hindi mo alam sa akin? Halos sabay tayong lumaki at nag kaisip. Mas kilala pa nga natin ang isa't-isa kaysa sa mga parents natin eh! Ano pang iku kwento ko about me?"

"May isang bagay kang hindi na ikwento sa akin?"

Napakunot noo ako. " Ano yon?"

"About that guy--"

Napatingin ako kay Ella. "Remember, dapat meron kang iku kwento sa akin dati about sa guy na gusto mo. Hindi mo na lang natuloy kasi nga...na busy ka na--"

Natigilan ako. I remember now. Dapat nga pala ipapakita ko sa kanya yung guy na super crush ko kaso di ko na natuloy kasi iyon din yung araw na sinabi nya sa akin na gusto nya si Sean.

"Ow! W-wala na yon?"

"Anong nangyari?"

Napalunok ako. Parang biglang nanuyo ang lalamunan ko.Grabe ito si Ella!Nanggugulat!
Hindi ako prepared!

"Ahm...hindi ko na matandaan kung anong nangyari eh! Ano ka ba! Ang tagal na non ah!" saka ngumiti ako.

"Bigla ko lang kasing naalala. Saka parang never ka nang nag kwento tungkol sa lovelife mo!"

"Dahil wala akong lovelife!"

"Gusto ko maging happy ka rin Sissy."

"Happy naman ako ah!"

"Mag boyfriend ka na kasi!"

Nang may biglang kumatok sa pinto.

"Dinner is ready--" silip ni Sean. "Kinukulit ka na naman ba ni Ella, Kanna?" ngiti nito.

"Oo nga eh! Parang reporter kung mag tanong!"

"Tinatanong ko lang naman Babe kung ano nang nangyari doon sa guy na gusto nya dati?"

"Really? There was a guy?"tila naging interesado din iyon. "Wow! That sounds interesting!"

"Hay naku! Lets eat dinner na lang!" naiiling kong sabi saka nag mamadali na akong lumabas ng room.

Pagkatapos naming mag dinner. Nag tungo kami ni Ella sa garden.

"Relaxing naman dito." sabi ko habang nakahiga sa cabanna.

"Dito rin ako tumatambay kapag gusto kong ma relax" sabi ni Ella.

Maya-maya, dumating si Sean. May dala iyong beer saka pulutan.

"Lets drink! Pa welcome kay Kanna!" saka iniabot sa akin ang isang bote.

"Thanks-" sabi ko pero may bigla akong naalala. Yung time na nalasing ako at hinalikan ko ito. Hindi ko sure kung naaalala pa iyon ni Sean.

Silly me, napatingin tuloy ako sa lips nito!

Hindi ako iinom ng marami! Sabi ko tuloy sa sarili ko.

Nagkwentuhan kami about sa mga buhay-buhay namin. Napasarap ang kwentuhan kaya napadami din ang inom.

"Ella, okay ka lang?" saka niyugyog ko iyon. "Sean, lasing na si Ella." naka ilang bote kasi iyon ng beer. Ako, 3 bottles lang kaya nasa katinuan pa naman.

"Okay, I'll bring her to our room--" tumayo iyon saka binuhat si Ella.

Ako naman, niligpit ko yung mga bote at kalat tapos pumasok na rin ako ng bahay.

Medyo inaantok na ako dahil siguro sa beer na nainom ko. Umakyat na ako para magtungo sa room ko pero nakaka 3 steps pa lang ako ng madulas ako!

"Oh my!!!!" tili ko.

"I got you!"

Narinig kong sabi ni Sean at naramdaman ko ang pagdikit ng likuran ko sa dibdib nito habang ang mga kamay nito ay nakapulupot sa bewang ko!

Hindi ako kaagad naka kilos! Ah! Para na naman akong nawala sa sarili ko! Yung dibdib ko, grabe ang kaba!

Yung puso ko? Hindi ko nga alam kung ano ang nagyayari sa puso ko!

"Kanna?"

"Oh! Sorry!" sabi ko saka mabilis akong lumayo dito.

"Are you okay?"

"Yes! Si Ella?"

"Shes sleeping--"

"Okay--" tumango-tango ako. "Sleep na rin ako. Goodnight!" saka mabilis akong naglakad paakyat. Pag dating sa room ko kaagad kong hinawakan ang dibdib ko! "My god!" yung kaba ko parang abot hanggang langit!

Pero napangiti ako ng maalala ko yung sinabi nito. "I got you!"

Kung alam lang nya, He already got me long time ago pa!

Dear Diary, Masaya ako dahil I'm finally home at kasama ko ang best friend ko pati si Sean. Sabi nga ni Ella, vacation ko kaya dapat mag relax ako pero paano ko gagawin yon? Knowing na nandyan lang si Sean! Malapit lang sa akin! Do you think? Ma re relax ako?😯

Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon