Maricx' POV
"Mga anak! Kumain na kayo." Pagyaya samin ni Mama. Ansarap ng feeling na may naghahanda ng pagkain mo habang naliligo ka palang. Bawas trabaho.
Ang sarap pala ng may magulang.
"Susunod na po!" Tugon ko habang sinusuot na yung uniform ko sa CR saka lumabas.
"Ikaw Laila kumain ka na rin." Pagyaya rin ni mama kay Laila.
"Opo Ma." Ilang linggo rin lang lumipas since nagsabay kaming kumain ni Laila. Ang sarap sa pakiramdam na kasama namin siya ulit. Kaso nakakalungkot kasi may kulang...
"Ang saya po siguro natin palagi dati kasi sabay sabay tayo kumain." Nawala yung alaala niya. Sabi nung doktor nakakaranas siya ngayon ng amnesia. Hindi namin alam kung kailan babalik o kung babalik pa ba. Napatahimik naman kami ng ilang segundo habang si Laila nakangiting kumakain.
"Wag ka mag alala. Sabay sabay tayong kakain araw araw." Nakangiting sambit ni mama. Napangiti naman siya saka kumain.
_____________________________
"Ingat kayo!" Pagpapaalam ni mama saka kami lumabas ng bahay. Kumaway naman kami kay mama bago kami sumakay ng kotse.
Nagbalik yung driver namin at yung kotse na sinasakyan namin papuntang school noon. Hindi na kasi maalala ni Laila yung daan papuntang school. Di na rin niya kayang mag bike. Di ko rin naman siya kayang iangkas kaya pinagkotse nalang kami ni Papa. Haha nakakailang pa ring tawaging Mama at Papa ang mga magulang ni Laila. I mean ang mga magulang ko.
Ilang minuto lang nandito na kami sa school. Mas mabilis pa rin talaga kapag nakakotse. Nauna siyang lumabas ng kotse at dahil ako ang nahuli sinarado ko yung pintuan. Napatingin naman ako sa kanya na tulala dito sa parking lot. Nagtataka naman ako kung bakit. Para tuloy siyang batang nangangarap lang na makapasok ng eskuwelahan pero walang pera. Hahaha.
"Baka matunaw yan. Tara na." Pagyaya ko sa kanya pumasok saka ko siya inakbayan at pumasok na kami sa loob.
"Dito ba talaga tayo nag aaral, ate Maricx?" Tanong niya sakin. Hahaha nakakailang pa ring tinatawag niya kong ate.
"Oo nga. Kulit neto." Naiirita kong sabi. Pano ba naman kanina pa niya ako tinatanong.
"Pasensya na ah. Di pa rin kasi ako makapaniwala." Nakangiti niyang sabi. Na miss ko ng sobra yung ngiti niya.
"Huwag kang mag alala. Ililibot kita dito mamaya." Sabi ko dahilan para mapangiti siya ng sobra.
"Talaga? Malilibot natin yung lugar na to mamaya?" Tanong niya pa. Hahah parang hindi naman siya makapaniwala.
"Oo ba. Pupuntahan natin bawat sulok ng campus."
"Haha di ako makapag hintay." Sagot niya saka ako natawa. Para tuloy siyang ignorante. Sabagay, wala nga pala siyang maalala. Hahaha.
Naglalakad na kami sa hallway at napapansin kong nagbubulungan yung iba. Antagal na rin kasi since pumasok si Laila. Marami na siyang kailangang habulin. Kaya dapat ko pa siyang tutukan dahil malapit na ang examination. Sa wakas nakarating na rin kami sa classroom. Naglakad ako papunta sa upuan ko at sinimulan ko nang umupo. Nagulat naman ako nang wala si Laila sa tabi ko. Nakatayo pa rin siya sa harapan ng mga upuan at nakatingin sakin. Oo nga pala hindi niya alam saan siya nakaupo. Tumayo ako para lumapit sa kanya pero tinabig siya ng kaklase ko gamit ng bag niya at natumba si Laila. Agad naman ako lumapit sa kanila.
"Oops. Sorry. I just feel like it's much better if you're not here." Nakangisi niyang sambit saka kami tumayo ni Laila.
"Do you want to spend the whole day with ripped uniform? Just tell me. I'll design it for you." Kalmado kong tanong habang pinapatunog yung mga daliri ng kamay ko sa harapan niya habang nagtitimpi. Inirapan lang niya ko saka pumunta ng upuan niya. Sarap dukutin ng mata mo teh. Singkit ka na nga iirapan mo pa ko edi nawalan ka talaga ng mata.
BINABASA MO ANG
Forgettable Ba Ang Love?
Teen FictionFind out how strong heart will be if mind forget a memory heart create. Highest Rank Reached: #7 in SCHOOLROMANCE