FBAL 1

72 6 2
                                    

Taking a bath in a gold bathtub.

Someone have to wear the shoe for him.

Wearing a black suit that really suits him.

Walking in the red carpet through his Lamborghini.

"Start the car." He said that automatically started the engine. He faced in his mirror, looking at his own precious face and drive afer.

Laila's POV

Worst nightmare.

Pupunta kami ng Korea!!! Makikita ko Ang Bangtan Sonyeondan BTS for short! Si V!! Ang pinakagwapo sa balat ng lupa! Si JHope na sunshine ko! Ang daydream ko!!!! Maygas!!

"Nightmare nga ba talaga?! Parang hindi kasi eh."

Sino yun? Ako lang naman mag isa sa kwarto ko. Lah. Di Kaya.....

Multo!!!

"Hoy gaga. Ganda ko namang multo. Ako to!" Ayy. Si Maricar pala. Maricx tawag ko sa kanya dahil sobrang haba ng pangalan niya tinatamad ako. Andun siya sa bintana ng kwarto nakasilip.

"Ginagawa mo jan?" Tanong ko. "Bigla bigla ka kasing nagsasalita jan yung boses mo nakakagulat."

"Well I just wanna let you know that-" nilagay ko yung hintuturo ko sa bibig niya para pigilan siya.

"Wag ka mag English. Wala pa ko sa Korea." Sabi ko.

"Hehe nadala lang ng emosyon. Sasabihin ko lang naman sayo na sasama ako! Oo Laila pupunta rin ako ng Korea!" Sabi niya na parang enjoy na enjoy.

"Jinja? Wae? P- pano? Saang bangko ka nagnakaw?" Pagtataka ko.

"Sama mo naman. Sa world bank ako nagnakaw." Kapilosopohan ng gaga. Inirapan ko nalang siya. Sablay eh. "Uyyy joke lang! Siyempre sabi ni mama mo wala kang kasama dun kaya sinagot na ng mama mo yung flight ko at yung pag aaral ko sa Korea. Kaya pareho nating makikita ang BTS at siyempre, si JIMIN! Yung abs niya pagnanasaan ko sa personal bes like you know, malapitan." Tsk. Akala naman niya lalapit sa kanya si Jimin at pupunta kami ng Korea para sa Bangtan.

"Hoy chaka mo naman para lapitan ni Jimin. At tsaka ano sa tingin mo goal natin dun? Concert ng bts? Pag aaral bes! Pag aaral!" Pangangaral ko sa kanya. Chaka kasi masyadong feeling.

"Pag aaral. Kung pagnasaan mo nga si V tsaka si Jhope kanina sobra sobra eh." Bulong niya pero narinig ko.

"Hindi ako bingi narinig ko yun.". -____-

"Jusme! Oo na sige. Ayusin mo na yung gamit mo at mamayang hapon na yung flight. Annyeong!" Sabi niya sabay wave at talon sa bintana. Ugali niya yun. Bata palang kami yun ang entrance niya. Kaya ayaw niya na maalilabok yung bintana pangit daw ang entrance niya. Abnormal.

Inayos ko na yung mga gamit ko. Kailangan ko nang mag paalam sa kuwarto kong ito.

"Mamimiss kita kuwarto ko." Sambit ko saka hinawakan ang pader at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko.

Mamaya nasa Korea na ko. Ano kaya ang magiging buhay ko doon? Maraming tao ang ipinagdarasal na sana sa Korea nalang sila ipinanganak. Pero ako makakapunta na doon. Maninirahan pa. Parang ang sarap sa feeling.

Kinuha ko yung picture frame na naglalaman ng litrato ko, ng nanay at kambal ko. Dadalhin kita, picture frame. Ikaw lang ang tanging masisilayan ko bago matulog. Hindi kita iiwan dito.

Outside the house...

"Sige nak. Mag aral ka ng mabuti don. Remember that its for your future. Arasso? (Arasso means okay)" Paalam ni mama sakin. Kasi naman 2 years nalang para makapag graduate na ko inilipat pa ng Korea

"Ne. Annyeong eomma! Saranghaeyo!(Yeah. Bye ma! I love you!)" Paalam ko habang sumasakay sa van. Si Maricx andun agad. Excited lang naman siya kaysa sakin kase nalibre.

"Maricx si Laila ah! Lam mo na!" Sigaw ni mama.

"Opo tita. Itatali ko po siya. Annyeong!" Langya to torture ba plano nila sakin kaya pinasama si Maricx?

Sumakay na ko sa sasakyan matapos ilagay ang mga bagahe sa likod ng kotse. Pumasok na rin si manong driver saka na umandar yung sasakyan.

Habang umaandar yung sasakyan ay nakatingin ako sa bahay habang papalayo ng papalayo at papaliit ng papaliit.

"Bahay ko. Mamimiss kita. Saksi ka sa pagkabata ko ng ilang taon. Ngayon lang ako mawawalay sayo ng matagal. Babalik ako pangako." Bulong ko habang nakatingin pa rin sa bahay kahit hindi ko na gaanong maaninag.

Korea. Laila wag mong sayangin ang pagkakataon. Hindi lang siya basta basta Puerto Princesa, Baguio, Tagaytay. This is out of country.

Korea? Here we go!!!!!



Note:/ the next chapter publishing would be on Wednesday. Hintay lang kayo nag aaral pa Kasi ako eh. Malapit na naman ang bakasyon konting tiis( kung may nagbabasa man. ) annyeong!

Forgettable Ba Ang Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon