Ang hirap mag move on!
Gusto ng Best Friend ko ang taong gusto ko.
At paano ko ba tatanggihan ang hiling ni Ella sa akin?
"Sige na Sissy, classmate mo si Sean di ba? Make a move para maging close kami."
Hay naku! Paano ko ba gagawin yon? Eh makita ko nga lang si Sean hindi na ako makakilos, kapag malapit nga ito halos di na ako makapag salita. So paano ko ilalakad si Ella dito?
"Sige na...please....please--" saka niyakap ako nito.
"Seryoso ka ba sa feelings mo sa kanya?"
"Yes" walang pag aalinlangang sagot nito.
At naisip ko, mahal nga talaga nito si Sean. Never ko pang nakita si Ella na ganito ka seryoso.
Siguro nung pinakawalan ni Cupido ang pana nya nasapol si Ella straight to the heart.
"I will see what I can do!"
"Thank you Sissy!" tuwang tuwa iyon saka niyakap ako ng mahigpit.
"Gagawin ko ito for you--"
"I know kaya love na love kita eh!"
Yeah! Kaya nga ipagpapalit ko kahit sarili kong happiness para sa happiness nito.
Martir ba ang dating? Well, ganon yata talaga minsan kailangan nating i let go even the most precious thing in our life.
Need ko nang simulan ang misyon ko.
Kailangan malaman ko kung ano yung mga bagay na gusto ni Sean at kung ano ang mga pinagkaka abalahan nya. In other words, kailangan kong maging imbestigadora!I searched, I invistigate and I observed him!
Yung tipo bang nakatutok ako sa kanya 24/7.
Yes! Para akong stalker! And in doing that, marami akong nalaman tungkol kay Sean, mas lalo ko syang nakilala but theres a bad thing....lalo akong na fall sa kanya!"Wow! He is such an angel!" palatak ni
Ella ng sabihin ko dito ang lahat ng nalaman ko tungkol kay Sean."Can you do that?"
"Volunteering work? Kung iyon yung way para ma catch ko ang puso nya? I am willing to do everything!"
Napatingin ako kay Ella.
"What?"
"Huh? Ahmm...Gusto mo sya talaga--"
"Super!" sabi nito saka umupo sa tabi ko. "You know what Sissy...I think, this is really love! Si Sean ang guy na pinapangarap ko!
I want him....i really want him!"Tinitigan ko si Ella. Nakita ko dito ang aura ng isang taong umiibig!
Hindi ko maiwasang malungkot ngayon pa lang i really feel the pain of loosing something important to me.
But I decided one thing. I want Ella to be happy.
Dear Diary, i decided na maging Cupida kina Ella at Sean. I know its not easy but I will do it kahit kapalit pa non ay kabiguan ko.😞
BINABASA MO ANG
Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETED
RomanceUp to what extent mo kayang mag paubaya para sa Best Friend mo? Yung tipong kahit sarili mong kaligayahan kaya mong ibigay para dito. Pati ba ang taong pinaka mamahal mo kaya mong iparaya para sa Best Friend mo kahit na ma Broken Hearted ka pa? M...