Time flies so fast...
We are now in the last year of our College days. Marami kaming natutunan at marami ding nagbago.
Sina Sean at Ella, masasabi kong pinagtibay ng panahon at pagsubok ang kanilang relasyon. Masaya ako that there relationship is going strong.
Ako? Well, single pa rin! May mga manliligaw naman kaso walang isa man ang natipuhan ng puso ko. Ah, paano ba iibig ang isang broken hearted?
"Wala kang type sa mga suitors mo?" minsang tanong ni Ella sa akin.
Ngumiti lang ako.
"Ano ba kasing hinahanap mo?" naiiling na tanong nito.
"Hmmmm" sabay napaisip ako. "Yung lalaking napapangiti ka kahit wala itong ginagawa. Yung feeling mo kumpleto ka dahil nandyan sya. Yung nag bibigay ng kakaibang kilig sayo--" sabi ko na tila kinikilig.
"Parang si Sean." narinig kong sabi ni Ella.
Gulat akong napatingin dito. "Hala! Nakahalata na ba ito?" bigla tuloy akong kinabahan.
"W-what?"
"I mean, parang si Sean. Ganon na ganon ang na feel ko nung una ko syang nakita. Kaya nga sabi ko sa sarili ko...He is the one for me."nakangiting sabi ni Ella.
"Hay!" nakahinga ako ng maluwag doon. Akala ko nabuking na ako. Ito yung pinagkaka ingat-ingatan kong sikreto. Kung meron man akong bagay na dapat itago for the rest of my life? Iyon ay yung feelings ko for Sean.
"Dont worry Sissy, makikita mo rin yung the one for you!" sabi ni Ella saka hinawakan ang kamay ko.
"Nakita ko na. Kaso nung nagkita kami sa iba sya nakatingin" sabi ko sa sarili ko.
"Dont lose hope Sissy! Kapit lang!"
"Paano ako kakapit, kung wala naman akong kakapitan!"
"Ay! May hugot!"
At sabay kaming napahagalpak ng tawa.
Dumating na ang araw ng aming pagtatapos. Sa wakas nag bunga na din ang aming pagsusunog kilay! Masaya kami and of course pati ang mga parents namin.
"Congrats to us!" masaya naming sigaw saka sabay sabay naming inihagis ang aming mga caps!
"Congrats Sissy!" at masaya kaming nagyakap ni Ella.
"Congrats Kanna!" nakangiting bati sa akin ni Sean.
"Congrats din!" nakangiti ko ding bati dito.
"By the way, may party sa house tomorrow night. Can you come?"
"Of course pupunta yan, di ba Sissy?" biglang singit ni Ella.
Natawa ako. "Okay. It Looks like I cant say no-"
"Thats good. I'll expect you--"
Pagkatapos, nag paalam na kami sa isa't-isa. May kanya-kanya din kasing plan ang mga family namin.
Dear Diary, sa wakas graduate na kami. Nag bunga na din ang aming pag titiyaga. At ngayon, panibagong chapter na naman ng aming buhay ang aming haharapin. kakaibang mundo ika nga. Hindi ko alam kung anong meron doon. But one thing for sure....I'm ready to face the world!😉😁
BINABASA MO ANG
Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETED
RomanceUp to what extent mo kayang mag paubaya para sa Best Friend mo? Yung tipong kahit sarili mong kaligayahan kaya mong ibigay para dito. Pati ba ang taong pinaka mamahal mo kaya mong iparaya para sa Best Friend mo kahit na ma Broken Hearted ka pa? M...