Chapter 46

5.6K 174 8
                                    

Chapter 46

Mia

Fifteen minutes kaming naghanap bago namin makita si Lara sa isang ice cream shop malapit sa skwelahan nila. Agad siyang linapitan ni Ash saka yinakap.

"Naku namang bata ka. Kung saan-saan ka namin hinanap!" Hindi mapigilang sabi ni Ate rito.

"What happened? Are you okay? May kasama ka ba? Bakit ka nandito?" Sunod-sunod na tanong ni Ash at luminga-linga pa sa paligid.

Lara licked her ice cream then shrugged. "A man came and told me to wait for you here. Sabi niya friend mo daw." She answered. Nakita ko ang pagtiim bagang ni Ash.

"Lara, 'dba sabi ni Tito Ash huwag kang basta-basta sasama? Pinag-alala mo kami. At bakit hindi ka nagpaalam kay Ysa?" I asked her. Napatingin lang ito sa kaibigan saka ulit ako binalingan.

"Sabi ng friend ni Tito, takot daw siya sa Daddy ni Ysa." Walang kamalay-malay nitong sagot.

"Hindi ba, sabi ko sa'yo na tawagan mo ako kung ganoon? Tapos dapat magkasama kayo ni Ysa. Pinag-alala mo kami at pinaiyak mo pa si Ysa oh. Akala niya, nawala ka na." Maalumanay pero ramdam ko ang nerbiyos sa tono ni Ash.

Lara stood up and hugged Ysa. "Sorry."

Nagkatinginan lang kami lahat at lumabas na. Binuhat ni Ash ang bata. Kita ko ang kaba sa kanya ngayon sa higpit ng yakap nito kay Lara.

"Lara, anong sabi sa iyo ng friend ni Tito Ash? Ba't umalis agad?" Usisa ni Ate nang nasa sasakyan na kami. Lahat kami pwera kay Kuya Gelo na nagdadrive ay natuon ang atensyon ss bata.

Nag-isip ito saglit saka ako binalingan. "He just asked about you, Tita Mia. So I told him to stop because I like you a lot. And my Tito loves you so much."

Napatingin lang ako rito at napaawang ang labi ko. Hindi ko alam kung naiintindihan na niya ang mga bagay-bagay pero ramdam ko ang pagmamahal nito sa'akin sa mga nabanggit nito.

"I told him that I miss going on a trip but those reporters keep on taking pictures of us." She pouted.

"Pwede naman tayong pumunta sa resort nina Tito Nathan. Birthday ni Vaughn next month." Kuya Gelo told her. Biglang lumiwanag ang mukha nito.

"Promise?"

"Daddy won't break any promise." Ysabelle answered.

Tumawa kaming lahat at napahalik ako sa pisngi nito. I held their little hands and put them together. "Huwag niyong uulitin ang nangyari kanina ha. Mamamatay kami sa nerbiyos. Dapat magkasama lang kayo sa school. Okay?" I told them.

-----

Nasa kwarto na kami ni Ash at natutulog na si Lara. Naupo ako sa tabi nito at sumandal sa balikat niya. Hindi man nito sabihin, alam kong mabigat ang dibdib niya sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya. Ash will always be that man who won't hurt a girl's feelings. He always has to control his anger so he won't be able to say uncertain words.

Alam ko rin na may parte sa kanya na gustong pabayaan na lang lahat dahil naging parte naman si Zyrene sa buhay niya. Na gusto niyang manahimik na lang para matapos na.

"Nandito lang ako, Ash." I told him. "Sasamahan kita sa laban mo. Nasa likod mo lang kami ni Lara kasama na rin ang pamilya ko." I hugged him.

Yinakap naman niya ako ng mas mahigpit. "Thanks, Mia." He sighed. "Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka dito ngayon. Thanks for staying kahit na nagugulo ko na rin pati mundo mo. You know that it's hard for me to do this. Kilala mo ako. Pero naiisip ko na kung hindi ko ito gagawin, paano tayo? If I can't remove the dirt on my name, I'm pretty sure that'll drag you down too. I won't let that happen." Mahabang linya nito. I looked up, and I saw his eyes closed.

Mesmerized with Desire(#7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon