Chapter 13

109 19 0
                                    

Marami nang tao ng dumating ako sa bagay nila Sean. Halos mga classmates din namin ang mga bisita, yung iba mga cousins and friends ni Sean. Bumaba ako sa sinasakyang kotse saka nag door bell. Pinagbuksan ako ng isa sa mga kasambahay nito.

"Good Evening Mam!" bati nito.

"Hello po. Si Sean po?"

"Tuloy po kayo Mam." sabi nito sa sinamahan ako patungo sa garden kung saan nagaganap ang party.

"Thank you po." sabi ko dito bago ako iwan.
Hinanap ko sa karamihan si Ella. Pero di ko iyon nakita kaya tinawagan ko na. "Hello,
Nandito na ako. Nasaan ka?"

"Wait, nandito kasi ako sa kitchen, papunta na ako dyan"

"Okay sige."

Pagkapatay ko ng phone sakto naman paparating si Sean.

"Kanna!"

"Hi Sean!"

"Your here! Akala ko di ka na darating."

"Sorry, na late ako"

"Its okay. The party just started"

"Come here--" sumunod ako dito. "Sit here,Just enjoy and relax." sabi nito "what do you like to eat?"

"Naku! Ako na--"nahihiya kong sabi dito.

"Its okay." nakangiting sabi nito saka nag tungo sa may buffet table. Tinitigan ko iyon habang abala sa pag kuha ng food ko. Naisip ko tuloy, ganito rin siguro ito ka sweet and thoughtful kay Ella. Sa sobrang busy ko sa kakatingin dito hindi ko namalayan ang pagdating ni Ella.

"Sinong tinitignan mo dyan?"

Gulat akong napalingon dito. "Ella!"

"Anong meron? Yung reaksyon mo parang nakita mo si Crush!"nakangiti nitong sabi saka tumabi sa akin.

"Ahm, maganda kasi yung garden nila Sean kaya nalibang ako kakatingin sa paligid-" pag dadahilan ko.

Tumango-tango iyon.

Naku! Nahuli kaya ako nito na kay Sean ako nakatingin? Bigla tuloy akong nag worry.
Pero pwede ko bang ipag bawal ang sarili ko na hwag itong tignan? Paano kung kinakausap ako nito? Hindi rin ako titingin? Baka mag mukha na akong engot non!

Maya-maya, dumating na si Sean dala ang food para sa akin.

"Thanks--" nahihiya kong sabi dito.

"Make your self comfortable." nakangiti nitong sabi.

Halos ilang oras na akong naroroon. Enjoy ang lahat sa party at karamihan ay medyo lasing na rin. Ako, kinokontrol ko ang pag inom dahil mag da drive pa ako pauwi. Maging si Sean at Ella ay tila lasing na rin.

"Ella, tama na yan-" bulong ko dito.

"Konti na lang-" sabi nito "lets dance!" saka tumayo iyon para maki join.

Sinipat ko ang suot na relo. 10 oclock na. I need to go home na rin. Hinanap ko si Sean para mag paalam na. Hindi ko iyon nakita kaya naisipan kong mag cr muna. Nasa likurang bahagi iyon ng garden at medyo madilim ang daanan. Bubuksan ko na sa ang pinto ng may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. Sa sobrang gulat ko hindi ako kaagad nakakibo. Ipinihit ako nito paharap.

"S-Sean!"

At mas lalo akong nagulat sa sumunod na nangyari. Sean kissed me! Mas lalo akong hindi nakakilos. Parang nanigas ang katawan ko. Hindi ko alam kung dahil sa shocked or sa kiss ni Sean.

Wait! Baka naman halucination lang ito dahil lasing na ako?

Naramdaman ko ang paghapit ng mga kamay nito sa bewang ko.

Oh my god! Saka pilit kong ginalaw ang mga kamay ko. Balak kong itulak iyon papalayo but instead napayakap ako dito at napapikit pa na tila nag enjoy ako sa kiss nito!

Ah! Bakit hindi ko magawang pigilan ito sa ginagawa nya.

"Sean!" napadilat ako ng marinig ko ang boses ni Ella. Mabilis kong tinulak si Sean papalayo at tumakbo ako para mag kubli.
"Babe! What are you doing here?" takang tanong nito.

"Babe? You were just here!" narinig kong sabi ni Sean. Nasa boses nito ang pagkagulat.

"What?" natawa si Ella. "Lets go! Your drunk!" sabi nito at niyaya na nito si Sean pabalik sa party.

"I'm sorry Ella!" sising sisi ako sa nagawa ko. Nagmamadali kong nilisan ang lugar na iyon. Hindi ko na nga nagawang mag paalam.

Dear Diary, I made a big mistake. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa nagawa ko. I should be punished! I betrayed my Best Friend!😢😯












Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon