Chapter 10

121 19 0
                                    

"Congratulations to our winning couple! Sean and Kanna!" narinig naming sabi ng MC. Kaagad kaming kumalas sa pag kakayakap sa isa't-isa.

"Mukhang nag enjoy kayo don ah!" pagbibiro ng MC.

Nagtawanan ang lahat. Ako nama'y tila nahiya.

"Sorry--"bulong nito.

"For what?" tanong ko.

"About that uncomfortable moment--"

"Oh! Its okay!"

"Sean!" tawag ng isang kasamahan nito.

"Yes, Paul?"

"Nag ka problema yung mag pe-perform. Hindi daw makakarating"

"Ah ganon ba? Paano kaya--"

"Ano bang gagawin ng performer?" tanong ko.

"Kakanta. Request kasi iyon ng mga lolo at lola--" malungkot na sabi nito.

"Mahirap ng makakuha ng singer. Skip na lang natin yon--" sabi ni Sean kay Paul.

"I'll do it!" sabi ko.

Nilingon ako ni Sean.

"I'm not a good singer but I can sing....kung okay lang sa inyo."

"Thats Great Kanna! Thank you for saving us!" masayang sabi ni Sean.

Kinausap ni Sean ang isa pang kasama para sa audio ng music.

Ako nama'y pumuwesto na sa unahan.

"Hello po! Mga gwapong lolo at magagandang lola!" panimula ko. "I will sing a song for you while enjoying your meal. Sana po magustuhan nyo."

Inawit ko ang kantang, Akin ka na lang.

Habang inaawit ko iyon. Hindi ko maiwasang mapatingin kay Sean.

Akin ka na lang
Ang dinarasal rasal sa araw-araw
Akin ka na lang
Aking ka na lang
At mag hihintay hanggang akin ka lang
Giliw

Ah, kung pwede nga lang sana....nasabi ko sa sarili ko, matapos kong kantahin ang awit na iyon.

Gabi ng matapos kami. Nakakapagod pero masaya at magaan sa feeling yung alam mong may napasaya kang tao.

"Thank you guys!" paalam namin sa isa't-isa.
"Nice meeting you Kanna. Sana makasama ka namin ulit--" sabi ng mga iyon sa akin.

"Thank you din--" ngiti ko sa mga iyon

"Bye Sean!"

"Bye! Ingat kayo guys!" kaway ni Sean sa mga iyon.

Kami na lang ni Sean ang naiwang dalawa.

At syempre, hindi na naman ako makalma.
Alam mo yung feeling na hindi ka mapakali kasi katabi mo lang si crush!

"I'll drive you home--"

"Huh? Naku huwag na! You can go home na para makapag rest ka na." tanggi ko.

"If I go home...i think, hindi rin ako makaka pag rest kasi iisipin ko kung nakauwi ka ng safe."

"What?" napatingin ako dito. Sa totoo lang kinilig ako sa sinabi nito. So thoughtful!

"Pumayag ka na...please!" saka tinitigan ako nito. Yung tingin na di mo matatanggihan!

"Hwag kang ganyan! Natutunaw ako sa mga tingin mo!" saka ngumiti ako.

"Kanna?" tawag nito.

"Ah, yes!" bigla kong nasabi.

"Okay. Wait me here. I'll just get my car!" saka umalis iyon para kunin ang naka parked na sasakyan. Ilang saglit lang nakabalik na iyon. "Get in!"

Bantulot akong sumakay sa kotse nito.
Tahimik lang ako. Hindi ko kasi alam kung ano yung pwede naming pag usapan.

"You have a great voice--" basag nito sa katahimikang namagitan sa amin.

"Hindi naman, but thank you--" shy kong sabi.

"May purpose talaga si Lord no?"

"Purpose?"

"Yeah. Isipin mo, hindi naka punta si Ella. Ikaw yung pumalit. Hindi nakarating yung singer namin pero nandoon ka to save us!"

"Ah! Nag kataon lang siguro--" sabi ko.

"I hope na nag enjoy ka!"

"Oo naman! Kasama kita eh!"

"What?"

"I mean, dahil kasama ko kayo--"

"Sana you can join us next time too. If your not busy."

"Sure--"

Ilang saglit lang nasa house na namin kami.

"Thank you ha! Mag iingat ka!"

"Yes!" ngiti nito. "Bye!"

"Bye!" kaway ko habang sinusundan ko ng tingin ang papalayo nitong kotse. Nang sigurado akong malayo na iyon, hindi ko na maiwasang mapatili sa kilig!!!

"Thank you Lord for this moment!" naiusal ko.

Dear Diary, something nice happened to me today. Nakasama ko at nasolo ko si Sean the whole day! And thats really really great! Hindi ko ma explain yung feelings! Basta one thing for sure...ang saya-saya ko😄





Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon