Chapter 15

111 18 0
                                    

"Saan tyo pupunta?" tanong ni Ella ng sinundo ko ito sa bahay nila.

"Gigimik tayo!" sabi ko. "Matagal na nating di nagagawa iyon."

"Oo nga--"

"Bakit ganyan hitsura mo?" tanong ko. Nakasimangot kasi iyon.

"Hindi daw kasi makakasama si Sean. May biglaan daw appoinment."naka ismid iyon.

Natawa ako. "Smile ka na. Busy lang si Sean"

"Hmp! Nakalimutan din nya na birthday ko today."

"Hwag ka na magalit kay Sean. That's why I'm here. I'm your date today!"

"Okay--"

"Lets go!"sabi ko saka pinaandar ko na ang kotse.

At katulad ng plan namin ni Sean. Dinala ko si Ella sa venue kung saan magaganap ang isang special na event. Ni rent nya ang buong lugar, inimbitahan namin yung mga close friends and relatives.

"Wow!!!" sabi ni Ella ng pumasok kami sa loob ng venue.

Maging ako ay namangha. Talagang pinaghandaan ni Sean ang araw na ito.
Para kaming nasa Fairy Tale world!

"Anong meron?"

"Baka may event sila--"

"This is nice!"

Sinalubong kami ng isang staff doon. Yung kasabwat namin.

"Hi Ma'am" bati nito. "This way po--"at saka sinamahan kami sa pwesto namin. Umorder ako ng drinks and food. Ilang sandali pa nag umpisa na ang mga performer.

Nag kwentuhan kami ni Ella. Throwback time ika nga. Syempre ang topic si Sean. Binalikan namin yung happy moments na iyon.

At hindi ko rin maiwasang balikan ang ala-alang iyon na pilit kong kinakalimutan.

Yung unang araw na nakita ko Sean, yung first time kong naramdaman ang kakaibang kabog ng dibdib ko. Yung moment na, na in love ako dito.

Oopppssss! Times up! I should stop From here!

"Where are you going?" tanong ni Ella ng tumayo ako.

"Just sit back and relax!" sabi ko, saka umakyat ako ng stage. "Hi Sissy!"bungad kong sabi. "Happy Birthday. I know na masaya ka and Im happy that your happy! I love you....you know that right?"

Ngumiti iyon saka tumango. "Love you too!" sigaw nito.

"This is for you--" at nang pumailanlang ang musika nag simula na rin akong umawit.

Panalangin ko sa habang buhay,
Makapiling ka, makasama ka.
Yan ang panalangin ko...ohhh!
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa aking piling
Mahal ko iyong dinggin...

Tapos biglang namatay ang ilaw. Bumukas yung spotlight at tumutok iyon sa isang bahagi ng stage, kung saan nakatayo na si Sean doon. May hawak iyong isang bouquet ng bulaklak. Habang umaawit ako, naglakad iyon pababa ng stage. Saglit iyong huminto, nilingon ako saka nag pakawala ng isang matamis na ngiti.

Ngumiti din ako dito saka sinundan ko iyon ng tingin habang papalapit kay Ella. Na noo'y gulat na gulat sa nangyayari. Huminto ako sa pag awit ng makalapit iyon kay Ella.

"What is this?" halos maiyak iyak si Ella.

Ngumiti si Sean saka iniabot dito ang bulaklak. Nag hiyawan ang lahat ng lumuhod si Sean sa harapan ni Ella.

"Ella, I dont really believe in Fairy Tale love story. But nung nakita kita sabi ko, may Princess pala in real world! At bigla kong naramdaman na gusto kong maging Prince mo. And I wanted to create my own fairy tale love story na kasama ka--"

Tahimik sa buong paligid. Hindi man nag sasalita ang mga iyon, dama ko sa mga mata ng mga iyon ang kilig at saya.

Tinignan ko si Ella! Mababanaag din sa mukha nito ang happiness.

"Ella, will you be my Princess for the rest of my life?" saka inilabas ni Sean ang isang maliit na kahon.

"Yes!!" sagot ni Ella habang lumuluha iyon.

Isinuot ni Sean ang ring dito saka ginawaran ng matamis na halik si Ella.

Naghiyawan at nag palakpakan ang mga tao doon.

At nag patuloy ako sa pag awit...

At wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dalawa
Sana naman makikinig ka
Kapag aking sasabihin....

Tumingin ako kay Sean...

Minamahal kita!

But I guess, hindi na nya maririnig iyon.

Super saya ni Ella! Sa wakas, nag katotoo na ang isa sa mga pangarap nya! Busy na ang lahat sa nagaganap na party.

Lumabas ako. I need some fresh air! Pumikit ako saka dinama ang malamig na simoy ng hangin. Nang dumilat ako, kinuha ko yung isang heart baloon na nandoon.

"I need to let you go--" sabi ko na parang kinakausap ko iyon. "This time, I really have to---"saka binitawan ko yung ballon. Sinundan ko iyon habang dinala dala iyon ng hangin papalayo "Goodbye....feelings" sabi ko saka  napaluha ako.

Dear Diary, I should be happy di ba? Dahil happy yung dalawang taong mahalaga sa life ko. My Best Friend and My Secret Love!
Pero kahit anong gawin kong maging masaya mas nanaig pa din yung pain.
Now, I really need to learn how to move on.
I know its not easy but I have to..💔😥

Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon