Laila's POV
After sumakit nung ulo ko, nagpunta kami ni ate Maricx sa canteen. Waaaahhh unang tingin mo pa lang sa pagkain nakakagutom na!
Tinuro ko ng tinuro lahat ng pagkain na gusto kong matikman. Sa totoo lang di ko alam yung lasa nung iba pero bakit di natin subukan? Hahaha.
Nagsisimula na kami maghanap ng upuan ni Maricx nang maka encounter kami ng babaeng umiiyak na sa harapan ng lalaki.
"Anong nangyayari?" Tanong ni Maricx saka kami lumapit para makita namin kung anong nangyayari.
"Do you even understand what I mean? You can't pay for this. Even you pay me with your stupendous body that wouldn't help." Masungit na sagot nung lalaking nakaputing coat sa harapan ng babaeng umiiyak. Wait siya ba yung lalaking nakikipag away kanina sa tapat ng classroom kanina?
"Please. I will do anything. Please forgive me." Hala anong nagyayari? Para siyang ibang lahi at slang siya magsalita ng English. Bigla kasing nag bow yung babae sa kanya ng paulit ulit habang nakaluhod.
"Anything?" Tanong nung lalaki.
"Yes. Anything. Please forgive me." Sagot nung babae habang pinupunasan yung mata niya. Ang dumi na niya dahil may mga mantsa ng pagkain sa damit niya. May konting mantsa rin sa damit nung lalaki.
"Fine. Clean this by your tears." Utos nung lalaki. Wait what?!
"What?" Mahinang tanong ng babae.
"Clean this using your tears. If that helps then fine, I'll let this pass. But if it doesn't, you know what will happen." Ano?! Gusto niya ba na ipasubok ko sa kanyang umiyak ng baldeng luha para linisin yung pinagreglahan ko? Kasi ganun kahirap yung pinapagawa niya. Tsaka bakit sobrang naiiyak yung babae eh siya yung mas natapunan?! Di namin deserve na iyakan ang taong walang respeto at di marunong magpatawad sa simpleng bagay.
"Laila umalis na tayo." Paghila sakin ni ate Maricx pero piniglas ko yung braso ko sa kanya at inilapag ko yung pagkain na hawak ko sa lamesang katabi ko.
"Bantayan mo to." Mahina kong sabi dahil nagtitimpi talaga ako. Naglakad ako papalapit sa babae kahit naririnig kong pinipigilan ako ni ate Maricx sa pagpunta sa kanila.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya habang tinutulungan siyang pagpagin yung pagkain na nasa damit niya gamit ng panyo ko. Kada pagpag ko nabubuhos hung bawat galit at dabog ko di lang dahil sa lalaki. Dahil ito yung panyong pinampunas ko kay Taeshin! Sarap sanang itago eh!
"Yeah." Sagot niya. Tinulungan ko siya tumayo at pinagpagan ko yung palda niya. Yung mga taong nasa paligid naman mga walang awa tinitignan lang kami.
"Don't mind what he said. Go away and clean yourself." Sambit ko sa kanya saka siya tumakbo ng sobrang bilis papalayo sa lugar na to.
Unti unti naman akong lumingon sa lalaking inapi yung kawawang babae at pareho kaming nagtitigan ng masama.
"Di ko alam but why are you fighting with a girl? Are you even a man?!" Sigaw ko sa kanya.
"And why are you minding other people's business?" Tanong niya. Aba sinasagot ako ng pabalang nito ah.
"Because I have the most valid reason to do this. She's already covered in her own food while you've just been stained a bit on your coat but have the right to do that?! Napakawala mong puso!" Sigaw ko.
"So now it's my fault?" Tanong niya saka siya tumalikod. Maglalakad na sana siya papalayo nang hinila ko yung braso niya at hinawakan yun ng mahigpit. Tinitigan ko yung mga mata niya ng masama.
"I don't care who freaking you are that made my head ache inside the classroom. But even I don't know who you are, I want you to know that I don't care about your identity if you hurt anyone here again." Bulong ko sa kanya na may halong napakapurong gigil saka ko siya inirapan at naglakad ako papunta kay ate Maricx.
BINABASA MO ANG
Forgettable Ba Ang Love?
Ficção AdolescenteFind out how strong heart will be if mind forget a memory heart create. Highest Rank Reached: #7 in SCHOOLROMANCE