Chapter 27
MIA
Hindi ko alam kung paano kami nakarating sa bahay nila Chester. Basta kinaladkad na lang niya ako kanina at galit na isinakay sa sasakyan nito. Wala rin siyang imik kanina pa at natatakot akong magsalita. Nasa baba sina Tita Coleen at Kuya Charles. They asked him what's going on but he just ignored them and cornered me in his room.
"Chester! What the hell is going on!" Napatingin ako sa may pinto nang marinig ko ang boses at katok ni Celine.
Chester walks back and forth then massage his temple.
"Chester! Let me in!"
"Just shut the hell up! Pabayaan niyo muna kami!" Napapitlag ako sa lakas ng boses niya. Bumalik ito sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Why?" Unang tanong nito. Napayuko ako at napaluha. Narinig ko ang pagmura niya saka ako pinakawalan at ginulo ang buhok niya.
"Alam kong may problema tayo Mia pero ba't ganoon? Bakit mo ginawa 'yun? Paano mo nagawa ang ganoon?" Tanong nito ulit pero nakatalikod siya. Ramdam ko ang pagkadismaya sa boses nito pati na rin ang galit na pinipigilan niya.
"H-hindi ko sinasadya..."
"Putangina." He chuckled sarcastically. "Mia huwag mo akong gaguhin. Paanong hindi mo 'yun sinasadya e inulit niyong dalawa!" He shouted.
Napapikit ako at napalunok.
"I'm trying to clean up the mess I've made. Kahit sigurado ako na hindi akin 'yung batang pinapaako ni Celine, gumagawa ako ng paraan para walang masamang mangyari sa kanila dahil na rin sa sinabi mo. Kating-kati ako na iwanan sila dahil ikaw ang gusto kong makasama pero putangina. Putangina may ginagawa ka pala, may pinagkakaabalahan ka pala?!" Panunumbat nito sa'akin at tinaggal ang dalawang butones ng polo niya.
Wala akong masabi kundi umiyak lang. Ramdam ko ang pagsingkit ng mga mata ko dahil sa kakaiyak pero wala akong makapa na tamang salita para kay Chester. I know how he feels and I can't blame anyone but me.
"Wala akong pakialam kung ano man ang nangyari sa nakaraan mo. Alam mo 'yan. Mahal kita. Ilang ulit ko ng sinasabi ito sa'yo pero uulitin ko ulit. Uulitin ko ulit para maintindihan mo, Mia." Humarap ito sa'akin at mas lalo akong nasaktan ng makita ko ang namumula nitong mga mata, na alam kong pinipigilan niya lang na maiyak.
"Chester..."
"Mahal kita. Ako man ang unang lalaki sa buhay mo o hindi. Ano man ang ginawa sa'yo ng kapatid mo noong bata ka pa, wala akong pakialam doon. Kahit hindi mo alam kung sino ang totoong Ama mo, mahal kita. Mahal kita kasi si Mia ka. Kahit dumating ulit si Celine, ikaw ang pipiliin ko. Kasi mahal kita. Mahal na mahal kita." He said while he's looking straight into my eyes. Ramdam ko hanggang buto ang sinseridad niya.
"Chester..."
"May nangyari sa inyo? Aksidente? Matatanggap ko 'yun. Pipilitin kong intindihin ka dahil alam ko, may kasalanan ako sa'yo. I'll just convince myself that you're shock and you need companion that night. Magbubulag-bulagan ako kung gusto mo. Ganoon ako kalalim, Mia. Pero putangina. Ibang usapan kasi dahil inulit niyo pa!" He punched the mirror on his side.
Nabasag ang salamin sa lakas ng suntok niya at agad akong napatayo dahil sa kaba. Narinig ko rin ang katok nila sa labas at tawag ni Tita Coleen.
"Chester..." Linapitan ko siya pero mahina niya akong tinulak.
"Anak, anong nangyayari sa inyo?" Tawag ni Tita Coleen sa labas. Hindi niya ito pinakinggan at lumuhod sa mismong harapan ko. Kahit hindi ko makita ang mukha niya, alam kong umiiyak na ito dahil sa paggalaw ng balikat niya.

BINABASA MO ANG
Mesmerized with Desire(#7)
Fiksi UmumDesire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nagsabi na iiwan mo ako, iniisip ko na may tiwala akong ibinigay sa'yo. I don't wanna conclude things that's not came directly from your mouth."...