Ang sakit ng ulo ko ng magising ako.
"Ahh, Ang dami ko sigurong nainom kagabi--"sabi ko.
The last thing I remember, binuhat ako ni Sean papunta dito sa room.
"Nakakahiya naman kay Sean-" sabi ko tapos bigla akong natigilan ng may mag flashback sa isip ko!
Marahan akong inihiga ni Sean sa kama.
"Are you okay Kanna?" narinig kong tanong nito. Idinilat ko ang mga mata ko. Sa dami ng nainom ko pakiramdam ko umiikot ang paligid ko at nanlalabo na din ang paningin ko.
"Kanna--" muling kong narinig. Sinundan ko ang pinagmulan ng tinig.
Si Sean! Biglang nagliwanag ang paligid ko nung nakita ko sya! I clearly see him.
"Sean!" sabi ko at napangiti ako. Hinawakan ko ang magkabilang kwelyo ng damit nito and then I pull him near to me.
Yung malapit na malapit!
Tinitigan ko ito. Panaginip ba ito?
"Ah, napakagandang panaginip!" sabi ko and then---
"Oh my god!"tili ko! Napabalikwas ako ng bangon at biglang nataranta! "Did I really do that?" halos hindi ako makapaniwala. "Did I really kisssed him?" at pabagsak akong nahiga sa kama, isinubsob ko ang aking mukha sa unan. "Baliw ka talaga Kanna!" inis kong sabi sa sarili. "Nakakahiya!" halos mag lumpasay ako!
"What should I do?" di na ako mapakali.
Mabilis akong kumilos. Naligo ako, nagbihis and then I packed my things.
Isa lang ang nasa isip ko! "I need to get out from here!" dahil hindi ko alam kung kaya kong harapin si Sean.
Maingat kong binuksan ang pinto ng kwarto, sinilip ko kung walang tao sa paligid at marahan akong naglakad pababa. Ingat na ingat akong makalikha ng ingay.
Hay naku! Para akong salisi gang kung kumilos! Kakaloka!
Natigilan ako ng makarinig ng ingay mula sa kitchen.
"Naku! Baka si Sean yon!" mabilis at maingat akong naglakad patungo sa pinto.
"Kanna--"
Napahinto ako at saka dahan dahang lumingo.
"Manang!"ngiti ko dito "Mabuti na lang ikaw yan!"
"Saan po kayo pupunta?" tanong nito ng makita ang dala-dala kong maleta.
"Pauwi na po-- Si S-Sean po?"
"Umalis na. Sinundo si Ella--"
"Thank God!" bigla akong nabunutan ng tinik.
"Hindi mo na ba sila aantayin? Baka pabalik na yon--"
"Naku! Mas need ko ng mag madali!"
"Ano yon?"
"I mean, something urgent came up kasi.
Kaya po I need to go na. Hindi ko na sila mahihintay. I will call Ella and Sean na lang po.""Sige--"
"Bye Manang!" at nag mamadali na akong lumabas ng bahay. Ayokong maabutan nila ako, feeling ko wala na akong mukhang ihaharap sa kanila! Lalo na kay Sean.
Lasog-lasog na ang buong pagkatao ko dito!
"Ginawa ko ba talaga yon?"paulit ulit kong tanong sa sarili ko. Nakasakay na ako non ng taxi. "Baka naman hindi--" pagkuway sabi ko. "Pero paano nga kung ginawa ko nga!" inis kong sabi.
Napapatingin tuloy sa akin yung driver. Baka iniisip nito, baliw na ako dahil kinakausap ko ang sarili ko.
Pero sa totoo lang, para na nga akong mababaliw sa kaka isip! Kung may naganap ba o wala? Hay naku! Ang sakit sa bangs girl!
Kailangan bang tanungin ko pa si Sean, kung kiniss ko ba sya o hindi?
"No!!!!" bigla kong sabi. Paano kung wala namang naganap, baka isipin pa ni Sean nag iilusyon ako!
Pero, paano kung meron nga?
Waaaaahhhhhhh!! Nawiwindang na ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko!
Tapos biglang nag ring ang phone ko. Si Ella!
"Hello Sissy!" sagot ko.
"Sissy--" sagot nito sa kabilang linya. "Bakit di mo ko inantay makauwi?"
"I'm sorry. Something came up kasi kaya need ko nang umalis--"
"Ganon ba?" lumungkot ang tinig nito. "Kailan mo ako ulit dadalawin?" tanong nito. "I really wanted to spend more time with you--"
"Wow! Nag lalambing!" sabi ko. "May aayusin lang ako, dalawin din kita ulit!"
"Okay--" sabi nito sa mahinang tinig tapos bigla iyong naubo.
"Sissy, okay ka lang ba?"
Pero si Sean na ang sumagot ng phone.
"Kanna--"sabi nito.
Natigilan tuloy ako. "Ahm...Sean! Okay lang ba si Ella?"
"Medyo masama pakiramdan ni Ella dahil sa byahe. Pero okay lang sya. Dont worry."
"Ganon ba. Paki sabi kay Ella magpahinga na sya. Dadalaw na lang ako ulit."
"Okay--"
"Please take care of her---"
"I will--"
"Bye--" saka pinatay ko na yung phone.
Mabuti na lang nandyan si Sean for Ella. Atleast hindi ako mag wo-worry dahil I know hindi ito papabayaan ni Sean.
Dear Diary, Nakokonsensya tuloy ako. Until now, iniisip ko pa rin kung talagang nagawa ko iyon. But dont judge me ha! Kung nagawa ko man yon hindi iyon intentional.
I was drunk kaya di ko alam ang ginagawa ko! Hay naku! I will never drink alcohol again! Never!!!!😰
BINABASA MO ANG
Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETED
RomanceUp to what extent mo kayang mag paubaya para sa Best Friend mo? Yung tipong kahit sarili mong kaligayahan kaya mong ibigay para dito. Pati ba ang taong pinaka mamahal mo kaya mong iparaya para sa Best Friend mo kahit na ma Broken Hearted ka pa? M...