Chapter 28

75 12 0
                                    

"Hello Drake--" sagot ko sa phone.

"Hello Kanna--" masiglang sagot nito sa kabilang linya. "How are you?"

"I'm good--" sagot ko. "And you?"

"I'm fine."

"Thats nice!"

"Well actually, I'm here na sa pinas--"

"Ow! Really?" gulat kong sabi. Ang alam ko kasi 2 months pa bago ito bumalik. Excited lang? "Napa aga yata ang balik mo?" natanong ko tuloy.

"Well, I can't wait to see you again--"

Natahimik ako. "Really?" nasabi ko na lang.

"And I think, I already have a reason to stay here for good--"

Natawa ako. Naisip ko tuloy kung seryoso na ba talaga ito?

"By the way, can you be my date?" narinig kong tanong nito.

"What?"

"Birthday kasi ng friend ko this coming sunday. Are you free?"

"Yeah. Sure--" sabi ko. Saturday night ang balik ko. So naisip ko, okay lang.

"Thats good!" masiglang sabi nito. "I'll see you on sunday."

"Okay."

At nag paalam na iyon sa akin. Napabuntong hininga ako.
Ready na ba ako? Ready na ba akong mag let go? Ready na ba akong kalimutan ang past ko? Ready na ba akong harapin ang present ko?

"What do you think of him?" naalala kong tanong ni Mommy.

"Hmmmm...okay naman po sya--" sagot ko.

"Yeah. He is a good man with a good heart too. I know his family very well and were close friends too--"

"Okay po ba sya sa inyo?"

"Of course. Kung ako nga ang papapiliin. I will surely choose him for you."

Natawa ako. "Boto talaga kayo sa kanya--"

"But of course, its still up to you. The final decision is up to you and whatever decision you made...we will respect it."

"Hay!" nasambit ko saka napahiga ako sa kama.

Sa tingin ko, I need to decide na. Tama naman sila Mommy and Daddy. Time flies so fast. I'm not getting any younger, pati sila. And I want them to be happy too.

Tama! I already made my decision!

Sunday Night.

7:00 Pm daw ako sudunduin ni Drake. Maaga pa lang nag ready na ako.
Sa Marco Polo ang venue, so I guess medyo  bigatin ang mga visitors. Mga close friends and Business Partners daw nya ang karamihang bisita. Kaya I make sure na hindi naman mapapahiya si Drake kapag ipinakilala nya ako sa mga iyon.

Isang one shoulder satin gown ang suot ko with draped bodice and beaded detail sa may waist.

I curled my long hair then I just put a beaded hairclip sa right side.

Simple but elegant!

Tinignan ko ang sarili sa salamin.

"Ready na ba ako?" bigla ko tuloy naitanong.  "Handa na ba ang puso ko na mag mahal ng iba?"

Napa buntong-hininga ako.

Pero naisip ko, Hindi ko malalaman ang sagot unless i-try ko

Maya-maya pa, may narinig na akong nag doorbell.

"Si Drake na siguro--" kaya nag mamadali na akong lumabas ng room at Pinagbuksan ko iyon ng pinto.

"Hi Kanna!" nakangiting bati nito.

Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon