Chapter 3

9.5K 211 9
                                    

Chapter 3

Mia

Nasa harapan na kami ng pagkain. Ilang oras na rin ang nakalipas magmula ng makauwi kami ni Ysa pero parang ayaw kumalma ng isipan ko. Badtrip na batrip ako sa bodyguard na 'yun at hindi ko mapigilang hindi siya murahin sa isipan kapag naaalala ko ang mukha niya.

Bwisit siya.

"Mia, anong ginagawa mo sa pagkain mo?" My senses came back when Ate squeezed my hand. I absentmindedly looked at my plate and I saw my food being murdered. My lips parted and looked up to her. I gave her an apologetic smile and bowed my head again.

"May nangyari ba? Ba't parang wala sa sarili iyang Tita mo?" Rinig ko ulit na tanong niya pero kay Ysa na. Tinignan naman ako ng bata na parang inaalala ang nangyari kanina tapos bumaling siya sa kanyang ina.

"I don't know, Mommy." Ysabelle answered as her eyebrows furrowed. "Maybe she's still mad, tinarayan niya kanina 'yung guardian ni Lara." Napataas ulit ang tingin ko sa anak ni Ate Aira.

"Tinarayan?" Ate Aira chuckled then gave me glances. "Anong sinabi ni Tita Mia?" Ate asked again. Napairap ako dahil parang natutuwa pa siya sa sinusumbong ng anak niya.

"Ysabelle, you know that's not true." I told my niece in my most comforting tone. She looked at me then her Mommy.

"Well..." She said. "Lara's guardian bought me food, then Tita Mia thanked him, but I didn't see sincerity." Sumbong niya.

"Ysabelle..." I called. Medyo binigyan ko na rin ito ng seryosong tingin. Tumawa naman ulit si Ate Aira at nakitawa rin si Kuya Gelo.

"Lara's guardian...is a woman?" Ate Aira asked again.

"Ate. Alam ko ang tumatakbo sa isipan mo." Sumimangot ako at tuluyan ng binitawan ang kubyertos ko.

"Of course not. He's a man. A very tall man like Daddy. He's handsome too. He knows how to play with kids and how to comfort me." Pagbibigay linaw ni Ysabelle kay Ate.

"Oh." Ate replied then looked at me. I crossed my arms over my chest and shook my head.

"He's a bodyguard." I added. Tinignan ko rin si Kuya Gelo na nakatingin lang sa'amin at aliw na aliw sa kanilang panganay. "Kuya, I saw him in your building too. Office hours 'yun at may mga dapat pang linisin. Nakita ko siyang nakaupo sa isang sulok at naglalaro gamit ang cellphone niya." Sumbong ko. Tinignan ko ulit si Ate pero parang wala siyang pakialam sa sinabi ko.

I rolled my eyes.

"Estrella ang nakita ko sa uniform niya." I said again. Sumeryoso ang mukha ni Kuya at bumuntong hininga. I secretly smiled.

He may be a good husband and a father but he will always be Angelo Rodriguez when it comes to work. Seryoso at isa sa mga successful businessman sa Pilipinas.

"Herminihildo Estrella. He's one of our janitors." He confirmed. Napakurap ako ng ilang beses ng marinig ko ang buong pangalan niya.

What? Hermi---What? Hindi ko mapigilang hindi mapatawa. Shocks.

"Is that even a name?" I asked. Pinalo ni Ate ang kamay ko pero hindi parin ako tumigil. "Ang yabang tapos Herminihildo pala ang pangalan niya." Tumawa ulit ako.

"Sige, tawanan mo. Mamaya siya ang makatuluyan mo diyan. Magiging Mrs. Herminihildo Estrella ka." Sita ni Ate sa'akin kaya binigyan ko siya ng hindi maipintang mukha.

"Hala Ate, don't do that." I said, then knock on our wooden chair. She rolled her eyes on me so I cleared my throat.

"But he's good." Kuya Gelo said. I automatically looked up then tried to remember those times that we're on the same place.

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon