Chapter 25

93 15 0
                                    

Ang life daw parang drama. Masaya, malungkot, nakakatuwa, nakakaiyak.

I was standing in front of Ellas coffin.
Nakatulala, parang wala sa sarili. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si Ella, parang hindi iyon mag sinked in sa utak ko or should I say, ayokong tanggapin ang masakit na katotohanang iyon.

"Ang daya mo naman Sissy. Nang iiwan ka--" malungkot kong sabi habang nakatingin sa puntod nito. Minsan tuloy naisip ko, hindi ako naging good friend dito dahil wala akong kaalam-alam sa paghihirap na pinagdaanan nito. I wasn't there to comfort her. Sinabi naman ni Tita Loris na it's Ellas choice na huwag sabihin sa akin dahil ayaw nitong mag worry ako. I feel guilty pa rin  dahil wala ako sa tabi nito when she needed me the most.

It's time to bid our last goodbye kay Ella. Nakapalibot kami sa puntod nito, lahat nag iiyakan na.

Ang hirap palang mag paalam sa isang taong naging bahagi na ng buhay mo.

And As I bid my goodbyes to her, hindi ko na rin napigilan ang luha ko. I was crying so hard.

"Goodbye Sissy. I will miss you and I love you so much--" saka inihagis ko ang hawak na pulang rosas sa puntod nito. Sinulyapan ko si Sean na nasa tabi ko lang. Tahimik lang iyon but I know mas double yung sadness and pain na nararamdaman nito.

At ito yung part na ayaw nating dumating...
The ending part and this is the Ending of Ella's Story.

Nailibing na si Ella, nag alisan na rin ang mga tao pero si Sean nandoon pa rin.

"Sean--" lapit ko dito.

Nilingon ako nito. "I will stay here for a while--" malungkot na sabi nito.

"Okay--" sabi ko. Nag aalala man ako pero hinayaan ko ito sa gusto nya. Bago ako tuluyang umalis, muli kong sinulyapan si Sean at naisip ko..mahal talaga nito si Ella.

Pagdating ko sa house kaagad kong binuksan yung sobreng bigay sa akin ni Tita Loris. Galing iyon kay Ella para sa akin.

"Kanna, Ella wanted to have you this--" saka iniabot sa akin ni Tita ang isang sobre.

"Thanks po Tita--"

"Wala na si Ella--" sabi nito saka umiiyak.

Mahigpit ko iyong niyakap. "Nandito lang ako Tita. You can always call me anytime--"

"Yeah, I still have a daughter--" sabi nito.

"Oo naman po--" ngiti ko dito.

Umupo ako saka binasa ang sulat.

Dear Sissy,

I'm sorry for everything that I have done.
I know kahit pilit mong itago, i know you love Sean. Pero naging selfish ako, I ignore your feelings and the worst...I took him away from you. Ganoon yata kapag in love, nawawala sa sarili. I'm sorry that I betrayed you and I lied to you as well. Na angkin ko man si Sean but never his heart. I know Sean still love you. Mag sisisi man ako..it's too late na. Kaya nga siguro pinarusahan ako sa ginawa ko. Pero I know naman na I deserved this. I don't know kung mapapatawad mo ako but I really want you to be happy Sissy. I want you and Sean to be happy thats the only way I can forgive my self.
                                                          Ella

Nanginig ang buo kong katawan, hindi ko naiwasang maluha. I was so shocked! Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong maramdaman o kung ano ang dapat kong  isipin.

Mahal ako ni Sean?
Hindi ako makapaniwala!
Totoo ba iyon?
Hindi ko nga alam kung matutuwa ba ako sa nalaman ko, or magagalit dahil I was betrayed by my Best Friend?
Bigla tuloy akong naguluhan.
Pero dapat, I should be happy right?
Mahal ako ni Sean, iyon naman talaga di ba ang gusto ko, ang pinapangarap ko.
Pero how can I be happy kung nagluluksa ang puso ko?
I know naman na minsan talaga may dapat mag paraya para sa happiness ng iba pero is it too much na life ni Ella ang kapalit?
Everything has a reason daw kaya nangyayari ang mga bagay but I dont really understand it!

Minsan talaga, mapag biro ang tadhana.

I dont understand, biro should be funny right? But this kind of biro...nakakasakit!

Knowing that Sean has feelings for me, paano ko ngayon ito haharapin? How should I act kapag kaharap ko ito!

Ah! This is freaking me out!

Dear Diary, wala na sigurong sasakit pa na ihatid mo sa huling hantungan ang isang taong mahal mo at naging bahagi na ng buhay mo. And this is the most painful goodbye kasi alam ko I can never say Hello to her again😢
And about the shocking revelation? Shocked pa rin ako😱

Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon