Chapter 3

191 20 0
                                    

1st year College ako non.
1st day of school.
Nagmamadali ako kasi late na ako sa first subject ko. Halos lumipad na nga ako eh!
Tapos bigla akong nadapa! As in sumemplang talaga ako at nagkalat ang mga  gamit ko.

Hiyang-hiya ako! Pinagtitinginan nila ako, ang iba pa nga'y natatawa pa.

"Kakahiya!" sabi ko saka isa isa kong dinampot ang mga nagkalat kong gamit. Natigilan ako ng may isang paris na mga kamay ang dumampot din ng gamit ko.

Tiningala ko iyon. Hindi ko alam pero tila natulala ako! Hindi ako nakakilos!

Alam mo yung feelings na biglang dumating ang super hero mo to rescue you!

Ah, ito ba yung sinasabi nilang Love at first sight?

At nung nagsalita ito...para akong nakarinig ng love song!

"Are you okay?" tanong nito.

Tumango ako, kasi parang walang tinig na gustong lumabas sa bibig ko.

Kaloka! Para akong napipi!

"Are you sure? Your not hurt somewhere?"

"Ahm....I'm okay!"

Iniabot nito ang mga kamay sa akin. Nanlalamig at nanginginig kong inabot iyon.

"T-thanks!" ngiti ko dito.

"Be careful next time!" sabi nito saka nag paalam na. Sinundan ko iyon ng tingin.

"Thanks again!"

Huminto iyon saka lumingon.

"Dont mention it!" sabi nito saka nagpakawala ng matamis na ngiti.

Oh my god! Yung puso ko nag lulumpasay na sa sobrang kilig!

Kalma puso! Kalma!

"Sino kaya sya? Sayang hindi ko man lang nakuha yung name nya" may pang hihinayang sa tinig ko. "Sana, mag cross muli ang landas namin"

"Oh my god! Late na ako!" bigla kong naalala kaya dali-dali akong tumakbo papasok ng room namin.

Dear Diary, totoo pala ang love at first sight! Today, I met him! My hero!😍

Kanna's Diary (Ang Diary ng Broken Hearted) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon