From Airport nag diretso agad ako sa hospital! I was so shocked when I received Tita Loris call, mommy ni Ella.
"Hello Tita? Whats wrong?" tanong ko ng marinig ko ang garalgal nitong boses.
"Kanna! Si Ella---" umiiyak na iyon.
Sinalakay ng matinding kaba ang dibdib ko.
"What about Ella po?" tanong ko pero nanginginig na ako non.
"Shes in the hospital. She is looking for you--" anito.
Para akong natulala sa narinig ko. Ella has a brain tumor. Malignant na raw ito at hindi na kakayanin ng chemotherapy.
Sari-saring tanong ang pumasok sa isip.Bakit nangyari iyon?
Paanong nangyari iyon?
Bakit nag kaganon?
Bakit si Ella pa!"Kanna--"
"Yes Tita. I'll be coming soon--" sabi ko.
Nasa Cebu ako noon for Business Appointment pero I decided na bumalik na, kaya nag book agad ako ng ticket pabalik. That day mismo!
Walang tulog, walang ayos! Ganon ang hitsura ko ng makarating ako ng hospital.
Baka nga isipin ng mga nurse doon, pasyente din ako! Pero I dont care! I need to see Ella. Ang bilis ng lakad ko kulang na nga lang lumipad ako para lang makarating sa room ni Ella. Pero habang papalapit ako, grabe yung kabog ng dibdib ko, tila nanginginig at nanlalambot ang tuhod ko.Ayokong mag isip ng negative kaya pilit kong pinalalakas ang loob ko.
"Ella will be fine. Everything will be okay!" iyon ang paulit-ulit kong sinasabi.
Napahinto ako sa harapan ng pinto ng room ni Ella. Napapikit ako saka nag pakawala ng isang malalim na buntong hininga. Hinawakan ko ang door knob at dahan dahan iyong binuksan.
Natigilan ako at hindi ko napigilang maluha.
I saw Ella, shes lying in bed. Parang ang tagal ko nang hindi nakita si Ella. Bumagsak ang malusog nitong katawan, tila inagaw na rin ng sakit nito ang taglay nitong kagandahan at hindi rin nakaligtas sa akin ang lungkot sa mga mata ni Sean.As I entered the room, I felt sadness!
"Kanna---" salubong sa akin ni Tita Loris, mahigpit iyong yumakap sa akin.
"Tita--" yakap ko dito.
"Sissy----bakit ngayon ka lang" narinig kong sabi ni Ella. Mahina ang boses nito, ramdam ko sa tinig nito ang panghihina.
I don't know! Pero parang may kumurot sa puso ko. Ah, this is so heartbreaking!
"Sissy'!" pilit kong pinasigla ang tinig ko. Saka naka ngiti akong lumapit dito. Ayoko kasing makita nito na malungkot ako at ayaw na ayaw ni Ella na kinakaawaan sya.
"What are you doing here? Mag pagaling ka na! Remember, sabi ko sayo....mag ta travel tayo together." sabi ko, pilit kong pinasasaya ang sarili.My gosh! Its so hard! Yung tipong need mong pigilan yung luhang gustong lumabas sa mata mo, yung kailangan i hide mo yung loneliness mo at smile ka lang ng smile kahit nasasaktan ka na!
And I wish na sana matagalan ko ang pag papanggap na iyon!
"I love it---" sabi nito saka pilit ngumiti.
"Kaya mag pagaling ka kaagad--" sabi ko.
"Sissy---" saka hinawakan nito ang kamay ko. "I'm sorry but I can't do it anymore--"
"Don't say that--" sabi ko. "Fight lang Sissy--"
Sa totoo lang, awang-awa ako kay Ella. Hindi ko kayang makita ito sa ganong kalagayan. Sinulyapan ko si Sean, tahimik lang iyon pero ramdam ko ang lungkot nito.
"You have to fight para sa family mo, para kay Sean--""Si Sean---" narinig kong sabi ni Ella. Saka mahigpit nitong hinawakan ang kamay ko.
"Please take good care of him--"mahinang sabi nitoNapakunot noo ako. Actually, di ko ma get ang ibig sabihin nito. Tapos maya maya lang parang kinumbulsyon si Ella, tila nahirapan itong huminga.
"Ella!whats wrong?"nataranta na ako. "Sean! Si Ella!" sigaw ko.
Mabilis na lumapit si Sean pati doktor at nurse nag sipuntahan na rin sa room ni Ella. The doctor is trying to revived her.
Nataranta na ang lahat! Si Tita Loris and Tito Fred umiiyak na pati yung ibang relatives ni Ella. Si Sean, di man ito lumuluha. I know deep inside..he is crying! Sabi nga di ba, Silent tears hold the loudest pain. So, I know Sean is hurting so bad!Hindi ko na rin napigil yung emotion ko, I was crying so hard na rin!
Tapos nakita ko, nag stop na ang doktor sa pag pump kay Ella. Malungkot itong umiling.
"We're very sorry--" narinig kong sabi nito.
Nanlambot ang mga tuhod ko at nanginig ang buo kong katawan!
Ella is gone? Noooooooo!!!!!
Nung mga sandaling iyon nasabi ko...
Na sana panaginip lang ang lahat!
Na sana pag gising ko, everything is okay! Na sana hindi ito totoo!
At marami pang sana.....Dear Diary, this is one of the saddest moment of my life! I lost someone whose very dear to me! I lost my Buddies, I lost my Best Friend! I lost my Sissy!
Tama nga ang kasabihang, Even your Friend can break your heart too...
Dahil right now, I feel so broken!😢💔
BINABASA MO ANG
Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETED
RomanceUp to what extent mo kayang mag paubaya para sa Best Friend mo? Yung tipong kahit sarili mong kaligayahan kaya mong ibigay para dito. Pati ba ang taong pinaka mamahal mo kaya mong iparaya para sa Best Friend mo kahit na ma Broken Hearted ka pa? M...