After ng class ko, kaagad akong nag tungo sa may open field ng school.
Naupo ako sa bench saka inilibot ko ang tingin, nilibang ko ang sarili sa mga ganap sa paligid ko.
Sa di kalayuan natanawan ko ang grupo ng mga kalalakihan na nag pa practice ng basketball at biglang napalundag ang puso ko ng makita ko si Sean!"Oh my god!" nasabi ko. Grabe talaga effect sa akin ng lalaking ito. Yung tipo bang mawiwindang ang payapa mong mundo!
Umayos ako ng upo para mas makita ko ito.
"This is my favorite spot" kinikilig kong sabi.
Maya maya, natanawan ko ang isang maganda at sexyng girl. Nakangiti iyon habang nag lalakad.
"Sissy!" kaway na sigaw nito saka binilisan ang paglakad.
Napangiti ako.
Meet Ella, my best friend! Kababata ko sya at kinakapatid na rin. Pero true sisters talaga ang turingan namin. Sisters by heart ika nga. Bukod sa business partners ang mga parents namin, very close friends din ang mga family namin. Siguro nga kung naging lalaki ang isa sa amin,pinagkasundo na kami ng mga magulang namin.
Marami ngang nagtataka kung bakit daw kami mag kasundo samantalang mag kaibang magkaiba ang aming personality.
Well kasi we respect each others differences and most important...we love each other.Pagkalapit ni Ella bigla ako nitong niyakap.
"Kanina ka pa?"
"Hindi naman masyado. Wait lang, ano bang meron at need pa nating mag meet dito?"
"Sissy!" kinikilig na sabi nito saka umupo sa tabi ko. "I have something to tell you--"
"What is it? May problema ka ba?" nag alala tuloy ako. Looking at her, tingin ko normal naman ito.
"I think----" saka ngumiti iyon at tila kinikilig pa.
"Okay ka lang?"
"Nakita ko na sya!" sabi nito. "Yung man of my dreams."
"Wow! And whose the lucky guy?" excited akong malaman. Syempre gusto kong makilala yung guy na nakabihag sa puso ng Best Friend ko.
"There he is----"
Sinundan ko ang tinitignan nito. Grupo lang naman nila Sean ang mga lalaking naroroon.
"Sino sa mga iyan?"
"Wait--" anito saka tila may hinanap. "You see that guy. That macho gwapo guy na nakasuot ng blue shirts na may nakalagay na....I'm your Loverboy? Its him---"
Napatingin ako kay Ella saka muli kong tinignan ang lalaking tinutukoy nito.
"Seryoso ka?" tanong ko.
"Yes. And I think....this is love!" at kitang kita ko yung sparked sa eyes nito.
OH MY GOD! Shocked ako! Si Sean ang tinutukoy nito!
Dear Diary, this is so shocking! In love si Ella kay Sean? My god! Karibal ko ang Best Friend ko!😰
BINABASA MO ANG
Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETED
RomanceUp to what extent mo kayang mag paubaya para sa Best Friend mo? Yung tipong kahit sarili mong kaligayahan kaya mong ibigay para dito. Pati ba ang taong pinaka mamahal mo kaya mong iparaya para sa Best Friend mo kahit na ma Broken Hearted ka pa? M...