Chapter 14

104 18 0
                                    

Ilang years na ba ang lumipas?

Matagal tagal na rin since that incident..that kiss incident! Until now hindi ko pa rin iyon nalilimutan.

Hay naku! Hirap naman kasing i-forget!
Hirap mag move on!

At dahil doon, pinilit kong umiwas kina Sean at Ella. Nagtatampo na nga ito sa akin.

"Mas love mo na yang work mo kaysa sa akin!" minsang sabi nito.

"Sorry...busy lang talaga!" madalas kong dahilan dito. Pasalamat na nga rin ako na madalas akong out of town bilang Project Manager sa kompanyang pinapasukan ko.
Atleast, hindi obvious na umiiwas ako sa kanila.

Nagulat ako ng makita kong maraming missed call sa phone ko.

"Si Sean! Bakit kaya?" nagtaka tuloy ako. Hindi naman siguro ito tatawag ng ganon karami kung hindi importante. Ayoko sanang mag isip ng di maganda, pero
"May nangyari kaya?" medyo nataranta na ako. I tried to call Ella pero cannot be reach ang phone nito. So I have no choice kung di tawagan si Sean.

Pilit kong kinalma ang sarili pero bigla akong kinabahan ng mag ring ang phone nito, at mas lalo akong na tense ng sumagot iyon.

"Hello Kanna!" sabi nito.

"Hello Sean!" pinilit kong maging normal ang pagsasalita. "Sorry, I was busy kaya di ko nasagot yung mga calls mo-"

"Its okay--"

"Ahm, m-may problema ba?"

"Can we meet?"

Natigilan ako.

"About Ella ba yan?"

"Yes--"

"Okay-"payag ko. Syempre its about Ella kaya pumayag ako.

Paano ko ba haharapin si Sean?

Ah, bahala na!

Pinuntahan ko ito sa napag usapan naming place. Nandoon na iyon ng dumating ako. Hindi kaagad ako pumasok. Pinagmasdan ko muna ito mula sa kinatatayuan ko.

Wala pa rin itong pinagbago! Napaka gwapo pa rin ni Sean.

Bumuntong-hininga ako saka naglakad papasok ng coffee shop.

"Kanna!" kaway nito ng makita ako.

"Hi! Sorry, kanina ka pa ba?"

"No. Kadarating ko lang."sabi nito saka ngumiti. Napatingin ako dito, sa lips nito!
At hindi ko maiwasang maalala muli yung gabing iyon! Yung gabing naglapat ang aming mga labi! "Kanna?" narinig kong tawag nito sa akin.

"Yes!?"

"Would you like something?"

"Sure--" sagot ko.

"Okay--" anito saka tumayo at pumunta sa counter para mag order. Pagbalik, dala na nito ang food. "For you, Coffee Jelly Frapuccino and blueberry Cheese cake--"nakangiting sabi nito.

Napatingin ako dito.

"Thats your favorite, right?"

"Ah! Yes. Thank you-"ngiti ko dito. Nakaka touched naman! Alam pa rin nito ang paborito kong i order sa coffee shop na ito.

"So, how are you na? Hindi ka na nakaka join sa amin Ella"

"Oo nga. Super busy kasi sa work."

"Hindi ba ako naka istorbo?"

"No. Its okay." ngiti ko dito. "Ahm, may problema ba kayo ni Ella?"

"Wala. Were okay--"

"Thats good!"

"You know na malapit na ang birthday ni Ella di ba?"

"Yes--"

"I'm planning to have---"

"A surprise party?" putol ko sa sasabihin nito.

Ngumiti iyon. "Yes and I am planning to propose to her!"

Ouch! Para iyong bombang sumabog sa pandinig ko. Did I here it right?

"Oh! Your going to propose to her!" sabi ko.

"Yes! and I need your help."

Napatingin ako dito. "Sure--" sabi ko sabay tawa.

Yung Hahahahaha ko biglang napalitan ng Huhuhuhuhu!!

Ang lupit mo naman tadhana!

Dear Diary, mag po propose na si Sean kay Ella. Honestly, hindi ko maiwasang mainggit kay Ella, she is such a lucky girl having Sean in her life. Minsan nga inisip ko...kung hindi ko kaya sila pinag lapit ni Sean...may chance kaya na naging malapit kami ni Sean. Kung ipinaglaban ko kaya yung feelings ko baka instead of Ella, Ako dapat yon!
But....Its too late now!😢

Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon