Chapter 30

5.9K 190 19
                                    

Chapter 30

MIA

"Quit staring." I rolled my eyes on him while preparing his juice. Nasa kusina kami pero tanaw namin si Lara mula dito na nanonood ng TV habang pinapakain si Fluffy---ang aso nito.

He laughed. "Sorry but I can't help it. I'm just happy to see you here." Sagot nito saka nakangiting tinanggap ang binigay kong baso.

Tinanaw niya si Lara saglit saka ako ulit binalingan. Kanina pa ito parang tanga na ngingiti-ngiti na akala mo ay hindi maisara ang labi. Napapailing na lang din ako pero hindi ko naman magawang bulyawan dahil nandito ang bata.

"Maiba ako." He said. "Kailan ka pa lumipat dito? Two days ago, wala pang ilaw ang buong bahay nang dumaan ako dito eh." Kibit balikat nitong tanong.

"Kahapon." I simply answered.

Tumango naman siya. "Oh. Foor good?"

I nodded. "Yeah. Saka mas malapit dito kaysa sa bahay nina Ate." I answered.

"That's nice. Lara will be happy. Magkikita ulit sila ni Ysa kapag bumisita sina Ate Aira dito." He sighed in relief.

Kumunot naman ang noo ko. "Hindi na sila nagkikita? Bakit?"

Ang kaninang nakangiti nitong mukha ay biglang napalitan ng seryoso. "It's a long story but to make it short, I transferred her to another school. My sister kept on bothering her. Lagi niyang pinag-iinitan ang bata kaya napilitan akong ilipat siya sa ibang school at bumili ng bahay dito. Ipinagkatiwala ko rin ang restaurant sa Asst. Manager ko para mabantayan ko si Lara araw-araw." He explained.

Nasagot na ang tanong ng dalawa kong kaibigan. They didn't see him because he lived here. Malapit naman sa office pero siguro nasa tabi siya ni Lara buong maghapon.

"I know I'm not in the position to say this but why are you letting your sister hit her daughter? I mean, pwede niyo naman siyang ilayo. Or, maybe a check-up?" I whispered my last sentence.

Hindi ko naman sinasabing baliw ang kapatid ni Ash pero parang may problema ito sa pag-iisip. Konti lang naman dahil alam kong suki siya sa mga designs ni Ate Ai. I just don't get why she can't show love towards Lara.

Every child deserves a happy and peaceful home.

Narinig ko ang paghinga ni Ash. "Hindi naman niya pinagbubuhatan ng kamay si Lara. Well, not yet. But she always shouts at her whenever she saw her laughing or smiling. Nagkasakit kasi si Dad kaya si Mama lang ang pwedeng tumingin kay Ate. But I told her to just focus on Dad. Ayoko rin silang mastress na dalawa." Pagpapaliwanag ulit nito.

"E sinong kasama ng kapatid mo?"

"I'll let you meet her soon. I will let you meet them soon." He smiled again. "Ako naman, are we good? Last time we've talked, you were mad at me. Kulang na lang ibato mo sa'akin ang buong mundo." He raised a brow then shook his head, like reminiscing about the last scene we shared.

Ako naman ang natigilan at napatitig sa mukha niya. I looked at him, as I recalled what happened before. I digged in, until I found myself capturing the first moment that we met. In that condominium building, where I saw him relaxing using his phone. That mistake.

My mistake.

A mistake that turned out into a beautiful beginning.

I blinked. He smiled.

He's Ash.

Ang kaisa-isang tao na pilit akong inintindi kahit na hindi ko siya pinili kahit minsan. Ang lalaking sinuportahan ako kahit noong hiniling ko na layuan na niya ako. Ang lalaking hindi ginamit ang kahinaan ko para lang maikulong ako sa buhay nito.

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon