FBAL 7

17 4 0
                                    

Laila's POV

Si Kambal. Alam niyo? Iniisip ko na patay na siya kasi wala man lang nag oopen up sakin about her. Pag tinatanong ko si mama o kaya si tita iniiba nila yung usapan. Hindi ko nalang binalak na itanong pa ulit dahil ramdam ko na ayaw nila iopen up yung usapan na yon. Siguro kasi baka masakit sa damdamin nila. Di ko nga alam kung anong pangalan niya, saan siya nakatira, at kung paano kami nagkahiwalay. Rather than asking her, yung pag iiba nila ng usapan di ko nalang pinapansin.

Sa school pag tinatanong kung may kapatid ba kami, palaging sagot ko ay wala. Kasi kung sabihin kong meron, wala rin naman akong maipapakita. Madadagdagan lang yung mga sasabihin ko sa teachers ko dahil magtatanong tanong sila kung nasaan yung kapatid ko. Ayoko magsayang ng laway. Maraming may kailangan nun.

Sensitive din kasi ako pag yung kapatid ko na yung pinag uusapan. Pag tinanong ako kung nasaan siya o kaya anong nararamdaman ko na wala siya sa tabi ko. Isa akong matalinong babaeng di marunong mag ayos nung Grade One. Kaya lagi akong inaasar. Dagdag mo pa yung kulot kong buhok. Minsan hiniling ko na sana andyan siya para ipagtanggol ako. Na sana di ako nag iisa. Na sana kasama ko siya. At sana naaalala niya ko. Nalulungkot ako na di ko man lang siya nakilala o kaya nakita.

Pero simula nung nakilala ko si Maricx, siya na palagi nagtatanggol sakin at siya ang nag iisang bestfriend ko. Wala kaming iwanan. Since magkalapit lang kami ng bahay, palagi niya kong pinupuntahan sa bahay para ayusan sa pagpasok sa eskuwela at makipaglaro. Palagi siyang sa bintana dumadaan. Minsan palagi niya kong pinapagalitan dahil maalikabok yun. Tsaka naiinis siya dahil pink ang kurtina. Kaya sa dalawang bintana ko sa kwarto noon, iisa lang ang may kurtinang blue at yun ang entrance niya. Araw araw kong nililinis yun. Dahil pag maalikabok yun, papaluin ako nun sa pwetan ko. Hilig niya yun. Simula nung bata pa kami ganun na siya. Tinuring ko na siyang kapatid simula non. I pretend that she is my twin sister. Kaya simula ng makilala ko siya, I don't feel alone anymore.

Nag aayos na kami ng gamit at papasok na kami sa school. Inaayos ni Maricx yung buhok ko. Itinali niya yung buhok ko na labas yung bangs ko  na medyo mahaba na tapos inilagay niya yung hairband na binili namin. Tapos na yung kanya. Nilagay lang niya yung hairband sa buhok niya. At gora! Papasok na kami.

Sa labas ay may naghihintay na itim na limousine at yun ang service namin. Sumakay na kami. At alam niyo, BTS ang tugtog sa radyo ng Korea kaya ayun. Nagwala kami ni Maricx.

Mga ilang minuto lang andito na kami ni Maricx. Sa Northshire Academy. Dito kami dinala ni Maricx dahil dito daw englishera daw yung mga tao. Di ko na daw kailangan mag aral ng Korean o kaya Hangul. Edi bongga!

Pumasok na kami ni Maricx. Same room kami sabi ni Papa. Alam naman daw niya na di kami mapaghihiwalay. Dapat lang! Andito na kami sa tapat ng magiging room namin.

"Maricx?" Nagtinginan kami na halos alam na namin pareho gagawin.

"Let the battle?"

"BEGIN." Binuksan ko na yung pintuan sabay tunog ng bell. At siyempre first day, pasikat kami. Walk like a model. At magkatabi dapat kami ng upuan. Lahat ng students nakatingin samin. Upo, sandal, cross legs. Pak ganon!

Saktong pag upo namin, dumating yung teacher namin. Binanggit lahat ng pangalan ng mga students. Karamihan pala dito, foreigner din. Nakilala ko sa pamamagitan ng pagtawag sa pangalan nila.

"Han Skymin." Walang nagtataas ng kamay. Lahat sila nagtataka. Nang biglang bumukas yung pintuan. Pagbukas ng pintuan, parang pamilyar sakin yung pumasok na lalaki. Pumunta siya sa isang bakanteng upuan. Na katabi ko.

"Wait. You look familiar." Sambit niya saka ako itinuro habang nakatingin sakin. "Never mind." Nagkita na ba kami? Parang pamilyar siya  sakin eh.

Forgettable Ba Ang Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon