Chapter 4
MIA
"Sinasabi ko sa'yo Mia, kapag pagod ka sa trabaho, tawagan mo kami ng Kuya Gelo mo. Ang lapit ng building niya sa opisina ninyo e. Paano na lang kung nahulog ka kagabi? Mabuti na lang at nakarating ka dito ng buo." Nakatulala ako habang sinesermunan ako ni Ate. Maski kasi ako ay hindi ko alam kung anong nangyari. Kwento niya ay nakatulog ako sa daan habang pauwi kami ni Herminihildo. Tinali niya lang ako gamit ang jacket nito at hindi na nagpatakbo ng mabilis hanggang sa makarating kami sa bahay. Problema nga ni Ate kung paano daw ba pasasalamatan 'yung tao.
Sus.
"Hindi naman ako nasaktan. Saka sabi mo nga, nakarating ako ng buo." I said. Tumawa ito ng mahina bago ako hinarap habang nakataas pa ang hawak nitong sandok dahil nagluluto siya ng agahan.
"Paano kung hindi?" She asked. Tinignan ko lang ito saka siya napailing. "Siya ba 'yung kinukwento ni Ysa?" She asked another question.
"Oo." Simple kong sagot at tinikman ang luto niyang tinolang manok.
"Bakit kayo magkasama? Akala ko ba si Chester ang kasama mo kagabi?" Intriga nito saka lumapit sa lamesa. She looked at me like trying to figure out what's happening then smiled. "The more you hate, the more you love?" Sabi niya at ngumiti ulit.
"Tigilan mo nga ako, Ate Ai. Nagkataon lang na napadaan siya sa harapan ng opisina saka walang taxi kagabi. He offered a ride so I didn't refuse it. Pagod kaya ako." I explained. Hinawakan lang niya ang buhok ko at tinapik ng mahina ang balikat ko.
"Gwapo naman siya. Ingat na ingat nga kagabi noong ipinasok ka niya sa kwarto mo---"
"What? Hindi ba si Kuya Gelo ang bumuhat sa'akin kagabi?" Malaki ang mga mata kong tanong rito. Kanina pa ako kampante at parang walang pakialam sa nangyari kagabi pero ngayon...hindi ko alam. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
"Asa ka. May business trip sila ng asawa ko." Biglang may pumasok sa kusina habang bitbit ang isang taong gulang na anak at tinignan ako ng makahulugan. "Jowa mo ba 'yun, Jamia?" Jenny asked. Tinawanan siya ni Ate at sakto ring pumasok ang mga bata para mag-almusal kaya pinabayaan kami ni Ate.
"Makajowa ka naman." I told her.
"Eh sino 'yun?" She asked. She leaned closer. "Sexmate?" She whispered.
"Gago hindi." Napailing ako at lumayo rito. "Tao. Tao 'yun na gustong tumulong sa kapwa tao." Sagot ko. Sumimangot ito at napailing lang.
Napabuga naman ako ng hangin at uminom ng tubig. Napatingin ako kay Jenny na busy sa pagpapakain sa anak niya. I stared at her for a while, hindi naman na siguro nila maalala. I'm about to smile in relief when she glances at me and smirked.
"Remember the promise? We're still waiting for it." She said.
I frowned.
------
Nakisabay si Jenny sa'akin sa pagpasok sa trabaho dahil nagtitipid daw ito. Inuna rin naming hinatid si Ysa sa school niya kanina.
"Mia, tomboy ka ba?" Jenny asked out of the blue. I glance at her then shook my head."Ano na naman 'to, Jennieca?"
"Wala lang." She shrugged then check those things inside of my car. "Kasi nga 'dba, I remember our old conversations noon. How we spent our rest day talking about nonsense and we also tease each other. Ikaw 'yung pasimuno sa mga mahahalay na usapan pero kita mo ngayon, kami ang unang nag-asawa ni Nadie." Sabi nito nang hindi tumitingin sa'akin.
"So?" I asked. Napatigil ito sa pagkakalikot at napatingin sa'akin. I shrugged and she shook her head.
"Curious na curious kasi ako." Daldal niya ulit at umayos na ng upo. "Hindi ka ba na-attract kay Chester? I mean, you saw him with only his boxers on. Pinupuntahan mo siya sa condo niya. You spent a lot of time with him lalo na noong nag-asawa na kami. You also went to different places, spending nights here and there...hello? Binibigyan ka na ng grasya ni Lord, ayaw talaga? No like?" She asked, as she laughed with her last word. Tinignan ko ulit ito at huminga ng malalim.
![](https://img.wattpad.com/cover/124654954-288-k888967.jpg)
BINABASA MO ANG
Mesmerized with Desire(#7)
General FictionDesire Series #7 Jamia Arabelle William's and Ace Stefan Herminihildo Estrella's story. "Sa bawat tao na nagsabi na iiwan mo ako, iniisip ko na may tiwala akong ibinigay sa'yo. I don't wanna conclude things that's not came directly from your mouth."...