Laila's POV
I once dream to have a prince charming. I have dreamt being Aurora of Sleeping Beauty which kissed by a prince charming and open its eyes. And it granted before.
PAST' POV
Ang pamilya nina Laila at Maricx ay nasa isang beach. Dito sila nagdiwang ng ikalabing isang kaarawan ni Laila. Pagkarating na pagkarating nila, namangha ang dalawa. Nanlaki ang mata at napabilog ang bibig dahil sa mangha.
"Magbihis na tayo?" Tanong ni Maricx kay Laila.
"Tara!" Sabay takbo ng dalawa papunta sa kubong nagsisilbing palikuran.
"Mag ingat kayo!" Sabi ng mama ni Maricx.
Pagkatapos na pagkatapos magbihis ng dalawa tumakbo na sila papuntang dagat dala ang kanilang salbabida. Agad agad tumalon si Laila na tuwang tuwa. Sumunod naman si Maricx. Naglaro ang dalawa ng sobrang saya. Inenjoy nila ang paglalaro sa tubig.
"Punta tayo sa bandang dulo?" Tanong ni Laila kay Maricx.
"Ihh. Di ka nga marunong lumangoy eh. Di kita kaya."
"Tara na! May salbabida naman ako eh!" Sabay hila niya kay Maricx medyo kalayuan sa pampang. Sa parte ng dagat na ulo nalang nila ang nakalutang halos.
"Laila, delikado na dun. Hanggang dito nalang tayo." Sambit ni Maricx kay Laila.
"Hmmm. Oh sige. Tara paunahan makapunta sa pampang?" Paghamon ni Laila.
"Sige ba. Tanggalin mo salbabida mo! Di ka na bata. Bibilang ako ng tatlo-"
"Wala nang ganyan!" Sabi ni Laila sabay langoy papuntang pampang.
"Uyy hintayin moko!" Sabay langoy rin ni Maricx.
Huli mang lumangoy si Maricx, nangunguna siya kay Laila. Tuwang tuwa si Maricx. Sa gaslaw ng paglangoy ni Laila, namulikat ang paa niya. Tumigil siya sa paglangoy at hinawakan niya ang paa niya. Ngunit nasa malalim pa rin siya. Pinilit niyang palutangin ang sarili ngunit di niya magawa dahil bukod sa di siya marunong lumangoy, hindi niya maikawag ng maayos ang paa niya.
"Hah! Talo ka pala sakin, Laila! Tanggapin mo nalang na worldwide champion ang-" pagharap nito sa dagat, napansin niyang wala si Laila. Hinanap niya ito at nang naaninag niya itong nalulunod, naalarma ito. Sumigaw siya upang humingi ng tulong at lumangoy papunta sa kinaroroonan nito. Pagkarating niya'y di niya kinayang iahon siya sa dagat. Kung kaya't sumigaw siya ng sobrang lakas upang ang lahat ay mapansin sila.
Napansin ito ng isang batang lalaki na halos kasing edad nila at tumakbo papunta sa kinaroroonan ng dalawa. Hindi na nito napansing natadyakan niya ang sand castle na ginawa nito kaya nasira. Lumangoy ito ng sobrang bilis hanggang sa makakaya niya at nakarating sa kanila. Tinulungan niya si Maricx na buhatin ang nalunod na si Laila at iniahon papuntang pampang. Napansin din ito ng mga magulang nila at dali- daling tumakbo papunta sa tabing dagat.
"Laila! Lai! Lai! Gumising ka! Pakiusap! Please wake up!" Pagmamakaawa ni Maricx na gumising si Laila pagkatapos malunod sa dagat. Sinampal sampal nito ang pisngi ni Laila ngunit hindi ito gumigising.
"Let me handle this." Sambit ng batang lalaki. Umupo ito ng maayos saka tinignan kung humihinga o tumitibok ang puso nito at nagsagawa ng CPR.
Idinikit niya ang labi nito sa labi niya saka binugahan ng hangin si Laila na sadyang kinagulat ng lahat lalo na si Maricx.
Inulit niya ito ng tatlong beses at nagising si Laila. Iniluwa nito ang mga tubig dagat na nainom nito.
"Jusko po, Laila! Okay ka lang?! Hah!?" Pag aalala ng nanay nito sabay yakap sa minamahal nitong anak.
BINABASA MO ANG
Forgettable Ba Ang Love?
Teen FictionFind out how strong heart will be if mind forget a memory heart create. Highest Rank Reached: #7 in SCHOOLROMANCE