FBAL 25

7 1 0
                                    

Laila's POV

"Ms. Choi and Mr. Han, we have vocal practice in the Music Hall tomorrow. I'm glad they allow us to use the Hall. So don't waste the opportunity and be responsible to attend. We're near the victory, okay?" Ma'am Do asked.

"Okay Ma'am." We responded tsaka siya umalis. Hindi ko naman inilabas yung ngiting hindi ko matago tago.

"Goodluck." Sambit ni Sky saka siya pumasok sa loob. Problema nun? Bahala nga siya. Hindi ko pa siya pinapatawad.

---------------------------------------------

Dito sa bahay...

"Ano? Musta kayong dalawa?" Tanong ni Maricx sakin habang kumakain kami.

"Bahala siya. Di ko siya papansinin." Sagot ko saka ako uminom ng tubig.

"Bakit ka niya hinila kanina?" Tanong ni Maricx.

"Nagsorry." Sagot ko.

"Oh. Nagsosorry na pala eh. Bakit galit ka pa rin?"

"Hindi naman sa salitang sorry lang mapapakitang nagsisisi ka na eh. Dapat patunayan mo." Sagot ko saka ako tumayo sa upuan ko at inilagay sa lababo ang pinagkainan ko.

"Hay nako, Laila. Nagsosorry na nga eh. Bihira lang kaya ang lalaking humihingi ng tawad. Tsaka sa bad boy pa na lalaking yun. Hindi ka ba nagulat?" Tanong niya saka ako pumunta ng lamesa ko.

"Mmmm... Medyo. Pero basta. Bahala siya sa buhay niya."

"Hays napakaliit lang ng problema niyo pinapalaki niyo." Sambit niya habang hinahanap ko yung libro ko sa ilalim ng lamesa ko. Pero may nakita akong maliit na box. Kinuha ko siya at binuksan.

"Maricx, sayo ba to?" Tanong ko saka pinakita yung box.

"Ano naman yan?" Tanong niya saka siya lumapit sakin at tinignan yung laman. "Hikaw? San mo naman nakita?" Dagdag niya saka kinuha.

"Sa ilalim ng lamesa ko. Dapat may sulat yan kung kay Sky, Taeshin o Papa naman yan." Sagot ko saka niya binuklat yung box at may nakitang sulat. Binasa namin pareho.

"Thank you for helping me from him. I can't really imagine my future with him.

-Park Suho."

"Ayieeee." Sigaw ko habang niyuyugyog si Maricx sa kilig.

"Umayos ka nga. Sasapakin kita." Sambit niya saka ako tumigil. Pero abot tenga talaga ngiti ko eh.

"Kayo ah. Wala kayong sinasabi tungkol sa.... RELASYON niyo!!" Sigaw ko saka ko siya pinalo sa balikat.

"Anong relasyon ka diyan? Gusto mo upakan kita? Ang bata bata mo pa ayan na agad nasa isip mo." Angal niya na parang siya hindi naman bata.

*phone ringing*
HanTaeTae...

Nang mag-ring ang phone ko kinuha ko ito at nakitang si Taeshin pala ang tumatawag. Bakit kaya?

"Han.Tae.Tae. Kahit kailan abnormal ka eh, noh?" Sambit ni Maricx.

"Wala namang batas na nagbabawal na bigyan ko siya ng nickname, ah." Angal ko sa kanya saka ko sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Oh, Taeshin. Napatawag ka?" Tanong ko.

"Puwede ko ba makausap si Maricx?"

"Oh, sige." Sagot ko saka ko iniabot kay Maricx yung phone ko.

Forgettable Ba Ang Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon