FBAL 14

12 2 0
                                    

Laila's POV

While Taeshin's driving, wala man lang nagsasalita saming dalawa. Nahihiya ako sa babe ko eh. Hahaha. Mga ilang minuto lang andito na kami sa sinasabi niyang lugar na nababagay yung mga luha ko.

"Ang ganda naman dito." Pagkamangha ko sa lugar na to. Puro puno na may orange o brown na dahon na kung saan naglalaglagan. Mayroon ding mga upuan parang napakaluma na at magagandang ilaw. Nakakagaan ng loob kasi nakikita ko ang mga bituin. "Hindi yata bagay ang mga luha ko dito."

"If I'm sad since I was young, pumupunta ako dito. I shout as loud as I can because no one hears me. No one sees me." Banggit niya. Maaari nga. Wala namang mga tao sa lugar na to. Pinag iwanan ba ito ng panahon?

"Hindi na kailangan. Hindi ko alam kung bakit umiiyak ka sa ganitong lugar pero, gumaan ang pakiramdam ko kasi ang ganda ng lugar na to. Salamat Taeshin."

"Ahh ganun ba? I'm glad it helps." Nakangiti niyang banggit. "If you don't mind, can you tell me why are you crying?"










Sasabihin ko ba o hindi?








Sasabihin ko ba o hindi?








Sasabihin ko ba o hindi?













Aish! Gusto kong ilabas yung nararamdaman ko!

"Wala. Wala to. You don't need to know. Baka mag alala ka lang lalo." Siguro wag nalang. Di naman lahat ng bagay kailangan kong sabihin sa iba. Minsan kailangan ko rin magsikreto.

"Laila." Banggit niya sabay hawak sa batok ko ng dahan dahan. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Ano to?! Uyy Laila gumising ka!!!

"Ayokong umiyak ka. Nalulungkot ako. Hindi ko kayang makita." Bigla akong nagulat ng sinabi niya yun. Nagkatinginan lang kaming dalawa.

"A- anong ibig mong sabihin?" Tanong ko. Hindi ko maiwas yung tingin ko sa kanya. Yung mata ko parang na- magnet na ng mata niya.

"I - I don't know. Hahah don't mind me. Nababaliw na ko." Sambit niya sabay kamot ng ulo niya. "Kasi wag ka nang umiyak. When you were crying, I always wish you don't. Gusto ko palagi ka lang masaya ah! Masaya!" Banggit niya sabay kurot ng pisngi ko. Wag ganun! Kinikilig ako!!

"Taeshin, gomawo. Salamat kasi you're here for me. Salamat kasi sinama mo ako dito. Nakakatuwa naman kasi. Kasi..." Haha sige Laila. Tuloy mo yan. Tuloy mo yan. "Ang gaan ng pakiramdam ko pag kasama kita."

"Haha ganun ba? Salamat." Banggit niya sabay ngumiti kaming dalawa. "Gabi na. Sa tingin ko hinahanap ka na ng kaibigan mo."

"Siguro." Sambit ko. Nagulat ako ng hubarin niya ang jacket niya at isinuklob sa katawan ko.

"Ayokong nilalamig ka. I want you to feel okay." Biglang uminit ang pakiramdam ko. Hindi ko maipaliwanag. Nakaramdam ako ng gulat  nang hawakan niya ang kamay ko. "Kaja? (Let's go?)"

"Sure." Banggit ko sabay lakad namin. Sumakay na kami sa kotse niya at umalis sa lugar na ito.

Maricx' POV

Alas nueve na. Dapat sa oras na to kumakain na kami ni Laila. Andito pa rin si Samchon. Nakatulog na sa sala. Hinihintay niya si Laila kanina pa di umuuwi. Hindi na niya natiis kaya nakatulog na. Ako naman, magdamag akong nasa labas kaya napagdesisyunan kong pumasok na. Malamig kaya!

Kinuha ko yung kumot ko tsaka tinalukbong kay samchon.

"Hays. Kasalanan niyo rin naman kasi bakit nahihirapan kayo ngayon." Buntong hininga ko.

Forgettable Ba Ang Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon