Chapter 16

118 17 0
                                    

"Sissy!" tawag sa akin ni Ella.

Tinignan ko iyon.

"Bagay ba?" tanong nito saka naglakad na parang model sa harapan ko. Suot-suot nito ang wedding gown na napili.

Ngumiti ako saka tumayo at lumapit dito.

"Wow! Para naman akong nakakita ng magandang angel na bumababa mula sa kalangitan!"

"Di naman masyadow!" sabi nito saka nag beautiful eyes pa.

Natawa ako. "Kahit anong isuot mo bagay sayo--"

Tumingin sa akin si Ella saka ngumiti at niyakap ako.

"Bakit?"

"Wala lang--" sabi nito. "Thanks Sissy!"

"Saan?"

"Sa lahat!"

"Hoy bruha!" sabi ko dito. "Hwag kang mag thank you dyan! Hindi ko sasagutin ang gastos sa wedding mo ha!" pagbibiro ko.

At sabay kaming humagalpak ng tawa.

"Wait, nakapili ka na ba ng gown mo?"

"May mga choices na ako pero i che-check ko pa"

"Okay sige. Titingin pa ako ng ibang designs"

"Okay-" saka sinundan ko iyong ng tingin.

Napangiti ako, ang saya saya ni Ella! Kita iyon sa kilos at aura nito. Very hands on nga din ito sa pag pe-prepare sa wedding nila. Kahit sa maliit na detalye sinisiguro nitong nasa ayos ang lahat. Kulang na nga lang sya ang maging coordinator ng sarili nyang kasal!

At sa lahat ng ginagawa nya, nandoon ako!
Syempre full support ako!

Lagi nga akong kasama kapag may mga aayusin sila ni Sean.

"Are you done?" tanong ko ng makita kong papalapit iyon sa akin.

"Yes, yung napili mong gown, okay ka na doon?"

"Oo, na inform ko na sila."

"Were done here. Punta na tayo sa jewerly shop, doon na lang natin i-meet si Sean."

"Okay--" saka pinuntahan na namin ang jewerly shop na di naman kalayuan doon.
Nandoon na si Sean ng dumating kami.

"Hi Babe!" bati ni Ella dito saka yumakap kay Sean.

"Babe!" ani Sean saka tinapunan ako ng tingin at ngumiti. "Hi Kanna!"

"Hi!" ngiti kong tugon dito. Actually, sinasanay ko na ang sarili ko na maging kalma kapag kaharap si Sean, na para bang normal lang ang lahat!

"Lets go!" ani Ella saka nag umpisa na silang pumili ng kanilang wedding ring. Inabala ko na rin ang sarili ko sa pag titingin ng mga jewerly doon. May nagustuhan din akong ring. Natanong ko tuloy ang sarili ko, sino kaya ang bibili ng ring na ito para ibigay sa akin? Natawa tuloy ako sa sarili kong tanong.

"I like this one Babe!" narinig kong sabi ni Ella. "Maganda di ba Sissy?" tanong nito saka ipinakita sa akin ang ring.

"Yes--" tango ko.

"What about this one?" sabi naman ni Sean.

Medyo lumayo ako sa dalawa, at mula sa aking kinatatayuan. Pinagmasdan ko sila.
They looked so happy!

Nakakaingit? Honestly? Oo.

Naisip ko tuloy, para pala kaming Love Triangle!

Bakit nga ba may love triangle?

Para manggulo, manira ng isang relasyon?

Hindi! Para sa akin, kaya may love triangle ay para mag paraya ang isa, para may dalawang taong maging masaya na tunay na nag mamahalan.

Hindi ko naman sinasabing, hindi tunay yung love ko kay Sean. Mahal ko Sean! Mahal na mahal pero mas pinili kong i give up yung feelings ko dahil alam ko kung saan at sino ang magkakapagbigay ng happiness dito.

I should be happy, right?

What should I call myself?

Ang Dakilang Third wheel!!!😝

Atlast! Dumating na ang awaiting moment nila Sean at Ella!

The Wedding day!

Dear Diary, Ito na yon! Yung moment na pinapangarap ni Ella! Their Special day!
The day my heart died💔

Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon