FBAL 29

6 1 0
                                    

Maricx' POV

Argh. Sobra na ata to. Hindi ako nakapasok dahil masyado akong sinisipon. Hatsing dito, hatsing doon. Barado rin yung ilong ko. Kasi naman eh. Sobrang tapang nung air freshener ni tita. Hanggang ngayon naka-stuck pa rin sa ilong ko kahit ilang beses na akong bumuga at sumingha.

"Naku, Maricx. Pasensya ka na ah. Nakalimutan ko kasing allergic ka sa matapang na amoy. Sa tagal ba nating hindi magkasama hindi ko na naalala." Paghingi ng tawad ni tita. "Hayaan mo. Hindi ko na yon gagamitin."

"Okay lang po yon, tita. Ipagdarasal ko nalang po na sana mawala to agad." Sambit ko habang nakangiti. "Tita puwede po paabot nung blade? Mag aahit na lang po ako ng kilay para malibang." Sambit ko saka niya inabot sakin.

"Gutom ka na ba?" Tanong niya.

"Ahh. Wag niyo po akong alalahanin. Sipon lang naman po ito. Mamaya pa naman po yung hapunan kaya hindi pa po ako gutom."

"Ahhh ganun ba? Basta may soup na dito kung gusto mo lang kumain sabihin mo ah. Masarap to."

"Alam niyo po talaga gusto ko." Nakangiti kong sambit saka kami natawa ng konti. Sa kalagitnaan ng pag uusap namin may kumatok.

"Huh? Sino naman yon?" Tanong ni tita.

"Baka po si samchon."

"May meeting siya ngayon." Sambit ni tita saka binuksan yung pinto. "Oh. Ikaw pala." Dagdag niya nang makita niya kung sino.

"Magandang hapon po." Pagbati niya dahilan para magtaka ako. Nagtatagalog?! Sino kaya to? "Is Kim there?"

"Ahh oo." Sagot ni tita. "Get inside." Pagyaya niya saka siya pumasok.

Laking gulat ko at nakita ko si Suho. Bigla akong nagtalukbong ng kumot para magtago. Pano ba naman magulo yung buhok ko. Puro muta. Bakas pa yung panis na laway sa mukha ko. Hindi pa ako naghihilamos. Ibinulsa ko na muna yung blade at yung salamin. Huhu di pa pantay kilay ko.

"Patay ako nito." Bulong ko sa sarili ko saka pinunasan yung mukha ko ng panyo. Eh naalala ko puro sipon nga pala to. Hala!

"Maricx. May bisita ka." Pagtawag sakin ni tita habang ako nagtatago pa rin sa kumot. Pinunasan ko nalang yung mukha ko gamit ng tshirt ko. Teka nga. Bakit ba ako nag aayos? Eh si Suho lang naman? Basta nakakahiya.

"S-Sino po tita?" Tanong ko kahit alam ko naman kung sino habang itinatali yung buhok ko. Bahala na. Tinanggal ko na yung kumot ko saka tinignan yung sala at nakita ko si Suho nga. Hindi ako namamalikmata.

"Hi Kim." Nakangiting pagtawag sakin ni Suho.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"You're absent today. I thought there's something happened so I went by." Sambit niya.

"Maricx, bibili lang ako saglit. Ikaw muna bahala dito ah." Pagpapaalam ni tita.

"Sige po tita Jannah. Ingat po kayo." Nakangiti kong sambit saka niya binuhat yung bag niya saka naglakad papuntang pintuan. Napatigil siya saka tumingin kay Suho.

"Hoy." Pagtawag niya. "Hindi porket cute ka puwede mo nang landiin ang pamangkin ko. Paghirapan mo muna." Nanlaki yung mata ko sa gulat dahil sa sinabi ni tita saka siya umalis. 

"Is she saying, I should go home?"

"N-No. Don't mind her." Grabe si tita. Buti nalang tagalog yung sinabi niya. Jusko.

"Are you sick?"

"Obviously." Sagot ko.

"Awwww. You can't cook for me." Pagtatampo niya habang naka-pout. Bakla ba to? Pero in fairness. Ang cute niya. Huh?! Nagbibiro ka ba?!

Forgettable Ba Ang Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon