Chapter 20

110 18 0
                                    

Nagising ako ng tumama sa mukha ko ang mainit na sinag ng araw. Wala na si Ella sa tabi ko. Umupo ako at isang sulat ang nakita ko sa may unan nito.

Kinuha ko iyon at binasa.

"Good Morning My Beautiful Sissy💕

Sorry, di ko na inistorbo ang mahimbing mong tulog. Nag karoon kasi ng biglaang lakad kaya need kong samahan si Mama.
Can you stay one more day....please!

Thanks! Love you Sissy!

P.S.
Paki bantayan at alagaan muna si Sean for me, please😀"

"Ay kalokang babae!" naiiling kong sabi matapos kong basahin ang sulat nito. "Ginawa pa akong Yaya ng Asawa nya! Hay naku Ella!" saka inis kong sinubsob ang mukha ko sa unan.

"Good Morning!" bigla kong narinig.

Boses ni Sean yon! Nahihiya akong humarap dito...di ko alam kung ano kasi
ang hitsura ko.

Yung hair ko baka parang hinangin lang!
Baka may muta at panis na laway pa ako!

Yay! Nakakahiya! Ah! Bahala na!

Unti-unti kong nilingon iyon.

Nakadungaw iyon sa akin!

"Good Morning!" ngiti kong bati dito.

"Mag pe prepare lang ako ng breakfast--" nakangiti nitong sabi.

"Okay--" sabi ko pero kaagad din akong tumayo. Pumasok na din ako sa loob at nagtungo sa room ko. Inayos ko lang ang sarili ko saka tinungo ang kitchen.

Nadatnan ko si Sean na nag luluto.

"Meron ba akong maitutulong?"

Nakangiti iyong lumingon sa akin.

"Its okay. I'm almost done--" sabi nito saka inayos ang dinning table. "Lets eat!"

Naupo na rin ako.

"Dami nito ah!" sabi ko habang nakatingin sa mga pag kaing nasa table.

"Binilin ka sa akin ni Ella." narinig kong sabi nito. "Since wala sya, I will take care of you--"

Napatingin ako dito.

Ah! Ang sarap naman sa pandinig!

"Binilin ka din ni Ella sa akin--" sabi ko. "Alagaan daw kita--"

Napatingin din si Sean sa akin.

"Loka talaga yon si Ella!"

Tumawa si Sean. "Yeah! You know naman your Friend. Lets eat--"

"Okay--"

"By the way, after breakfast. Mag sisimba ako. Would you like to come?"

Natigilan ako at napaisip.

"Kung gusto mo lang--"

"Yeah sure." sabi ko. "Wala rin naman akong gagawin. Bakit di ko nakikita si Manang Cely?"

"Weekly kasi umuuwi si Manang sa kanila-"

Napahinto ako sa pag nguya.

What! Ibig sabihin? Dalawa lang kami ni Sean dito? Oh no!

"Something wrong?"

"Huh?"

"Hindi ba masarap yung food?"

"Oh no! I mean this is good!" sabi ko saka nag patuloy ako sa pag nguya.

Ano ba Kanna! Tigilin mo nga yang iniisip mo! Di ko maiwasang sabihin sa sarili ko.

"You can go upstairs na para makapag ayos.
I'll wait you sa garden. Alis tayo ng mga 9 am"

"Okay sige."

Naligo ako, nag bihis at nag ayos.
Pag katapos kaagad kong tinungo ang garden. Nandoon na si Sean ng dumating ako.

Pinagmasdan ko ito. Talagang napaka gwapo nito. At naisip ko, may mga tao talagang ipinanganak na pinag pala. Tulad ni Ella, walang kahirap-hirap nakamit nito ang lalaking pinapangarap.

Samantalang ako,ang lapit-lapit ko lang sa kanya pero ni hindi ko sya magawang abutin.

Ah! Dahil hindi kami ang itinadhana!

"Sorry. Matagal ba ako--" sabi ko ng makalapit dito.

"No. It's okay. Shall we go?"

" yes--"

At sabay naming tinungo ang nakaparadang sasakyan. Pinagbuksan ako nito ng pinto.

"Thank you."

"Whats wrong?" tanong ni Sean sa akin ng makita nito na tila hirap akong ikabit ang seat belt.

"Na stucked yata--" sabi ko habang pilit kong hinihila iyon.

"Let me---" narinig kong sabi nito. Lumabas iyon ng kotse at binuksan ang pinto sa bandang inuupuan ko saka inalis nito ang pagkakabuhol ng seatbelt.

Napaisip tuloy ako,Bakit sa mga K-drama, no need ng bumaba ng lakaki. Lalapitan lang nito yung bidang babae. Yung malapit na malapit tspos biglang magtatama ang kanilang mga mata, tapos unti-unting maglalapit ang kanilang mga----

Stoppppp! Hoy Kanna! Gising!

Saka bigla akong natawa.

Napatingin tuloy sa akin si Sean. Halata sa mukha nito ang pagtataka.

"Lets go!" sabi ko.

"Okay--" anito saka pinaandar na ang sasakyan.

Baliw ka talaga Kanna! Sabi ko sa sarili ko.

Sa mga K-drama nga lang nangyayari ang mga ganon, yung "K" ang ibig sabihin non Kathang Isip lang!

At hanggang doon lang iyon!

Dear Diary, Kagigising ko lang, nananaginip na naman ako. Siguro need ko ng matindi-tinding sampal yung pati kaluluwa ko magigising sa katotohanan. Hay😒

Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon