"Kanna?" narinig kong sabi nito.
"Huh?" at napatingin ako dito.
"Kanna Cervantes, right?"
"Oh... Y-yes--"
Ngumiti iyon. "Drake Sevilla" pagkuway sabi nito saka inilahad ang kamay sa akin.
"Hi--" tanging nasabi ko saka nakipag shake hands ako dito.
Oh my god! Bakit parang may something? Yung moment na nag touched ang mga kamay namin. May kakaiba akong na feel!
Bakit may kilig feelings!
Honestly, namiss ko ang feeling na ito.
At bakit ba ako kinikilig sa lalaking ito?
Kasi naman ang gwapo! Parang isang Oppa sa k-drama!
"Nice to meet you--" nakangiting sabi nito
"Me too--" tugon ko.
"Lets have a seat--" saka inalalayan ako nitong maka upo.
"Thank you--" saka ngumiti ako. Tahimik lang ako at nakikiramdam.
Well, actually para akong napipi at wala akong maisip na sabihin dito.
Ah, paano ba ako kikilos sa harapan nito?
Pero naisip ko, I don't need to do anything. I just need to be the real me. Although, hindi ako prepared! Hahahaha!Sinenyasan nito yung waiter na i serve na yung food.
"For you--" nagulat ako ng abutan ako nito ng isang bouquet ng bulaklak.
Gulat akong napatingin dito.
Lord naman! Isang white rose lang ang hinihingi kong sign! Bakit ang daming white rose naman nito!
"Thank you--" saka nahihiya kong kinuha yon. "You shouldn't have too--"
"A beautiful Lady like you deserve a beautiful flowers too--"
Ay! Mabulaklak ang kanyang pananalita!
Nangiti ako sa sinabi nito. Kaka kilig!
"Why?" narinig kong tanong nito.
"Huh? Ahm...Nothing--"iling ko.
My gosh! Super pa girl ako! Hindi naman kasi sinabi ng nanay ko na ganito pala ito kagwapo, di sana nagpaganda ako ng todo-todo!
"Can I have a request?"sabi nito.
"What request?" taka kong tingin dito.
Ngumiti iyon. "Can we drop this awkwardness and lets just enjoy this moment?"
"I like that idea--" ngiti ko dito. Actually, mas okay ako doon.
Ilang saglit pa dumating na ang waiter at habang sineserve yung food, lihim ko iyong pinagmasdan.
Infairness sa nanay ko ha! Magaling itong mangilatis. Natatawa kong sabi sa sarili.
"Shall we eat--" sabi nito ng mailagay na ang mga food.
"Sure--" ngiti ko dito.
At magana kaming kumain
"Hmmmm! The food is good!" anito.
We had a little talked while eating at masasabi ko namang okay ito. Very funny at may sense of humor. Walang dull moment ika nga. And I feel at ease na parang bang we've known each other long time ago pa. Totoo pala yung feeling na ganon.
"Actually, at first hesitant ako sa set up na ito--" narinig kong sabi nito.
Ngumiti ako. "Napilitan ka ba sa kakulitan ng mommy ko"
"No. Its not like that" natatawa nitong iling. "I'm worried about you--"
Napatingin ako dito. "Why?"
"Well, baka kasi hindi okay sayo yung set up na ganito. Of course, you dont know me--"
"Honestly, at first I'm not okay with this set up but---"
"Napilit ka rin sa pangungulit?"biglang agaw nito sa sasabihin ko.
"Yeah! Exactly!"
At sabay kaming napahagalpak ng tawa.
"But you know what, siguro mas pag sisisihan ko kung hindi ako pumayag." sabi nito saka tinitigan ako. "I will not have a chance to meet you, to know you and to be with you. If I didn't do this? I will miss this moment and I'm glad that I did!"
Natigilan ako saka napatingin dito.
Ay grabe sya oh! Feeling ko nag blush tuloy ako.
Isang kiming ngiti ang itinugon ko dito.
Ilang saglit pa nag paalam na kami sa isa't-isa.
"I really had a great time--" ngiti nito.
"Me too--" sabi ko. "Bye!"
"Bye! but I will see you again--"
"Okay---"ngiti ko, saka sumakay na ako ng kotse.
"Be careful--" kaway nito.
"Yes. Thank you" saka pinaandar ko na ang kotse papalayo dito. Sinilip ko iyon sa side mirror. Nandoon pa rin iyon, nakatayo at nakatanaw sa papalayo kong sasakyan.
When I got home. I received a text message from him.
"Are you home?"
"Yes. Just got home--"
"That's a relief! Okay. Take a rest now."
"Okay. You too--"
"Have a goodnight sleep--"
"Goodnight too--"
"Sweet Smile💕" ang huli nyang text.
At hindi ko maiwasang mapangiti.
Seryoso, kinikilig ako!!!
Yung 1st date namin ni Drake, nasundan pa at masasabi kong napalapit na rin ako dito. Madalas din ako nitong sinusundo sa office, kaya naging hot topic tuloy ako!
Naging trending ang lovelife ng lola nyo!
"Sa wakas, may nakabihag na sa pihikang puso ni Kanna--"
"Uy! May nagpapangiti na sa kanya!"
"Happy Heart na sya!"
Mga panunukso ng mga iyon sa akin. Natatawa na lang ako at madalas ko silang tinutugon ng isang matamis na ngiti.
Natapos na yung vacation ni Drake at bumalik na rin ito ng US and we still communication with each other. Madalas ako nitong tinatawagan para hindi ko daw sya ma miss, para daw ma feel ko na lagi lang syang nasa tabi ko.
Sabi nya, he will come back, hintayin ko daw sya!
Ewan pero excited ako sa pagbabalik nya!
Dear Diary, sya na ba ang tutulong sa akin para mag move on? Ito na ba yung moment na iyon? Well, if this is it.....I think....I'm ready!😊
BINABASA MO ANG
Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETED
RomanceUp to what extent mo kayang mag paubaya para sa Best Friend mo? Yung tipong kahit sarili mong kaligayahan kaya mong ibigay para dito. Pati ba ang taong pinaka mamahal mo kaya mong iparaya para sa Best Friend mo kahit na ma Broken Hearted ka pa? M...