Maricx' POV
Alas cuatro na ng madaling araw. Nakuha na raw yung gown na binili namin ni samchon na susuotin mamaya ni Laila at diniretso sa reception. Siyempre kasi dapat bongga! Debut na eh. Masquerade party ang tema ng kaarawan niya. Oh di ba birthday ko rin pero walang sorpresa sakin? Hahaha siyempre si bida ang focus natin ngayon. Di naman ako humihiling ng magarang birthday. Para kasi sakin, ayoko maging prinsesa. Gusto ko maging isang normal na nilalang.
Si Laila tulog pa. Kaya ako, naligo na ko. Nag ayos ng mukha. Siyempre ang tunay na makeup hindi mo dapat gawing coloring book ang mukha. Simpleng liptint, eye mascara, eye liner at isang bonggahang pag ukit lang ng kilay sapat na.
"Hindi halatang nadagdagan ng isang taon ang edad mo, Maricar. Ang ganda mo parin." Banggit ko habang nakatingin sa salamin. Nagbihis lang ako ng royal blue fitted dress na off shoulder. Itinirintas na pakorona ang hair, bongga! Tapos na. Hala! Inabot pala ko ng 6 o' clock!
"Taray ng aura mo, ah. Saan punta mo? May kalandian ka na ba?" Gising na pala tong babaitang nilalang na to.
"Baliw. Maligo ka na. May pupuntahan tayo." Pagyaya ko sa kanyang maligo.
"Huh? Alas sais pa lang? Saan naman tayo pupunta?" Tanong niya.
"Sa kanto. Basta maligo ka na dami mong tanong." Banggit ko sabay tapon sa kanya ng tuwalya niyang nakakamatay na kulay pink.
"Tanga naman nito. Magbibigay ka ng tuwalya wala pang damit." Reklamo niya.
"May kamay at paa ka. Usong gamitin."
"Ano ba yan." Reklamo niya sabay bukas ng cabinet niya. "Wag mong sabihing dress din ang susuotin ko?"
"Bakit? Gusto mo bang matalbugan kita?" Tanong ko.
"Alangan hindi!" Sigaw niya sabay kumuha ng damit. "Mukha ko palang talo ka na."
"Bago mo sabihin yan maghilamos ka muna."
"Sabi ko nga." Banggit niya tsaka pumunta ng CR. Napakadaming arte talaga ng babaitang to.
Laila's POV
Sabihin niyo nga sakin, saan ba talaga kami pupunta? Pinagmamadali ako eh. Pati ba naman pagligo ko pinapakialaman. Nakakainis. Simpleng ligo lang tuloy ako di ako nakapag swimming sa bathtub. Naku! Kumukulo na talaga ulo ko. Lumabas na ko matapos kong magbihis.
"Oh? Bakit ganyan suot mo? Talagang matatalbugan kita niyan!" Tanong ni Maricx.
"Tanga matagal na kitang natalbugan mukha palang!" Sigaw ko.
"Hays ang ganda ko tignan tapos ikaw para kang magsisimba? Bes nasa Korea ka!" Sigaw ni Maricx saka pumunta sa cabinet ko at kumuha ng damit. "Oh! Ayan! Yan suotin mo!" Sabay hagis sakin ng damit.
"Hoy. Sabihin mo nga sakin. Sasayaw ba tayo sa bar at ganito ang susuotin ko?" Tanong ko sa kanya.
"Walang nagsusuot ng formal sa isang bar. Magbihis ka na!" Sigaw niya sabay tulak sakin sa CR. Saan ba talaga kami pupunta?! Hays nakakaloka.
Denzel's POV
"Eunchae, it's your birthday today, right?" I asked.
"Yeah." She answered. "But I think I should just go to the mall."
"But it's your debut today. Don't you want to celebrate?"
"It's just an addition to my age. My real birthday is January 1, right?" She answered.
"As you said. But I have a gift for you." I said as I got her gift.
"Awwwww. Thank you, Dad." She said as she opened and saw a neclace. "It's beautiful."
BINABASA MO ANG
Forgettable Ba Ang Love?
Fiksi RemajaFind out how strong heart will be if mind forget a memory heart create. Highest Rank Reached: #7 in SCHOOLROMANCE