FBAL 19

8 1 0
                                    

Umaga na. Back to reality kasi may pasok na naman. Tapos na ang buhay prinsesa ko. Kauugaliang gawin ulit ang weekday routine. Gising, Ligo, kain, bihis, ayos gamit. May naiba nga lang dahil simula ngayon, magbibisikleta na kami papunta sa Northshire University. Wala na si manong driver. Tinanggal na kaya siya ni papa sa trabaho? Baka naman hindi. Sabi niya matagal na siya sa bahay. Sana may trabaho pa rin siya.

Sinuot ko yung kuwintas na binigay sakin ni Taeshin. Naka Hangul na name ko ang pendant.

"Ang ganda." Pagpuri ko habang nakatingin sa salamin at lumabas ng CR. "Tara na male- late na tayo." Pagyaya ko kay Maricx.

"Anong male- late? 30 minutes pa bago yung time ah." Pagrereklamo niya.

"Hello? Hindi na tayo naka kotse. Naka-bike na tayo." Pagdadahilan ko.

"Pero masyado ka namang OA. 30 minutes pa oh." Dugtong niya.

"Basta tara na!" Sigaw ko tsaka hila sa kanya palabas ng bahay. Binubuksan ko na yung kandado ng bike ko saka ako sumakay. Siya naman tinatanggal pa lang.

"Hoy hintayin mo ko!" Sigaw ni Maricx nang pinaandar ko na yung bike ko.

"Woooohhh!" Sigaw ko saka lang nakahabol sakin si Maricx.

Nandito na kami sa bandang tulay. Ang sarap ng hangin! Mas masayang ganito kaysa sa nakasanayang kotse. Sa kotse kasi madilim. Pero pag ganito makikita mo kung gaano kaliwanag ang mundo sa tuwing sasapit ang pagsikat ng araw. Napakasaya ko. Pababa na yung daan. At sabay kaming sumigaw ni Maricx. Halatang mga ignorante eh. Hahaha. Pinagtitinginan na kami ng mga tao sa gilid ng bike lane. Hahaha wala kaming pake!

Mga ilang minuto lang ang nagdaan ay andito na kami sa school. Ini-park na namin ang mga bike namin sa bike parking lot.

"Oh tignan mo! 15 minutes lang dumaan masyado kang nagmamadali." Inis ni Maricx.

"Haha okay na yun. Tara may pupuntahan tayo." Banggit ko saka ko siya hinila ulit at piniglas niya ang kamay niya.

"Oo na. Pwede naman siguro akong sumama sayo nang hindi mo ako hinihila, di ba? Ano ako, maleta?" Reklamo niya.

"Haha sabi mo titignan mo kung may tae akong matatapakan. Tsaka sabi mo sabay tayong guguhit ng mundo di ba? Ang drama mo! Hahahah." Sigaw ko saka ako tumakbo at hinabol niya ako.

"Hoy buwisit ka nagbukas ka na ng regalo sabi ko sabay tayo!!!" Sigaw niya habang hinahabol ako.

Classroom.

At siyempre andito na kami. Wala pang tumutunog na bell. Kaya hinila ko si Maricx sa locker niya.

"At bakit mo naman ako hinihila sa locker ko?!" Sigaw niya.

"Bakit hindi mo buksan?" Tanong ko.

"Waaaaahhh!!" Sigaw niya nang makita ang gift ko saka ko naman tinakpan yung bibig niya.

"Wag kang maingay. Pagkakaguluhan nila yan." Bulong ko.

"Sa lahat ba naman ng puwede mong paglagyan sa locker ko pa?!" Reklamo niya.

"Pag sa bahay kasi makikita mo agad. Saka kakalagay ko lang niyan nung Linggo. Bago kami dumiretso sa grand ball ni Taeshin kaya buhay pa yan. Bakit hindi mo pakainin?" Tanong ko saka ako kumuha ng pagkain ng hamster sa bulsa ko.

"Aww. Thank you, Laila!" Pagpapasalamat niya saka ako niyakap.

"Baliw wala pa yan sa art supplies na gift mo." Banggit ko.

"Ewan ko sayo basta aylabet!" Buti naman nagustuhan niya yang dagang yan. Kasi kahit labag sa kalooban kong may daga na sa bahay binili ko pa rin yan. Gusto niya yan eh.

Forgettable Ba Ang Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon