Ilang saglit lang narating na namin ang simbahan. Hindi naman iyon kalayuan sa lugar nila Sean. Halos kaka umpisa lang din ng misa ng dumating kami.
"There are times ba sa buhay natin na tinanong natin sya?" narinig kong sabi ng Pari. "Did we ever asked him WHY? Kasi may bagay tayong gustong-gusto natin pero hindi natin nakamit. We prayed for it pero hindi nya binigay.WHY?"
Napatingin ako sa Pari.
"Wow! May connect!" natatawa kong sabi sa sarili.
"Sabi nila, Good things comes to those who wait. Pero, inugat ka na sa kaka hintay, hindi pa rin dumating si Forever. Ano ba yan!" dugtong pa ng Pari.
Natawa ang lahat. Napangiti ako and then I secretly gaze Sean. Nakangiti din ito.
"My Forever? Dumating naman sya kaso hindi para sa akin-" saka napa buntong hininga ako.
"Nagalit tayo sa kanya, sinisisi natin sya sa mga nagaganap sa buhay natin. But everything has a reason. He never give what we want because He want us to have something we deserve. Not now but in the right time. So wait and be patient"
"Something I deserve?" sabi ko saka muli kong tinignan si Sean, nakapikit ang mga mata nito. "For me, sya na yung something better hindi ko nga lang deserve--" saka ngumiti ako, ngiting may pait. Ibinaling ko ang tingin sa may unahan ng altar. "Forgive me for loving him" saka ipinikit ko ang aking mata.
"Kuya, bili ka ng flower para sa girlfriend mo!" salubong sa amin ng isang bata paglabas namin ng simbahan.
Nagkatinginan at napangiti kami ni Sean.
"Sige nga. Pabili ng flower-" isang white rose ang kinuha nito.
"Salamat po--" nakangiting paalam ng bata.
Nilingon ako ni Sean. "For you---"
Gulat akong napatingin dito. May bigla tuloy akong naalala....
Ito yung sign na hiningi ko sa kanya! "Yung guy na mag bibigay sa akin ng white rose..ibig sabihin sya na yung Destiny ko."
Pero bigla akong natigilan. Bakit si Sean? This is crazy! Ano ito? Joke? Natawa ako saka napa iling. "Iba ka talagang mag biro Tadhana! Nakakasakit!"
"Kanna--" tawag sa akin ni Sean.
"Thanks-" saka kinuha ko iyon.
"By the way, Yung mga inorder ko kasing plants and flowers ready na raw for pick up. Is it okay with you na daanan na natin?"
"Yeah. Sure--" sagot ko.
Sumakay na kami ng kotse para kunin ang mga halaman at bulaklak.
"Inaayos ko kasi yung garden---" sabi nito habang inilalagay ang mga halaman at bulaklak sa kotse nito. Isang pot din ng white rose ang nakita kong bitbit nito.
"Lets go---" sabi nito ng maayos na ang lahat.Medyo matrapik pero I dont care! Kasama ko Sean at i-e-enjoy ko ang moment na ito!
Ah, sana nga hindi na matapos ang araw na ito.
Pa gabi na ng maka uwi kami.
"Thanks" sabi ni Sean. "For sure pagod ka na, pahinga ka muna--"
"Okay--" saka pumasok na ako sa loob ng bahay. Mula sa aking kinatatayuan tinignan ko ito, maingat nitong inaayos ang mga halaman at bulaklak na binili.
"Talagang inaayos at pinagaganda nito ang garden para kay Ella" sabi ko. Naisip ko, since last day ng vacation ko dito. I should do something parang thank you na rin for accommodating me.
Naisipan kong ipagluto si Sean since wala din naman si Manang.
"What Should I cook?" saka binuksan ko ang ref. "Bahala na!"
Feeling Chef ako! Hahahaha! Aminado naman ako, hindi ako magaling mag luto pero marunong naman kahit papaano!
"Dinner is ready!"
Napalingon sa akin si Sean. Tila gulat pa iyon. "Sorry, na busy ako dito. Hindi ko namalayan ang oras." saka lumapit iyon sa akin.
"Sorry din. Naki alam na ako sa kitchen nyo--" sabi ko habang patungo kami sa dinning table.
"So, what do we have for dinner?" nakangiti iyon at tila excited.
"Dont expect too much baka ma dissappoint ka!" natatawa kong sabi. Simple lang naman kasi ang niluto kong food. "Sorry, yan lang ang kinaya ng powers ko--" nahihiya kong sabi dito.
"No! Dont be sorry. You know what makes the dish special? Its not the ingredients but the tender,love and care you put into it" nakangiti nitong sabi.
"Well, I guess my dish is Super Extra Special kasi I put so much tender, full of love and a lot of care while cooking it!" sabi ko sa sarili.
"Wow! This is taste good!" sabi nito nang tikman ang soup na niluto ko.
Tumingin ako dito. Hindi ko alam kung seryoso ba iyon or nag jo-joke lang?
"I'm not Kidding! Promise!" sabi nito. Napansin siguro nito ang reaksyon ko.
Natawa ako. " thank you--"
"C'mon, lets eat!" excited iyon.
"Okay--" at naupo na rin ako.
Lihim ko itong sinulyapan. Masaya at magana iyong kumain.
Natuwa ako! Nagustuhan nya yung food.
Dear Diary, I know its not that much but seeing him enjoying the food...It makes me happy. His smile matters to me😊
BINABASA MO ANG
Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETED
RomansaUp to what extent mo kayang mag paubaya para sa Best Friend mo? Yung tipong kahit sarili mong kaligayahan kaya mong ibigay para dito. Pati ba ang taong pinaka mamahal mo kaya mong iparaya para sa Best Friend mo kahit na ma Broken Hearted ka pa? M...