Chapter 51
MIA
Isang linggo na ang nakakalipas nang isapubliko namin ang pagkidnap sa'akin ng ama ni Zyrene pero parang kahapon lang ito nangyari dahil sa init parin ng balita. Our faces are everywhere and too many stories are up.
Life imprisonment ang inabot ng mag-ama sa mga kasalanan nila dahil sa patong-patong na kasong ibinato namin sa kanila. Today, we could finally let our Lara go in peace cause we already captured her killer. Ash's case was already settled since a witness came after Zyrene's father arrested by the police.
"Love..." Pukaw sa'akin ni Ash at tinapik ang balikat ko. I just looked at him but he took the remote control and turned the TV off.
Kanina ko pa kasi pinapanood ang mag-ama kasama ang mga nahuli nilang kasama pati na rin ang mga nakuha ng mga investigators na illegal na ginagawa ng pamilya nila.
"Hinihintay na tayo ng Lara natin." He smiled a bit. Tumango ako at tumayo na.
Bago pa kami makalabas ng kwarto ay hinila ko ito at iniharap sa'akin. "Let me fix your tie." I told him.
Habang inaayos ko ang polo nito ay nakatingin lang siya sa mukha ko. Magmula noong nakidnap ako, hindi na ako linayuan ni Ash. He's always around me and even put trackers to all of my shoes.
After his interview and we got home. He kneeled in front of me and asked for my forgiveness. I told him several time that it was all part of my plans but he still blames himself for losing me that day.
"Quit staring, natutunaw ako." I joked and smiled a bit.
He sighed. "How can I not stare at a perfection?" He asked then gave me a peck on the lips. "How can I live without you, Mia?" He asked again then hugged me.
Yakap na mahigpit. Yakap na parang ibinalik lahat ng nabaling buto ko mula sa mga masasakit na karanasan ko. Yakap na dinig na dinig ko ang tibok ng puso niya, yakap na may kasamang kaba at saya.
Six days before Ash's interview...
Madami man akong nakikitang bagong mukha dahil sa mga hindi ko kakilalang pamilya ni Ash ay alam ko kung sino ang mga dumadalaw para manmanan lang kami. I remembered four faces coming every day. I reviewed our CCTV cameras and my instincts were right.
Dala na rin siguro ng galit at pagod sa mga nangyayari ay buo ang tapang ko ng isagawa ang plano ko. Palihim kong kinausap ang tatlo sa mga guards nina Kuya Nathan na manmanan ang mga dumadalaw sa burol. I didn't tell anyone about my plan so I could just think about myself.
Sa dalawang araw na pagsunod ng mga guards sa apat na tauhan nina Zyrene, tatlong bahay lang ang nalaman kong pinupuntahan ng mga ito. Isa, ang isang bahay na may nagmamay-aring Dominador Tiu, pero namatay ito limang taon na ang nakakalipas. I also heard that he's one of the bodyguard of Zyrene's family before. Pangalawa, ang isang sikat na restaurant na nakapangalan sa pinsan ni Zyrene. Pinamanmanan ko ito at nagrequest din ng CCTV footage at nakita kong may pumapasok, pero hindi na lumalabas ang mga tauhan nila hanggang sa magclose ang restaurant. I bet there's a hidden room in that building.
And lastly, an old building that's under the government. Lumang-luma na ito at hindi na napapansin ng ilan. It would be easy for Zyrene's father to have an access into that property.
Pwede ring nasa restaurant si Zyrene at doon nagtatago pero mahihirapan akong pasukin 'yun at mas lalo sa bahay ng dati nilang bodyguard. I gathered all my knowledge in programming and didn't stop until I have this solid plan.
Wala akong maisip na ibang paraan kundi ipahin ang sarili ko kahit pa nakataya ang kaligtasan ko at nang anak namin ni Ash. Ako ang gusto ni Zyrene at mas madaming madadamay kung hindi ko ito tatapusin.
![](https://img.wattpad.com/cover/124654954-288-k888967.jpg)
BINABASA MO ANG
Mesmerized with Desire(#7)
Fiksi UmumDesire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nagsabi na iiwan mo ako, iniisip ko na may tiwala akong ibinigay sa'yo. I don't wanna conclude things that's not came directly from your mouth."...