Laila's POV
Sa isang linggo na kami mag aaral. Sabi ni papa may service daw kami dahil di namin kabisado masyado yung daan. Ayaw naman niya na mag commute kami ni Maricx. Papayag daw siya pag nakabisado na namin yung daan. Pano namin malalaman eh nasa kotse kami? Hindi naman yun masyadong open window na gaya ng jeep, o kaya tricycle o pedicab. Mahihirapan kami makabisado agad. Siyempre kasi ayoko naman iasa sa kanya lahat. Baka pagyabang niya sakin na pinag aral niya ko at pinakain sa Korea pag nag away kami.
Di ko gusto si papa. Kase sabi ni mama iniwan niya kami nung two years old palang ako. Pinagpalit na daw kami ni papa sa ibang pamilya. Ni singko wala siyang binigay nung bata ako para makatulong kay mama na magpalaki sakin. Ngayon daw siya bumabawi. At ano sa tingin niya sa pamamagitan ng pera niya magugustuhan ko siya? Pagkatapos ng ilang taon?! Aba aba di pwede yun. Si mama naghirap siya hindi? Madali lang sa kanya ang pera. Sa lagay ng buhay namin ni mama dati hindi ganun kadali. Kaya wag siyang mag inaso na magugustuhan ko siya gamit ang mga luho na binibigay niya.
Andito kami sa mall ni Maricx. Nag iikot ikot kami para minsan punta punta kami dito. Siyempre para makabisado. Naghahanap na rin kami ng hair accesories gaya ng hairband at ponytail. Yun nalang kase ang kulang sa bahay. Siyempre para first day of school pa lang maganda kami pareho.
"Maricx, bagay ba?" Tanong ko habang nakatingin sa salamin at suot ang isang flower hairband.
"Papasok ka ba o aattend ng kasal?" Tanong niya na kinasimangot ko.
"Eh ano sa tingin mo bagay sakin? Ikaw nga mamili. Basta gusto ko pink." Tumingin tingin siya sa mga pink na hairbands. Kinuha niya yung pink na hairband na may ribbon sa gilid tapos black yung sides. Sinuot niya sakin.
"Ayan. Bagay sayo yan." Pagtingin ko sa salamin, bagay nga. Simple lang ako tignan.
"Bagay nga. Galing pumili ng bestfriend ko!" Sambit ko sabay apir naming dalawa.
"Siyempre ako pa. Ikaw naman mamili ng sakin. Di ako loyal sa blue. Basta mamili ka ayoko ng pink." Bakit ayaw niya ng pink? Maganda kaya yun!
Namili ako hanggang sa nakuha ng atensyon ko yung hairband na pa- braid style na kulay gray na may black. May maliliit na flowers na nakaipit sa mismong braid. Katulad siya ng buhok ni Maricx. More on gray and partly black. So kinuha ko.
"Ayan. Bagay sayo yan." Sabi ko sabay suot sa kanya.
"Di ka mahilig sa bulaklak, ano? Pero in fairness, bagay." Sabi niya sabay pacute sa salamin.
"Kakulay kasi siya ng buhok mo. Tamang tama lang. Ayaw mo naman i-braid yung buhok mo." Sambit ko habang hinahawakan yung buhok niya.
"Bumili tayo ng ponytail tapos bayaran na natin sa counter."
"Sige." Namili na kami ni Maricx ng ponytail tsaka binayaran lahat ng napili namin.
Bumili kami ng ice cream tsaka naglakad lakad. Baka kasi matukso kami na bumili. May nakita kaming amusement center. Or should I say, palaruan. Niyaya ko si Maricx at naglaro kami. Basketball, dance craze, barilan, claw machine, almost lahat na yata ng klase ng games dito sinubukan namin pareho. Tuwang tuwa kami.
"CR tayo." Yaya niya." Naiihi ako eh."
At dahil bestfriend goals kami, di ko hahayaang siya lang ang pumunta dun. Siyempre ako rin, noh. Hinintay ko nalang siya sa mismong pintuan ng comfort room ng babae.
May bigla akong naaninag na babae. Nakasalamin siya. Baliw ba siya o bulag? Fashion ba sa Korea ang magsuot ng sunglasses sa loob ng isang mall? Gawin ko nga yun. Mahaba ang buhok niya. Hanggang bust. May dala siyang maleta. Nakaupo siya sa mga upuang nakahilera sa tindahan ng Ice cream. Unti unti niyang tinatanggal yung salamin niya nang biglang....
"Laila!" Tinawag ako ng baliw na to.
"Bakit?!"
"Tapos na ko. Tara na uwi na tayo. Sino yung tinitignan mo jan?"
"Ahhh.. Wala! Wala akong tinitignan nakatulala lang ako ang tagal mo kasi." Tumingin ako ulit sa lugar kung saan ko siya nakita pero wala na siya. Ano yun, multo? "Uwi na tayo."
Naglakad na kami papuntang parking lot at pinuntahan yung kotse nung driver namin. Umuwi na kami ni Maricx.
Pagdating namin sa bahay naabutan namin si Papa.
"Oh. You came at the right time. I'll go. I have an emergency meeting on my work. Did you enjoy?"
"Of course, we did. Sir Denzel, thanks for everything. We appreciate it so much."
"You're welcome, Maricx. I hope you stay with my daughter all the time. Take care of her."
"Papa! Im not a kid anymore. I don't need a yaya. She's my bestfriend. She don't need to take care of me." Pagrereklamo ko sabay kurot ni Maricx ng tagiliran ko. Tinitigan ko nalang siya.
"Ahhm. Sure, sir. I'll take care of her including her mouth. Hehehe." Lalong sumama yung titig ko sa kanya.
"Don't call me, Sir. Call me Samchon (uncle in Korean). " hah! Samchon. Jusme.
"Okay. Ahehehe. Samchon." Sambit niya saka mailang ilang na tumawa.
"Anyway, I have to go. Annyeong." Sabay alis niya. Nakikita ko parin si Maricx na winawagayway yung kamay niya.
"Pfft. Wala na. Nasa labas na. Kaway kaway ka pang nalalaman." Bulong ko sabay palo sakin ni Maricx. "Argh! Nakakadalawa ka na ah!"
"Kung ano yung ginagawa ko sayo, deserve mo yan. Galangin mo naman papa mo kahit papano." Sabi niya sabay higa sa higaan niya.
"Hays. Samchon?? Adik ba siya sa KDrama? Hahaha!" Tawa ko ng malakas.
"Ewan ko ba kung may saltik ka o ano. Bahala ka nga jan matutulog na ko." Sambit niya saka nagtalukbong ng kumot.
"Edi matulog ka." Bulong ko sabay patay ng ilaw at humiga sa kama ko. Tinignan ko yung picture frame at kinuha ko pati yung bunny ko.
"Mama. Miss na kita. Miss na miss. Wag kang mag alala. Mag aaral akong mabuti. Pauupuin kita sa isang yayamaning upuan. Etong yaman ni papa? Pag nakapagtrabaho na ko, hihigitan ko to. Patutunayan natin sa kanya na dapat tayo ang pinili niya kesa ang babae niya. Ikaw rin kambal. Sana kung nasaan ka man, masaya ka. Di ka naghihirap. Sana nakilala kita. Siguro kung ganun naging close tayo. Mahal na mahal ko kayo ni mama. Tiis tiis muna." Sabi ko at nilagay ko na yung frame sa table.
"Goodnight."
Eun Chae's POV
"Where is he?" I took a look at my clock and saw the time. He's late. I release my glasses when I see him.
"Mianhe, Eunchae. I have lots of work."
"*Sighed* Anyway, I want to go home. Let's order spicy chicken, dad. Let's eat."
"Let's go?" He said as we went to the parking lot and entered his car.
A/N: Kailan kaya mapapatawad ni Laila ang papa nitong si Denzel? Sino si Eunchae sa istorya? Malalaman sa susunod na mga kabanata. Tutok lang!
BINABASA MO ANG
Forgettable Ba Ang Love?
Teen FictionFind out how strong heart will be if mind forget a memory heart create. Highest Rank Reached: #7 in SCHOOLROMANCE