Chapter 8

138 18 0
                                    

Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang sunod sunod na ring ng phone ko.

"Hello--" pupungas pungas kong sagot dito.

"Sissyyyyyy!" tili nito.

"What?"

"Good Morning!" pagkuway malambing na bati nito.

"Aga mong mangbulabog ha!" nangingiti kong sabi. "Ano yon?" pagkuway tanong ko.
Kabisado ko na ito. Kapag ganon ang tono  ng pananalita nito for sure may favor itong hihingin.

Narinig kong napatawa iyon.

"Sissy, nag karoon kasi ng biglaang lakad ang family. Kaso naka commit na ako kay Sean. Can you take my place--"

"What?" biglang nagising ang diwa ko sa sinabi nito. "You mean, Mag sa substitute ako sayo?"

"Please!!!" lambing nito. "Nakakahiya kasi kay Sean kung di ako makakapunta atleast kung nandoon ka..di ako ma gi guilty"

"Ah, kay Sean nahihiya ka. Sa akin, hindi--"

"Love mo naman ako di ba?"

"Kaloka ka!" naiiling kong sabi dito.

"Naku Sissy! Call na ako nina Mama. Ikaw na munang bahala kay Sean ha!" nag mamadali nitong sabi. "Love you Sissy! Muah!"

"Hello Ella! Wait!" pero pinatayan na ako nito ng phone. "Ahhh! Pasaway!" inis kong sabi.

Umiiwas na nga ako kay Sean eh!
At buo na ang desisyon kong iyon!
Tama, pupuntahan ko ito at sasabihin kong hindi ako makakasama.

Mabilis akong kumilos.

Naligo ako, nag bihis at nag ayos. Pero natigilan ako.

"Bakit ba ako mag aayos? Hindi naman kami mag de date!"

But, I end up putting a simple make up on my face! Gusto ko pa ring maging kaaya aya ako sa paningin nito.

Nandoon na ang grupo nila Sean ng dumating ako sa meeting place. Abala ang mga iyon sa pag aayos ng mga gamit na dadalhin nila.

"I should do this. Kaya ko ito--" sabi ko sa sarili ko. Saka hinanap ko si Sean.

"Kanna!"

Nilingon ko ang pinagmulan ng tinig.

Oh my god! Si Sean!

Napatitig ako dito.

He is waiving and smiling at me!

At parang biglang nag freeze ang mundo ko!
Yung wala akong ibang nakikita kung
di......SYA LANG!

Naisip ko tuloy, paano ko iiwasan ang taong naging mundo ko na?

Dear Diary, kaya kong bang panindigan ang desisyon ko? Paano ko iyon gagawin? Paano ako iiwas kung lagi itong hinahanap ng puso ko? Naloloka na ako!! Anong gagawin ko!!!!😧

Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon